YUKONG-YUKO ANG ULO at tahimik akong kumakain, habang abot naman hanggang tainga ang ngiti ng kasama ko. Kanina pa ito ganito. Mula pa lang pagbaba namin ay para na itong nilalaro ng anghel, sa lapad ng pagkakangiti. Ang balak ko nga sana, pagbaba namin ay uuwi na rin ako. Mag-a-alas singko na rin kasi. Hindi lang pumayag si Dos. Pinilit ako nito na kumain muna bago ako umuwi. Kaya't wala na akong nagawa kung hindi ang paunlakan ito. Kung alam ko lang na makukunsumi ako sa pagngiti-ngiti nito, pinatigasan ko na lang sana ang pag-uwi. Nahihiya kasi ako sa mga kaibigan nito na kapansin-pansin ang pag-angat ng mga kilay dahil sa biglaang pagbabago ng mood ng lalaki. Kanina nga naman, pag-akyat namin ay sambakol, at hindi maipinta ang mukha nito, tapos pagbaba namin, biglang iba na? Bigl