“B-bakit mo ako tinatanggal sa trabaho?” Nanatiling walang emosyon si Zyair habang nakatingin sa 'kin na para bang wala siyang pakialam sa tanggalin ako sa trabaho... na para bang hindi niya ako gusto. “I can fire you if I want to,” sabi na lang niya. Napabuntong hininga ako at agad na tumayo habang nakikipaglabanan ng titig sa kanya. Pilit akong may hinahanap na emosyon sa mga mata niya, umaasa ako na nagbibiro lang siya at hindi siya seryoso sa sinabi niyang sisisantehin niya ako. “M-may nagawa ba akong mali?” Hindi ko alam kung bakit iyan ang lumabas sa bibig ko. Dapat binubulyawan ko siya ngayon, dapat nagrereklamo ako sa kanya ngayon. Bakit parang naubos ang lahat ng lakas at tapang ko dahil lang sa ilang salitang binitiwan niya? Hindi ko inaasahang magagawang saktan ni Zyair