“Brix, ikaw na bahala kay Sam,” bilin ni Agos pagkatapos ay napatingin sa anak na ngayon ay kaharap ang ilang kababaihan. Tinutulungan nito na magbitbit sa mga dala nila para sa pag-likas. “Masusunod kamahalan. Pangako hindi ko po pababayaan ang Prinsesa.” sagot ni Brix at sabay pa sila na napalingot muli kay Sam. Gumuhit ang ngiti sa mga labi nila ng makita ngayon si Sam na bitbit ang isang Sanggol. “Brix, may nais pa akong itanong sayo ngunit sana hindi mo sabihin kay Sam.” “Ano po iyon kamahalan?.” Saglit na napatahimik si Agos bago napatingin sa paligid nila. “May nabanggit ba sa ‘yo ang Prinsesa tungkol sa isang lalaki?” “Po?” “Nasabi sa iyo o nai-kwento o nakita na lalaki na napupusuan niya? maaring kasintahan? o nagugustuhan pa lang?” tanong ni Agos kaya naman ay napaiwas