Chapter 24

1891 Words

"I want your soul, goddess of the dead." Third Person's Point of View AGAD na may lumabas na kakaibang liwanag mula sa salamin ng batang babae. Napaatras ng kaunti si Hel pero hindi ito tumakbo o umalis sa pagkakatayo roon. Walang bahid ng takot o pangamba sa kanyang mukha. Naghihintay lamang siya ng kung anong susunod na gagawin ng babae. Tila ba may hinihigop ang salamin mula sa loob ng katawan ni Hel. "Your soul is mine." Matapos iyon ay nawala na ang liwanag na nanggagaling sa salamin. Nawala rin si Hel sa harapan ng batang babae. "Umalis na tayo dito, tapos na ang trabaho natin." Kasama ang kanyang alagang uwak ay naglakad na ito papaalis doon. Sa gitna ng kanyang paglalakad ay may narinig siyang kaluskos kaya't napatigil ito. "Saan ang punta mo? Hindi pa tapos ang trabaho mo."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD