Halos napabayaan ko na ang aking negosyo kakasunod kay Andrew na wala naman akong napapala. Kung hindi umiiwas ay pinagtataguan naman ako nito, kaya’t paano ko mababawi at susuyuin ang nagtampo kong dating asawa? “Hoy Seline, ano nang nangyari d’yan sa mission mo success na ba o failed?” tanong ni Rica “Niluluto pa rin hanggang ngayon. Hwag kang atat dyan.” “Napapagod na kaya ako kakapabalik-balik ng Cavite at Manila. Kelan ka ba papasok?” “Di mo naman kailangan palaging puntahan yung sa Manila. Ok naman ang mga tao dun. Twice o thrice ay pwede na kaya mga ilang araw pa akong wala.” “Sana lang talaga maging successful yang mission mo kay Andrew. Kung hindi, sayang lang lahat ng effort mo.” “Oo naman. Konting lakas pa ng loob ay magigigng successful din ito. Tiwala lang sis.” “Ok. N