Nakita ko na palabas si Andrew sa kanyang opisina “Ms. D, hwag mong sabihin na pumunta ako ha.” Napatakbo naman ako sa elevator para di kami magkita ng dati kong asawa. Pinindot ko agad ang close button para di umabot si Andrew ngunit nahawakan nito ang pinto bago sumara. Nagtakip lang ako ng phone sa aking mukha na kunyari ay may kausap at sa palagay ko ay di naman ako nakita ni Andrew. Nakapwesto ako sa likuran at nasa harap naman si Andrew. Natatakpan ako ng iba pang mga nakasakay sa elevator na nasa unahan ko. Naglabasan na ang lahat sa ground floor. Nakatakip pa rin ako ng mukha na pa-labas rin sa ground floor nang hawakan ni Andrew ang braso ko para pigilang lumabas. Pinindot naman agad ni Andrew ang close button ng elevator kaya naiwan kaming dalawa na papunta sa basement