Isang araw ay may naikwento sa akin ang mga magulang ko. Tungkol sa isang binata. Si Andrew ang bunsong anak ng mag-asawang Sandy at Romeo dela Torre. Tagapagmana ng multimillion na kumpanya dito sa Manila at mapapasakanya ang kumpanya kung magtitino at susunod sa utos ng mga magulang. May pagkarebelde ito, happy go lucky at magaling sa paglustay ng pera ng mga magulang ngunit walang interes sa pagpapatakbo ng negosyo.
Ang isang kapatid naman nito na si Richard ay may sariling buhay na sa Singapore at may malaking kumpanya din doon na pamana ng kanilang mga magulang.
Napagdesisyunan ni Mr. Romeo dela Torre, President/Ceo ng kanyang kumpanya na magretiro na at ipaubaya na ito sa kanyang bunsong anak. Ngunit puro paglustay lamang ang alam nito kaya naisipan nilang putulin lahat ng susustentong natatanggap ni Andrew upang ito ay magtino.
Pinilit nila itong pagtrabahuhin sa opisina nila bilang office worker na doon natutunan ni Andrew ang lahat tungkol sa kumpanya mula sa mababang posisyon. Unti-unti rin siyang na promote dahil nakita ng kanyang ama ang pagpupursigi nito at pagbabago sa buhay. Noon, puro inom, babae, sugal ang kanyang inaatupag at ngayon naman ay naadik ito sa pagtatrabaho. Gusto niyang ipakita sa kanyang mga magulang na magaling din siyang anak katulad ng kanyang kuya.
Sina Mr. at Mrs. dela Torre naman ay natuwa sa pagbabagong nangyari sa kanilang bunsong anak. Ngayon ay madalas na mag-travel ang mag-asawa at nage-enjoya na kasama ang isa’t isa. ‘Di nila nagawa noon dahil sa pagkabusy din ni Mr. dela Torre sa pag-aasikaso ng kanyang kompanya. Sa bawat puntahan nila ay iba’t-ibang mga tao ang nakikilala nila at nakakasalamuha. Isa na doon ang mag-asawang de Olvera. Ang mga magulang ko na may mga small businesses sa Cavite pero hindi kasing yaman ng mga dela Torre. Naging palagay ang mga loob nila sa isa’t isa at paminsan ay sabay-sabay silang nagta-travel na apat. Nagkikita rin sila sa Manila o sa Cavite kapag nandito sa Pilipinas.
Mayroong nag-iisang anak na babae ang mga de Olvera at ako iyon. Seline ang pangalan ko. Mahiyain, simpleng babae kahit na nakakaangat sa buhay at walang maraming kolorete sa mukha at katawan. Nalalapit na ang aking graduation at inaasahan ko na ako na ang magma-manage ng aming mga negosyo. Alam ko na gusto nang mag-retire ng aking mga magulang kaya business management ang kursong kinuha ko sa isang kilalang university.
Sa kabila ng pagiging maykaya ay mahiyain ako at mababa ang self-esteem dahil sa aking itsura. Chubby at nakasalamin pa dahil sa labo ng aking mga mata. May mga nanliligaw din naman sa akin ngunit hindi ko type ang mga ito dahil kadalasan ay ‘di naman gwapo ang mga manliligaw ko. Ang mga gwapo sa aming school ay magaganda at sexy ang nililigawan.
Maraming beses akong nag-try magpapayat pero walang nangyayari. Lalo lang akong lumalaki at bumibigat dahil hindi ko kasi mapigilan ang magluto at kumain na gawain din ng aking mga barkada pero hindi naman tumataba kagaya ko.
Nang araw ng aking graduation ay inimbita ng aking mga magulang ang mag-asawang dela Torre at niregaluhan ako ng mga ito ng isang mamahaling relo. Sa sobrang ganda nito ay ‘di akk makapaniwala na ito ay regalo nga sa akin ng mga kaibigan ng aking mga magulang. Natulala ako at nakatitig lamang sa relo na nakangiti kaya isinuot ito sa akin ni Mrs. dela Torre.
"Alam namin na mabait kang bata kapareho ng mga magulang mo kaya tanggapin mo yang regalo naming sa ‘yo. Sana magustuhan mo, Seline” ani Mrs. Dela torre.
“Sobrang ganda po at ‘di ako makapaniwala. Maraming salamat po tita, tito.”
Ngumiti naman ang mag-asawa dahil nagustuhan ko ang kanilang regalo.
“Magsikain na tayo Sandy, Romeo,” tawag ng mommy ko sa mag-asawang dela Torre.
Kinabukasan ay excited na ako na marinig sa aking mommy at daddy ang pagbibigay sa akin ng pamamahala ng kompanya. Masaya akong bumangon at nag-almusal kasabay ang aking mga magulang.
“Mommy, Daddy, pwedeng-pwede na kayong mag-retire at ako nang bahala sa mga business natin. Pero syempre, iga-guide niyo pa rin ako sa mga gagawin ko ‘di ba,” masayang pahayag ko.
Nagkatinginan ang mag-asawa sa pahayag ko na iyon.
“Kasi anak, alam mo, may napag-usapan kami ng mommy mo,” malamyang tono ng boses ng Daddy ko.
Kinabahan agad ako at nakinig sa sasabihin ng aking mga magulang.
“Naisip kasi namin na ipagbili na ang iba nating mga negosyo,” saad ng aking mommy.
“Ha? Bakit? Akala ko po ba ay ako ang mamamahala. Sabi niyo pa ay kayang-kaya ko itong gawin at bilib na bilib pa nga kayo sa akin ‘di ba? Anong nangyari? Nalulugi na ba?” nagtatakang tugon ko sa kanilang sinabi.
“Hindi naman nalulugi anak. Gusto lang namin na hindi mo ituon ang buong buhay mo sa pagta-trabaho. Pwede tayong mag-iwan ng ilang negosyo na gusto mo. Tutal may mga paupahan pa tayo na pwede pa nating pagkakitaan. Tsaka mag-aasawa ka rin naman. Yung asawa mo na ang bubuhay sa iyo at ituon mo ang buhay mo para sa magiging pamilya mo,” paliwanag ng daddy ko.
“Daddy, kaga-graduate ko pa lang po.’Di pa ako mag-aasawa agad. Madami pa akong gustong gawin at wala pa ‘yan sa isip ko. Ang gusto ko nga ay paunlarin pa ang mga negosyo natin. And besides, wala pa akong boyfriend. Ni manliligaw nga ay wala. Kaya anong mag-aasawa ang sinasabi n’yo diyan.”
“Anak ayaw namin na magaya ka rin sa amin ng mommy mo. Wala kaming inatupag noon kundi ang magtrabaho kaya ‘di na naming naasikaso ang isat’isa. ‘Di na kami nagkaroon ng time para sa ating pamilya. Gusto naming mag-enjoy ka sa buhay.”
“Siya nga pala anak may isa pa kaming sasabihin. Sina Tito Romeo at Tita Sandy mo. May anak kasi silang binata. Gusto ka daw makilala,” nag-aalangang sabi ng aking mommy habang nakatingin kay Daddy.
“Ha? Bakit naman gusto niya akong makilala? Wala pa bang girl friend? Baka pangit yun ha,” natatawang sabi ko pa sa aking mga magulang.
“Hindi. Poging bata nga iyon eh. Basta gusto ka daw makilala. Pupunta sila dito mamaya,” Sagot ng mommy ko.
“Mamaya na agad? Hindi ba bukas na lang? Pagod pa ako sa party kahapon. Gusto ko sanang maghiga buong maghapon. Tsaka hindi ako magugustuhan noon. Mukha akong nerd at chubby pa.”
“May out of town kami ng Daddy mo bukas kaya sabi ko ngayon na lang. Maganda ka kahit chubby at mukhang nerd,” saad ng Mommy ko at pagbibigay pa ng lakas ng loob sa akin.
Napatawa naman ang daddy ko.
“Mommy si daddy oh. Tawang-tawa. Baka babaero yun ha. Mayaman kaya siguradong playboy yun,” nakasimangot na sabi ko.
“Ikaw na ang bahalang kumilatis. Ito kasing Daddy mo, sinabi lang na tagapagmana, um-oo na agad na ipakasal ka sa anak nila,” nag-aalalang sabi pa ni Mommy.
“Sorry anak ha. Nabigla rin kasi ako e. Pwede ka namang tumanggi kung ayaw mo talaga. ‘Di rin natin alam kung magugustuhan ka,” pagbibirong saad ng daddy ko.
“Hay, Daddy talaga oh. Bad ka,” naiinis na sabi ko at sinimangutan siya.
Nag-ring ang phone ng Daddy ko at agad naman itong sinagot.
“On the way na ba kayo pare? Sige, nandito lang kami sa bahay. Ingat kayo,” sabi ni Daddy sa kausap niya sa phone.
“Papaunta na ba sila?” tanong ni Mommy.
“Maligo ka na Seline at papunta na sila dito. Magbihis ka ng maganda ha,” utos ni Daddy.
“Mamaya pa sila. Galing pang Manila ‘yon,” sabi ko.
“Basta mag-ayos ka na,” utos muli ng Daddy ko.
Tinapos ko muna ang aking almusal bago dahan-dahang umakyat sa aking silid na may sariling bathroom. Naupo pa ako ng ilang minuto sa toilet bowl at pinag-isipan ang mga sinabi ng aking mga magulang.