You need to take off your mask every now and then and take a break. Cry and laugh, forget the thing that keeps on hurting you. NAPATAKBO nalang ako nang marinig ko ang pagbanggit ng mga kapatid ko sa pangalan ko. Hindi na ako naghintay pa ng mga susunod nilang sasabihin. Dala na rin siguro ng takot na baka may malaman akong mas lalo lamang dadagdag sa sakit na nararamdaman ko dahil sa pamilya ko. “Ikaw ba si Hel?” Paulit ulit na bumabalik sa akin ang tanong na iyon ng kapatid ko. Pakiramdam ko nang marinig ko iyon ay sumabog ang mga emosyong pilit kong ikinukulong. Sa isang iglap, sa isang salitang iyon, lahat nang emosyong hindi ko naramdaman sa loob ng matagal na panahon ay muli kong naramdaman. Kung hinintay ko kaya ang susunod nilang sasabihin, ano kayang nangyari ngayon? Ano k