Pagkatapos ng aking mga pagmumunimuni ay naligo na rin ko. Iniisip ko kung magpapaganda ba ako o hindi. Sa palagay ko ay ‘di naman ito ganun ka gwapo at siguradong di ako magustuhan ng lalaking yun dahil sa itsura ko at malamang na babaero pa ito. Wala rin sa plano ko ang magkanobyo dahil naka-focus sana ako sa negosyong ibibigay sa akin ng aking mga magulang. Sa katunayan ay binasted ko nga ang mga manliligaw ko noong college pa lamang ako dahil alam kong makakasira ito sa mga ambisyon ko. Sa katunayan ay dalawa lang naman nagtangkang manligaw sa akin at hindi pa kagwapuhan.
Ilang minuto akong nakatitig sa aking mga damitan para pumipili ng aking isusuot. Maya-maya ay bumaba na rin ako dahil dumating na ang aming mga bisita. Kapapasok lang ng mga Dela Torre sabay ng pagbaba ko naman sa may hagdan at nakadama ako ng hiya dahil nakatingin ang lahat sa akin at ‘di ako masyadong nag-ayos ng sarili. Black dress ang sinuot ko at nag-girdle para ‘di mahalata ang bilbil ko. Basa pa rin ang buhok ko at naglagay lang ng konting lipstick sa aking labi at suot pa ang aking salamin sa mata.
“Ako lang to guys,” pabiro kong sabi.
“Seline, ito pala ang anak naming ng Tito Romeo mo. Si Andrew,” ani Tita Sandy.
Napatitig ako sa gwapong mukha ni Andrew. Matangos ang ilong, mapungay ang mata at manipis na labi.
“Hello,” nahihiyang bati ko sabay ngiti ko sa lalaki. Di nagpahalatang kinikilig sa kagwapuhan niya.
“Hi!” Sabi ni Andrew sabay abot ng kamay nito.Pero mukhang walang interes sa akin dahil saglit na sulyap lang ang ginawa nito at halatang pilit ang ngiti.
Inabot ko naman ang kamay ni Andrew para makipag-shake hands saka binati ko rin ang mag asawang Dela Torre at nag-beso sa mga ito.
“Maupo muna tayo dito sa sala habang hinihintay maluto ang tanghalian natin,” saad ng Mommy ko sa mga bisita.
“Napakagwapo naman pala ng anak niyo mare, pare,” sabi ng Daddy ko.
“Eh kanino pa magmamana ‘di ba,” sagot naman ng daddy ni Andrew.
Sabay tawanan ng mga matatanda sa kanilang usapan.
Napangiti lang si Andrew at nanailing. Ganon din ako na sanay na sa ka kornihan ng magkakaibigan.
“Tama ka. Manang-mana talaga sa iyo pare,” sang-ayon pa rin ni Daddy.
Ang awkward ng pakiramdam at gusto ko nang magtago sa aking silid.
Ilang minuto pang kwentuhan ay nagsalo-salo na kami sa pananghalian at sa kalagitnaan ng aming pagkain ay nagsalita si Mr. dela Torre ng seryoso.
“Andrew, ang totoo niyan, kaya tayo narito sa bahay ng mga de Olvera ay gusto sana namin ng mommy mo na ipakasal ka na sa anak nila na si Seline,” saad ni Mr. Dela Torre.
“Dad, hindi ninyo man lang muna ako tinanong kung gusto o ayaw ko?” naiinis na sagot ni Andrew.
“Andrew, nakapag-decide na kami ng mommy mo. Siya ang mabuti para sa iyo at hindi kung sinu-sinong babaeng nakikilala mo.”
“Dad, I’m doing everything for the company. I always follow your orders. Halos wala na nga akong sariling desisyon. Pati ba naman ito?” pagalit na boses ni Andrew.
“Naku mare, pare, huwag na muna natin ‘yang pag-usapan ngayon. Kumain na muna tayo,” saad ni Mommy para pakalmahin ang mag-ama.
“Oo nga honey, hayaan nating pag-isipan ito ni Andrew,” sagot ng mommy ni Andrew na halata na ang tensyon na nararamdaman sa sarili.
“Kumain na muna tayo. Iho kain na,” sabat pa ng Daddy ko.
“Nawalan na ako ng gana,” sabay tayo ni Andrew at naglakad palabas ng bahay.
“Bumalik ka dito Andrew,” galit na boses ng kanyang ama.
Tuluyan ng lumabas ng bahay ang binata at sumakay ng kanyang kotse saka pinaandar ito. pinaharurot at halata ang pagkadismaya sa nangyari.
“Hayaan mo na muna honey,” pagpapakalma ni Mrs. Dela Torre sa kanyang asawa.
Hindi nagtagal ay natapos na ang aming lunch. Nagkwentuhan pa saglit ang magkakaibigan at ako naman ay nagpaalam na aakyat na sa aking kwarto.
Maya-maya pa ay umalis na rin ang mga bisita. Pagkatapos ay kinausap ako ng aking mga magulang tungkol sa planong pagpapakasal namin ni Andrew.
“Daddy, anong gagawin natin kung ayaw naman sa akin nung Andrew na iyon? Mukha pang babaero at mainitin ang ulo. Gusto niyo bang maging manugang ‘yon?”
“Mabait na bata daw ‘yon at masunurin. Magaling sa negosyo at kaya kang buhayin at ang magiging anak ninyo,” kontra naman ng daddy ko sa sinabi ko.
“Kaso nga Daddy, mukhang ayaw magpakasal sa akin. Wala na tayong magagawa,” pangungumbinsi ko pa sa aking ama.
“Napag-usapan namin ng mga Dela Torre na mag-date muna kayong dalawa ng isang buwan kapag ayaw niyo pa rin, walang kasal,” suggestion ng Daddy ko.
“Aba, may plan B pa kayo ha. Akala ko ba gusto niyo akong mag-enjoy? Stress naman itong binibigay nyo sa akin,” pabirong sabi ko sa aking mga magulang.
“Hwag ka na ngang magtampo diyan. Para naman ito sa future mo?” saad ng Mommy ko.
Napa-ismid lang ako at sumimangot. Nagpaalam na ako na magpapahinga muna sa aking kwarto. Sumama ang pakiramdam ko at gusto ko munang matulog.
Ilang araw ang nakalipas na walang balita tungkol sa mga Dela Torre. Hindi rin pinag-uusapan ng aking pamilya ang tungkol sa aming fix marriage ni Andrew.
***
Nagkayayaan ang barkada ko na mag-overnight swimming sa isang resort na pagmamay-ari ng isa naming kaibigan. Maganda ito at mamahalin at halos mayayaman lang ang mga pumupunta dito.
Naglalakad-lakad ako kasama ang isa kong kaibigan na si Rica.
“Girl, ano nang balita CEO ka na ba ng kumpanya niyo?” usisa ni Rica
“Malabo na ang pangarap kong maging CEO. Ibebenta na daw nilang lahat ang business naming at ipakakasal na lang daw ako sa isang anak ng mayaman nilang kaibigan. So unfair ‘di ba?”
“Ok nga ‘yun e. Wala ka ng hirap sa pagtatrabaho. Hihiga ka na lang sa pera,” natatawang sabi pa ni Rica.
“Baliw. Ang boring kaya nun. Made-depress lang ako kapag ganun. Tsaka sinong gwapong mayaman naman ang magkakagusto sa akin?” sagot kong muli na may konting pagkakaroon ng low self esteem.
“Maganda ka kaya medyo chubby lang. Eh sinong lalaki daw? Nakita mo na?” usisa pa nito
“Nagkita na kami isang beses. Kaso nga hindi ako type. Nagwalk-out nung nakita ako. Natakot agad,” sabay tawa ng dalawang magkaibigan.
“Grabe. Pero kung ako yung lalaki, di lang walk-out, tatakbo pa ng mabilis. Sino ba? May picture ka?” muling usisa ni Rica habang nagtatawanan kaming dalawa.
“Naku girl, ang gwapo. Wala talaga akong panama sa mga naka-date noon panigurado. Hanapin ko lang sa sss. Wait lang. Ahh, eto ohh.”
“OMG! Girl, totoo ba, siya nga? Ang gwapo niyan. Baka naman pina-prank mo lang ako ha?” duda pa ni Rica.
“Totoo nga. Siya nga talaga promise. Kaso nga hindi ako type kaya malaki pa ang chance ko na maging CEO ng aming kumpanya kesa maging Misis niyang lalaki na iyan,” pahayag ko.
“Wait Seline, tingnan mo yung lalaking papalapit sa atin. Parang siya iyong nasa picture,” gulat na sabi ni Rica.
Bago pa makasalita si Seline ay nasa harapan ko na ang lalaki na si Andrew Dela Torre.
“Small world Ms. De Olvera, bati nito sa akin.
“Ang pormal ha. Sinong kasama mo, sina Tito at Tita ba? Usisa ko.
“Nope, I’m with my girlfriend. Nagpalit lang ng pang-swimming niya,” Ani Andrew
Maya-maya ay may biglang sumulpot na sexing babaeng naka two-piece swimsuit at niyaya na si Andrew mag-swimming.
“Honey, who are they? Come on, let’s swim. Sabat ng babae na ‘di naman pinansin kaming dalawang kausap ni Andrew.
“Nothing honey, just asking for directions,” pahayag nito.
“Asking for directions???” sabay na sabi naming dalawang ni Rica.
“Ang yabang at ang arte. Bagay sila ‘di ba?” saad ko na medyo nainis.
“Korek! Tara na nga. Pogi pero nakakabwiset,” saad ni Rica.
Masayang naghaharutan kami ng mga kaibigan koo malapit sa beach na parang mga bata. Nasa malapit naman si Andrew at ang kasama nitong girlfriend.
“So, childish,” bulong ni Andrew na napapailing habang pinagmamasdan ang grupo namin at kahit mahina ay narinig ko ang sinabi niya.
Napansin kong nakatitig siya at pinanonood ang grupo namin. Napapatawa na itong mag-iss sa mga kalokohang ginagawa namin. Napansin ito ng girlfriend at hinila na si Andrew paalis sa lugar na iyon.
Hey, what’s your problem?” malakas na sambit ni Andrew.
“Why are you staring and smilling at those girls,” galit na sagot ng babae na rinig namin ang pag-aaway.
“’Coz they are funny and looks silly. Are you jealous? I told you not to act immature or I will leave you,” banta naman ni Andrew.
“Ok, fine. I’m sorry. ‘Coz you don't smile like that when you’re with me,” paliwanag ng babae.
“Ok. Let’s just go to our room and make me smile,” pilyong sagot ni Andrew na ikinagulat ko. hindi ko pinahalata na nakikinig ako sa usapan nila.