Gusto kong makapag-isip ng maayos o ikalma muna ang sarili bago gumawa ng isang bagay na maaari kong pagsisihan. Alas kwatro pa lang ng umaga ay nakahanda na akong umalis. Pinaikot-ikot ko ang hawak na cellphone habang naghintay ng text mula sa Grab. Nang makita ko sa map na malapit na siya ay kaagad na akong lumabas ng bahay. Yes, may obligasyon ako kay Jacob at alam ko naman iyon. Hindi ko kinalimutan. Ipinagluto ko na siya ng food niya hanggang hapunan. Kailangan na lang niyang initin iyon, at nag-iwan na rin ako ng note sa kanya bilang may-ari ng bahay. "Ma'am, ang driver po 'to, malapit na ako sa bahay mo," sabi sa text. "Okay po. Nasa labas na ako," reply ko sa kanya habang nakatayo sa nay gutter ng kalsada. Dahil maaga pa, alam ko na siya na ang paparating na kotse dahil hindi