“Ok lang po kayo maam?” tanong ni Manong Driver “Wala na po bang ilulungkot yang mga tugtog nyo sa radio manong? Nakakaiyak po kasi.” “Ililipat ko po.” “Huwag. Ok na yang sobrang madamdamin. Gusto ko ding mag-emote at ilabas itong-.” ”Hwag po maam bawal po yan.” “Maglabas ng nararamdaman. Bawal na po ba?” “Hindi naman po. Pasensya na.” Yakap ko ang car seat na nasa unahan ko habang tumutulo ang luha sa mga kantang aking naririnig sa loob ng sasakyan. Maya-maya ay sinabayan ko na ang mga kanta na parang nababaliw na.Sakto talaga na puro pang broken hearted ang mga tugtog sa radio ng sinasakya kong kotse. “Manong gusto mo bang mag-goto? Libre ko.” “Sige po maam sasamahan ko kayo para gumaang ang pakiramdam ninyo.” Bumaba kami sa isang kainan. Umorder ng goto, itlog, tokwa't baboy a