Chapter 55 - Mejo SSPG

3122 Words

ILANG SANDALI na tila hindi makapaniwalang nakatunghay lang si Dos sa akin pagkatapos ng ginawa kong pag-amin. Itinukod pa nito ang dalawang palad sa magkabilang gilid ng aking ulo upang bahagyang iangat ang sarili, at sa wari ay mas matitigan ako ng husto. Nakaguhit sa mga mata nito ang labis na pagkamangha. "Huy!" Natatawang untag ko sa lalaki, kasabay ng mahinang pagtapik sa balikat nito. Ikinurap-kurap nito ang kanyang mga mata. Bago paunti-unti ay gumuhit ang patagilid na ngiti sa mga labi. Maya-maya ay kinagat nito ang pang-ibaba nitong labi, upang marahil ay pigilan ang nalalapit nang pagkapunit ng mga iyon dahil sa patuloy na paglapad ng nakaguhit doong ngiti. At nang hindi mapagtagumpayang pigilan ay bumaba itong muli sa akin at ibinaon ang mukha sa pagitan ng leeg at balikat

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD