“Nakapagshopping ka na agad ha,” puna at tukso ni Andrew nang makita ang paper bag na bitbit ko.
“Isang bag lang para mawala ang sama ng loob ko.”
“Ang mahal ng sama ng loob mo,” panunukso pa nito sabay ngiti.
“Kulang pa iyon. Dapat may sapatos pa,” masungit na sabi ko na may halong pagbibiro.
“May uwi pala ako sa iyo galing Cebu. Nasa kwarto natin.”
Hindi naman ako sumagot at di na pinansin ang aking asawa. Pagkatapos kumain ay niyaya na ako Andrew sa aming kwarto.
“Let’s go upstairs now. I have a surprise for you,” bulong ni Andrew.
Umirap lang ako pero hinila ako ni Andrew paakyat sa aming kwarto.
Iniabot ni Andrew ang isang supot sa akin at tiningnan ko naman kung anong laman nito. Knitted na swimsuit na iba’t-ibang kulay.
“Hoy Mr. dela Torre, bakit puro swimsuit ito. Sa akin ba talaga ito o pang regalo sa mga babae mo?”
“Sa iyo nga yan. Kaya magpapayat ka para maisuot mo ‘yan.”
“Tumigil ka dyan. Malamang si Jane meron ding ganito.”
“Bakit naman siya nasali sa usapan? Tumigil ka na nga sa pagseselos mo pwede ba,” naiinis na sabi ni Andrew.
“Kasama mo ba sya sa Cebu?” usisa ko
“Of course not! Bakit ko naman siya isasama? Hindi ko naman siya asawa o business partner,” paliwanag pa nito
“Pero girlfriend mo siya ‘di ba,”
“No, she’s not! Ano bang pinagsasabi mo Seline?”
“Umamin ka na. Nakita ko kayong dalawa at hwag mong mai-deny-deny.”
Inilabas ko ang aking phone at pinakita ang record ng cctv sa parking lot na nakita kong naghahalikan sila ni Jane. Natigilan si Andrew sa kanyang nakita. Pinanood niyang mabuti ang cctv recording.
“Ano? Tatanggi ka pa? huling-huli ka na Mr. dela Torre.”
“Wala lang ito Seline, nangungulit kasi sya palagi.”
“Matagal na ba kayo? Bakit hindi na lang siya ang pinakasalan mo? O sadyang ‘di ka makuntento sa isa. At sa Cebu, may-ibang babae ka pang kasama?”
“Wala nga akong kasama sa Cebu, bakit ba pinipilit mo? Wala kaming relasyon ni Jane. Fling ko lang sya. Hindi yun seryoso. Nagawa ko lang yun kasi na bored ako sa iyo nang unang gabi natin. May mga hinahanap ako na wala sa iyo. Hindi mo ako napasaya sa kama kaya naghanap ako ng iba. Di ka nag-aayos, mukha kang buntis sa mga suot mo at mukhang nerd. Nakakabored ang mga sinasabi mo at lagi na lang ulam at cake ang tinatanong mo sa akin. Wala tayong common interest.”
“Lumabas din ang totoo. Hindi mo naman talaga ako gusto ‘di ba? At yan lang ba talaga ang tingin mo sa akin? Walang kwentang asawa at di maibigay ang gusto mo? Gusto ko lang namang lutuan kita ng masarap na ulam at wala ka namang kinain sa lahat ng niluto ko. Maaga kang umaalis at gabing gabi ka na umuuwi. Ang sabihin mo, hindi ka lang talaga makuntento sa isang babae. Gusto mo ay paiba-iba at papalit palit. Maganda at sexy naman talaga ang gusto mo pero bakit ako pang pinakasalan mo?”
“Look, Seline. I’m so sorry. Let’s fix this. I don’t wanna lose you. I love you, you know that. I’ll fire her if you want to.”
“Then do it!I don’t wanna see her face again!”
Sabay alis kosa aming kwarto. Nagpunta ako sa guess room at inilock ang pinto.
Nagsimulang umagos ang mga luha ko sa aking mga mata. Sobrang sakit ng mga narinig kong salita mula kay Andrew.
“S*x lang ba ang importante para kay Andrew? Ang masatisfy sya tuwing gagawin iyon? Napaka-immature nyang tao,” sambit ni Seline.
Itinulog ko na lang ang sama ng loob ko. Hindi naman ako pinuntahan ni Andrew at di na kami nag-usap muli.
Tinupad ko ang pangako kay Mrs. Chua na dalan ito ng mga cupcakes. Gusto akong kunin na supplier ng cupcakes at iba pang bake products sa mga coffe shop nito sa ibat ibang lugar sa Luzon.
“Pwede po Mrs. Chua. Para may pagkaabalahan din po ako. Nakakabored na rin po kasi sa bahay.”
Hindi ko napansin na ilang araw nang hindi umuuwi si Andrew sa aming bahay. Naging busy ako sa aking pagba-bake at pagsusupply ng mga cupcakes sa mga coffee shop ni Mrs. Chua.
Sumagi muli sa isip ko si Jane at si Andrew kaya’t naisip kong puntahan ang opisina ng aking asawa. Kabadong-kabado ako sa maaari kong makita. Mahuhuli ko ba ulit ang dalawa o wala akong mapapala sa pagpunta doon?
"Ms. Dina, can I talk to you in private?"
"Ano po yun ma’am. Nakakakaba naman po kayo."
"Just be honest with me. Dito pa ba nagwo-work si Jane?"
"Ahh, yes po ma’am."
"She wasn’t fired?"
"Hindi po. Nandito pa rin po sya."
Napapikit na lang ako sa mga narinig at kinalma ang sarili. Agad akong umuwi ng bahay at naisip kong mag-empake ng aking mga gamit. Ilang damit lang naman ang meron ako. Lahat ng gamit sa bahay ay si Andrew ang bumili. Dala ko lahat ng bag na ibinigay ng aking asawa. Limang piraso din iyon at ang huling binili ko na luxury din.
“Baka kung kanino niya pa ipamigay ito. Akin naman ang mga ito,” bulong niya.
Gusto kong lumayo at makapag-isip. Nag-search ako ng hotel na pwede kong tuluyan. Ayaw ko na sa Maynila at wala rin akong sinabihan na kapamilya o kaibigan. Ayaw kong dumagdag sa alalahanin ng ibang tao ang problema ko sa aking asawa.
Nakakita ako ng isang resort sa Batanggas. Mukhang maganda ito at ayos naman ang presyo. Agad ko itong tinawagan for reservation para sa araw sa iyon. Four days ang pina-reserved ko at sapat na iyon para makapag-isip kung anong dapat kong gawin. Nag-book na lang din ako ng taxi para ihatid ako sa resort at ayaw kong magpahatid sa driver na si Mang Dante.
Nagpaalam ako sa dalawang kasama bago umalis. Kay Mang Dante at kay Manang Celia.
Masakit ang mga nangyari sa akin. Sa loob lang ng ilang buwan ay iba na agad ang pakitungo sa akin ng aking asawa at nagawa pa nitong mambabae. Samantalang sa akin ay walang time ang asawa ko. Pero mabuti na rin na natuklasan ko agad ang pagtataksin ni Andrew.
“Akala ko ay mahal niya rin ako, pinaglaruan niya lang pala ako,” sambit ko habang nasa loob ng taxi.
Alas dos ng hapon ng makarating ako sa resort. Umakyat agad ako sa aking kwarto at nagpalit ng swimsuit. Yung two-piece bikini na knitted na uwi ni Andrew na kulay yellow.
Kahit papaano ay mag-feeling sexy ako kahit hindi. Nagdress ako ng itim na mababang neckline at labas ang cleavage. Ito lang ang maipagmamalaki ko sa aking katawan. Nagsuot din ako ng contact lense na kabibili ko lang sa mall at itinabi muna ang salamin sa mata. Lumabas ako ng kwarto at kumakain sa resto ng resort nang may lumapit sa akin na lalaki.
“Hi Mrs. Seline dela Torre,” bati ng lalaki
Napalingon ako sa likuran at nakilala ang matipunong lalaki na si Jc
“What are you doing here Mr. Jc Cuevas,” maangas na sagot ko
“To unwind. Stressful ang buhay ng mga businessman. Are you with Andrew?”
“Who is he? And by the way my name is Seline de Olvera not dela Torre. Ok.”
“Woh! You broke up with him?”
“Not really, I run away at di nya pa alam dahil hindi sya umuuwi ng bahay namin.”
“So, you’re alone right now.
Yes, alone. Tutal wala rin naman siyang pakielam and all he cares are those girls that he f*ck. Mas stressful maging asawa ng businessman at alam mo kung ano pang pinag awayan namin? Ulam!
Natawa si Jc sa sinabi ko
“Why? What's with ulam?”
“Akala ko mas naiinlove ang lalaki kapag magaling magluto ang babae. Ayaw niya daw na pinag-uusapan ang ulam tapos sa lahat ng niluto ko isang beses lang sya kumain and after that we fought about his lover Jane. Alam mo na.”
“He’s weird. I love girls who know how to cook,” nailing na sabi ni Jc.
“Kakain ka ba o baka may naghihintay sa iyo?”
“Gusto mo bang samahan kita?”
“Not really. I want to be alone right now. Baka masira pa ang image mo at baka matsismis ka.”
“Hindi naman. Kung kailangan mo ng kausap, nandito lang ako sa tabi-tabi. I’ll stay for four days here,” pero tumayo na rin sya para umalis
“Hanapin kita kapag na bored na ako,” sabay ngiti ko
Nagpatuloy lang sya sa pagkain at umalis na si Jc.
“Maybe I’ll need him later, someone I could talk to. I’ll look for you later Jc,” bulong nya muli.
Bumalik na lang muli ako sa aking kwarto at nagpahinga. Bandang hapon ng maglakad-lakad ako sa beach nang magkasalubong ko muli si Jc. Nagkakwentuhan ng mga ilang mga ganap sa buhay at mostly tungkol kay Andrew.
“Matigas talaga ang ulo nun at walang makakapigil sa mga desisyon nya. Ora-orada pa kung mag-utos. Kung di lang talaga malaki ang utang na loob ko dyan ay sinipa ko na yan.”
“Sipain mo. Napaka ungrateful naman ng taong iyon. I helped him with his Japanese investor at pati kay Mr. Chua. He likes him now because of my bake goodies pero ipinagpalit pa ako sa Jane na yun.”
“Yeah, I heard about it. Masarap ka nga daw mag-bake.”
“You should try. Andrew doesn’t like it. Di pa natitikman ayaw na agad. For him hindi masarap ang mga binake ko. Walang h*** talaga!”
“He’s tough even sa mga empleyado nyan. Pinapaiyak niya talaga kahit sa maliit na pagkakamali.”
“Wala naman yatang magandang qualities yung lalaki na yun. Bakit ba nagpadala ako sa mga pangbobola niya noong nanliligaw pa sya?”
“But he’s good with his business.”
“Isama nya sa hukay ang pera nya pati na rin ang mga babae niya.”
“You’re really angry at him.”
“Abot hanggang langit.”
Nagsabay na rin kami sa pagkain ng dinner at patuloy sa kwentuhan tungkol kay Andrew.
Kinabukasan ng hapon ay tinatawagan ni Andrew si Jc.
“Yes, pare,” sagot ni Jc sa phone nya
“Nasaan ka. I need your signatures para dito sa mga papers. Papadala ko sa office mo and it’s urgent.”
“Naku, pare. Sad to say pero wala ako sa opisina ngayon. Naka leave ako ng four days pero kung gusto mo dalin mo na lang yan dito sa Batanggas. Nasa resort ako now kaya pumunta ka na lang dito para makapahinga ka na rin. Hwag puro work.”
“Ipahahatid ko na lang diyan. Send mo sa akin ang address diyan.”
“Ikaw na ang pumunta kahit sa hapon. Lets have some drinks at unwind lang,” pilit ni Jc
“I’ll try. Medyo busy dito sa opisina e.”
“Basta hintayin kita.”
Magkasama kami ni Jc ng magkausap sila ni Andrew.
"Sa tingin mo pupunta sya?" tanong ni Jc
"Hindi yun. Busy yun sa trabahao kaya sana hwag na syang pumunta."
"Magusap kayo ng ayos."
Mauna ka nang kumain hihibtayin ko lang yung gag*ng yun.
Mayamaya sa restaurant:
“Look who’s here,” ani Jc.
Nagulat si Andrew ng makita ako sa kabilang table na kumakain mag-isa. Nilapitan nya ako at kinausap.
“What are you doing here?”
“Hindi mo alam na wala ako sa bahay ‘no. Kahapon pa kaya kami ni Jc dito. Bakit nandito ka rin? Are you with your dearest VP girlfriend?”
“She’s not my girlfriend and this is business. I’m with a business partner. Wait. What? You’re with Jc? Kailan pa kayo nagkakilala?
“Nung nasa Cebu ka tapos kahapon nagkita kami ulit,” sagot ko.
Umalis rin agad si Andrew at umupo sa tabi ni Jc. sa lakas ng boses nito ay rinig ng mga tao sa loob ng resto.
“You’re with my wife.”
“Teka pare, nagkataon lang na nagkita kami kahapon. Wala kaming relasyon.”
Pagkakain ko ng dinner ay umalis na ako sa resto at bumalik sa aking kwarto.
“Nakakainis! Bakit nandito siya? Bakit kasi pinapunta pa ni Jc? Sana umalis na sya agad. Sayang maganda pa naman dito pero magche-checkout na lang ako bukas at hahanap ng ibang resort.”
Lumipas ang ilang oras at nabored na ako sa panonood ng tv. Gusto kong pumunta sa bar ng resort pero iniiwasan kong makita si Andrew. Nang hindi na ako makatiis ay lumabas na rin ako ng gabing iyon. Nakacroptop na sleveless at wide legged pants.
“Hello maam ilan po sila?” bati ng crew
“Isa lang. Pwede ba ako sa table na hindi masyadong pansinin. Yung medyo madilim?”
“Sige po maam meron po kami. Wala pong makakakilala sa inyo.”
“Thank you,” saad ko na ngumiti sa babaeng crew
“Anong order nyo?”
“Isang strawberry lemonade at calamares.”
“Ok po maam,” sagot ng waitress
May banda na tumutugtog. Mga ballad songs na nakakarelax lang sa tenga at sa pakiramdam na sakto sa pagmumuni-muni ko. Luminga-linga pa ako para matiyak na wala roon sa bar na iyon sina Andrew at Jc.
Hating gabi na ng lumabas ako sa bar. May ilang kanta pa ang banda pero inaaantok na ako. Sa aking paglalakad ay may humawak ng aking braso.
“Nakakita ka na ba ng mas mayamang mapapangasawa na ipapalit mo sa akin?”
“Bakit naman ako maghahanap ng mayamang katulad mo na freak? Hindi ko kailangan ng mayaman dahil mayaman ako. Bitawan mo nga ako Andrew,” mahinang boses na may pagbabanta sa aking asawa.
Bigla akong niyakap ni Andrew at hinalikan. Nagpumiglas naman ako pero mahigpit ang kapit ni Andrew.
“Hwag kang gumawa ng eksena Andrew. Nakakahiya.”
“Ikaw ang nakakahiya. Anong ginagawa mo, lumalandi ka na dito. Mag-usap tayo sa room mo.”
“Hindi pwede. Ayokong makipag-usap sa iyo. Lasing na lasing ka kaya doon ka na nga sa room mo.”
Agad hinablot ni Andrew ang maliit na sling bag ko. Itinaob ang bag at nahulog ang ilang gamit at susi ng kwarto. Agad pinulot ni Andrew ang susi at tumakbo papunta sa nakaukit na room number. Pinulot ko naman ang mga nahulog na gamit. Dali-dali kong hinabol si Andrew pero nakapasok na agad ito sa kwarto ko.
Nagulat ako na naghubad si Andrew ng pang itaas na damit. Ngunit tumalikod ito sa akin, naglakad at nahiga sa kama.
“Hoy, bwisit kang lalaki ka! Makikitulog ka pa dito. Madami kang pera di ba? Umalis ka dito.”
Pero hindi ako pinansin ni Andrew at natulog na ng tuluyan. Ilang ulit kong hinampas ng unan ang aking asawa pero tulog na tulog na ito.
“Ano ba?” saad nito
“Makaganti man lang ako sa iyo ngayong gabi. Walng h*ya ka!”
Nilagay ko muna ang comforter sa sahig at ang mga unan. Pagkatapos ay dahan-dahan kong itinulak si Andrew papunta sa sahig. Inalalayan ko naman para hindi tumama ang ulo nito. Gusto kong masolo ang kama at ayaw kong katabi si Andrew. Hindi naman ito nagising at tulog na tulog dahil sa pagkalasing.
napansin ko nang maagang nagising si Andrew na masakit ang ulo. Umupo sa sahig at nagtataka. Luminga-linga sa paligid ng kwarto dahil wala siyang maalala. Hindi nya rin ako nakilala na kung sino ang babaeng nakahiga sa kama. Isinuot niya muli ang kanyang t-shirt at kinilala ako habang nakahiga. Nakilala nya na ako ang babaeng nakahiga at mukhang naguguluhan siya sa mga nangyari kagabi.