Chapter 104

2031 Words

HINDI KO NAPIGILAN ANG awtomatikong pag-angat ng mga mata ko sa receptionist na nakaupo sa harapan ko. Napa-arko rin ang isang kilay ko. Umandar ang pagka-Maritess ko. Nakatingin pa rin ito kay Dash. At base sa kung papaano nito i-address ang lalaki ay tila ba napaka-komportable na nilang dalawa sa isa't isa. Sa isang tingin pa lang ay masasabi mo na, na hindi ito ang unang beses na nagkita, at nagka-usap silang dalawa. Hhhmmm. . . hindi kaya itong babaeng ito ang dahilan kung bakit nandito sa clinic si Dash? Baka pinopormahan ng lalaki. Base sa first name basis ng babae kay Dash, hindi maikakaila na matagal na ang mga itong magkakilala. Pasimple kong sinulyapan din ang kaibigan ni Dos. Ngumiti ito sa dalaga. Inilabas ng ngiting iyon ang mapuputi at pantay-pantay na mga ngipin nito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD