POLITICS' DIRTY GAMES: THE SENATOR ◉ ◉ ◉ ◉ ◉ ◉ ◉ ◉ ◉ ◉ "Kawawa naman siya. Siya lang 'yung naka-survive e." "Wala na 'yung buong pamilya niya? Kahit ba 'yung kapatid niya?" "Milagro na lang daw 'yung makakapagligtas sa bata. Hanggang ngayon nga nasa ICU pa. Dead on arrival naman 'yung nanay niya." "Isa pang milagro ang sabihin mo. Milagro na nabuhay pa siya." Ilang araw na ba akong pinag-uusapan ng mga nurse na 'to? Ilang araw na rin ba ako dito sa ospital? Hindi pa ba dadating 'yung susundo sa'kin? Naiirita na ako dito. Gusto ko nang umalis. Bakit ba kasi kailangan pang nandito pa ako? Kailangan ko bang marinig lahat ng sasabihin nila sa pamilya ko? Wala na silang lahat. Alam ko na 'yun pero paulit-ulit pa rin nilang pinag-uusapan. Hindi na ako umiyak. Matagal ko naman nang alam