"Hindi nila naiintindihan na para rin naman sa Salinlahi ito. Gumagawa na nga paraan para hindi tayo tinatapakan ng Republika. Hindi ba nila maintindihan iyon?" tanong ni Brix kay Sam na nasa kaniyang harapan. "Marami sa mga pinuno ng Tribo ang sarado pa rin ang isipan, hindi natin sila mapipilit na gustuhin ang nangyayari ngayon, naghalo ang positibo at negatibo sa nangyayari ngayon." sagot ni Sam pagkatapos ay napadungaw rin sa bintana sa kaniyang silid. Tanaw mula sa ibaba ang barikada na ginawa ng palasyo para hindi pumasok basta-basta sa Palasyo ang mga turista na nasa labas. Dahil 24 oras ang takbo sa Pier ay halos maya-maya rin ang pagdagsa ng mga tao sa Isla. At karamihan ay para makita ng personal ang Palasyo. Marami ang nagpapa-picture sa labas ng palasyo kahit gabi pa. M