Parang wala sa sarili na naglakad si Sam papasok ng palasyo. Sa bungad ay naroon si Tess at Brix na bakas ang pag-aalala nang makita siya. "Kamahalan!" wika ni Tess at dali-daling lumapit sa kanya. Ganoon din si Brix na agad ay nilapitan siya at agad na binalot siya ng balabal dahil halata kay Sam na nilalamig na. "Sam, anong nangyari? Saan ka galing? Kanina ka pa namin hinahanap? Ayos ka lang ba?" Wala siya sa sarili na tinanguan si Brix. Agad siyang inalalayan nito papasok ng palasyo. "Tess, sabihin mo sa Hari at kala tiyo na nakita na natin ang Prinsesa. Ako na ang magdadala sa kanya sa kanyang silid." Utos iyon ni Brix kaya dali-dali na umalis si Tess para magpunta sa tanggapan ng hari. Samantalang agad silang nagtungo sa silid ni Sam. Pinaupo ni Brix sa upuan si Samantha pagkat