Nang gumabi na ay nagkayayaan ang barkada ko na pumunta sa malapit na bar. Trip lang namin kahit di naman kami sanay pumunta doon. Pababa kami ng aming hotel room nang makita namin si Andrew.
“Hi handsome. Are you alone?” bati ni Margie na isa sa mga kaibigan ko na maganda at sexy. Hindi niya alam na magkakilala kami Andrew.
“Hi girls, saan ang punta nyo?" bati ni Andrew sa grupo naman namin na halata ang pagkababaero.
“What’s your name handsome? Sama ka sa amin magba-bar kami diyan lang sa malapit,” sabat ni Margie ulit.
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig kong iyon kaya sinenyasan ko si Andrew na huwag ng sumama sa amin.
“Sure. Wala rin naman akong gagawin ngayong gabi. By the way, I’m Andrew Dela Torre.”
Napaismid ako ngunit wqla na ring nagawa.
Sinagot ni Andrew ang aming drinks dahil nasiyahan ito sa company ng aking mga friends at tawang-tawa sa mga kakulitan ng mga ito.
“Hindi ka ba umiinom?” tanong niya sa akin.
“Konti lang. Hindi naman kami sanay uminom nag-try lang naman kami ngayon. Nasaan pala ang girlfriend mo? Bakit mag-isa ka” usisa ko.
“Nasa room at ayaw lumabas.
Napagod magswimming kanina.”
"Sa swimming ba talaga?"
"Eh, saan pa ba Ms. Seline?"
"Baka kasi naghabulan kayo kanina sa buhanginan, Mr. dela Torre," biro ko na natawa naman siya sa sinabi ko at napailing na lang.
Natapos ang masayang gabi namin sa bar na walang pagod sa kakasayaw, iinom naman habang nakaupo at nagkukwentuhan. Nagbalikan na kami sa hotel ng maubos ang aming drinks.
Kinabukasan pag-uwi ni Andrew sa kanilang bahay ay kinausap siya ng kanyang mga magulang. Nalaman ko ang mga pinag-usapan nila nang magtapat sa akin ang mga magulang ni Andrew makalipas ang ilang buwan mula ng magkakilala kami.
“Andrew, saan ka ba galing? 'Di mo sinasagot ang mga tawag namin sa 'yo,” salubong daw ng Daddy nito sa binata.
“I told you before that I’m going to the beach. I’m so stressed lately,” sagot nito.
“Alam mo bang lalo kang ma ii-stress kung magba-backout ang mga investors natin dahil diyan sa pagbi-beach mo?” saad pa ng Daddy nito.
“What’s wrong? Wala naman akong ginawang masama doon,” ani Andrew.
“Nakita ka daw na iba't ibang babae ang kasama mo,” saad ng Daddy niya.
“What? To tell you the truth Dad, I’m with Seline and her friends. We saw each other at the beach and we hangout,” paliwanag nito.
“Hindi lang doon. May nakakita din sa iyo in other places with different girls. Conservative ang mga investors natin at ayaw nila ng mga ganyang issue. Kaya ang sinasabi ko sa iyo ay mag-asawa ka na at para matigil na ang ganitong issue.”
“Yun ba agad ang solusyon? Kakausapin ko muna ang mga investors. Magpapatawag ako ng meeting bukas. It’s my personal life at wala na dapat silang pakielam doon,” sagot ni Andrew
Lalo daw lumaki ang problema ni Andrew matapos ang meeting. Dahil sa mga alinlangan ng mga investors nila ay napilitan siyang sabihin na engage na siya at malapit nang magpakasal para lang magtiwala ulit ang mga ito sa kanya.
Ngayon ay sinong babae ang pakakasalan niya alang-alang sa kanyang negosyo? Wala siyang ka plano-planong mag-asawa pero napasubo na siya.
Naisip niyang suyuin ako at mapapayag akong pakasal sa kanya.
Nag-ring ang cellphone ko isang umaga.
“Hello. Sino ‘to?” antok pa na sabi ko.
“Hi Ms. Seline de Olvera! This is Andrew. Do you have time? Can we meet at lunch time?”
“Agang padugo ng ilong ‘to ha,” saad ko sa sarili. “Why? What’s the matter, Mr. Andrew dela Torre?”
“I’ll tell you later. Please come because I need to tell you something very important. I’ll text you the details,” dominanteng boses nito.
Napaisip at nagtaka naman ako sa imbitasyon ni Andrew. Papayag na ba ito sa fixed marriage namin o magbabackout nang tuluyan?
Nag-blazer ako, white shirt, black shorts at sneakers. Ang meeting place namin ay sa isang mamahaling restaurant kaya nag-order na ng steak si Andrew at inihain iyon pagdating ko.
“What do you want? What’s the very important thing, Mr. Dela Torre? tanong ko agad sa kanya.
“Kumain ka muna. Masarap ang steak dito at sasabihin ko mamaya ang pakay ko.”
“Nakaka-stress ka at ang aga mo pang tumawag. Sabihin mo na iyang very important na ‘yan,” saad ko.
Tahimik lang si Andrew na kumain kaya kumain na lang din muna ako ng steak.
“Ano? Masarap ba ng food?” tanong ni Andrew.
“Syempre masarap dahil mahal ito at libre,” sagot ko.
Napangiti ng bahagya si Andrew sa kataklesahan ko. Halos lahat ng nakakausap niya sigurong babae ay pormal kung makipag-usap sa kanya pero ako ay may pagkaisip bata pa.
“Marry me!” saad ni Andrew
“Ha?” gulat na sagot ko na nasamid pagkarinig nito. “Bakit? ‘Di ba ayaw mo?”
“Noon ‘yon pero iba na ngayon,” sagot ng binata.
“Nagpo-propose ba siya? Bakit wala man lang flowers o singsing? Bakit? Gusto niya na ba ako? Well, compare naman sa mga babae niya na kung saan -saan niya lang napupulot. Swerte kaya siya kapag ako ang napangasawa niya,” sabi ko sa sarili.
Natawa lang ako sa pagkabilib ko sa sarili ko.
“Anong nakakatawa?” tanong ni Andrew.
“Wala may naisip lang ako. So, bakit nga bigla kang nagdesisyon?” usisa ni ko.
“Na-realize ko lang na tama si Daddy. I should settle down, you’re the right girl for me and I think I like you,” ani Andrew.
"You think you like me? Ayos ka ha?"
Naniwala rin naman ako na gusto rin ako ni Andrew kaya ilang beses kaming nag-date at nag-out of town. Pinakita sa akin ni Andrew na mahal na mahal ako nito para mapapayag agad ako sa kasal para lang makuha ulit ang tiwala ng kanyang mga investors.
Ang hindi ko alam ay gagamitin lang ako ni Andrew para gumanda at bumango ang pangalan niya. Pagkatiwalaan ng mga investors at hindi nito i-withdraw ang mga investments nila at makahikayat pa siya ng mas maraming negosyante na mag-invest sa kanya. Wala syang planong magpatali sa isang babae dahil sa dami ng babaeng kayang-kaya niyang makuha. Para kay Andrew ay tama ang pagpili niya sa akin. Isip bata pa ako at kayang-kaya niyang paikutin. Walang alam sa totoong mundo kaya maniniwala lang ako sa lahat ng sasabihin niya.