Para akong nasa isang magandang panaginip
Nagising akong nakangiti, ngunit napagtanto na nasa ibang kwarto ako. Bigla kong napagtanto ang mga nangyari kagabi. Shocks!
Nagulantang pa ako nang nakita ko ang sarili na hubad at may nakatakip lang na kumot sa aking katawan.
Agad akong bumangon. Sinipat kong mabuti ang paligid at napagtantong nasa hotel room ako. In fairness, maganda ang kwarto at halatang VIP suite ito.
"Teka lang Kate!", pagsaway ko sa sarili
Nakita ko ang isang hubong lalaking nagshoshower sa bathroom! Nakatalikod ito sa akin at glass ang wall ng bathroom kaya naman kita ko ang likod nito. Pinagpawisan ako nang malamig.
"Kailangan ko nang makaalis dito kaagad", sabi ko sa sarili. Dali dali akong gumalaw ngunit namilipit ako sa hapdi ng gitna ko.
Tiniis ko ang sakit at pinulot ang mga underwear at damit kong nasa sahig. Tanging ang blouse ko lamang ang nakita kong nakatuping maayos sa bedside table.
Agad kong sinuot ang aking mga damit.
Kinuha ko ang aking bag at dali daling lumabas ng kwarto hanggang sa nakalabas na ako ng hotel. Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa aming bahay.
Pagkarating ko sa bahay ay nakasalubong ko pa ang aming kasambahay.
"Ate Kate, saan ka nanggaling? Kina Megan ba?"
"O-oo Tessa. Sinamahan ko si Megan sa cafe nya... at nag overnight na rin sa kanila"
"OK sige. Nag almusal ka na po ba? Ipaghahanda kita"
"H-hindi pa. Pero magpapahinga muna ako sa taas"
Tumango naman si Tessa.
Ang mga magulang ko ay nasa America na. Ako na lang ang naiwan dito sa bahay namin sa Pinas at umuuwi sa kanila tuwing may okasyon.
Umakyat ako sa aking kwarto at tumungo sa banyo at doon ay naligo. Habang naglilinis ng katawan ay sumariwa sa aking alaala ang mga nangyari kagabi. His hot kisses, his touch, and, oh - shocks!!! "Tigilan mo na yan, Kate!" saway ko sa aking sarili
Oo lasing ako kagabi. Pero inaamin ko na ginusto ko ang nangyari. Hindi ko alam ang pangalan nya, ni hindi ko sya kilala at hindi ko rin matandaan ang mukha nya. But I remembered his warmth and how he made me feel so special during that night.
Tinapos ko ang paglilinis sa aking sarili at bumalik sa pagtulog para man lang maibsan ang sakit ng ulo ko.
Hapon na nang magising ako. Kumakain ako sa dining area nang may biglang mag doorbell. Lumabas si Tessa para tignan kung sino ang bisita.
Iniluwal ng pinto si Megan at dali daling pumunta sa kinaroroonan ko.
"Bes, kamusta ka na? Anong nangyari sa yo?"
"Nakauwi naman ako dito sa amin, Megan"
"Sorry talaga Kate! Ang sabi ni Kuya wala ka daw nung dumating sya kaya akala nya umuwi ka na. Paano ka nakauwi? Diba lasing ka na? May dumukot ba sa yo?"
Muntik akong mabilaukan sa sinabi nya. Naalala ko tuloy ang lalaking nakasiping ko kagabi