“Nasaan ang Prinsesa? hindi mo kasama?” tanong ni Axael ng makita si Brix pagkatapos nito kausapin ang isa sa mga sundalo na nagbabantay sa paligid. “May mga gawain pa siya, hindi ko muna ginulo.” sagot niya sa Tiyo Axael niya bago napatingin sa Villa kung saan namalagi si Sam. “Musta Tiyo? tagal ng pagpupulong niyo? ano na ba ang balita?” Napabuntong hininga si Axael. “Ganon pa rin, pero parang mas lalong lumala dahil kalaban ng turing ng republika ang Salinlahi. Tangina kasing Presidente iyan!” mura pa ni Axael bago nagsindi ng sigarilyo. Tila ikinabahala iyon ni Brix. “Ibig sabihin ba noon mas nanganganib ang Salinlahi?” “Ayaw nilang makipag-pulong kay Agos, Ayaw ng Republika na makinig at dinggin ang pakiusap na huwag kunin ang mga lupain ng mga katutubo sa Salinlahi. Dahil ayaw