The biggest slap in friendship is that you're still holding to the other person but she already let go and turn her back to you. Bellona's Point of View "HOW about you? Kaibigan mo ba talaga ako o kinaibigan mo ako dahil naaawa ka sakin?" Hindi ako makagalawa sa kinatatayuan ko matapos ang pag uusap namin ni Hel. Kinaibigan ko siya dahil sa awa? Kahit kailan ay hindi iyon pumasok sa isip ko. Hindi naman siguro ako ganoong kababaw para lang makipagkaibigan sa kanya dahil naaawa ako sa kanya. "Bellona," dahan dahan akong lumingon sa kanya at nakita ko si Kreios. "Anong ginagawa mo ditong mag isa—bakit ka umiiyak? Anong nangyari sayo?" Hindi ko napigilan ang sarili ko at tumakbo papalapit kay Kreios. Niyakap ko siya at humagulgol sa kanya. Hindi ko akalain na maririnig ko iyon mula kay H