CHAPTER 6

678 Words
Tatlong buwan ang lumipas simula nang may naka one night stand ako. Alam ni Megan ang tungkol dito pero hindi ang mga detalye. Hindi ko na rin sya sinasagot kapag nag uusisa. Hindi ko na rin naman talaga matandaan ang lahat ng detalye at mas lalong himdi ko kilala kung sino ang lalaking iyon. Minsan ay naiisip ko kung sino kaya sya, ano ang ginagawa nya sa buhay, at anong itsura nya. Pilit ko mang alalahanin ay hindi ko matandaan ang mukha nya Aaminin ko na isang risky na bagay ang ginawa ko. We had unprotected s*x, paano kung nabuntis ako? Ni hindi ko kilala ang ama ng ipinagbubuntis ko. Maswerte na lang at hindi ako nabuntis. Kaya naman ay itinuon ko ang pansin sa self-healing at self-improvement. Na-realize ko na para makapag move on ay dapat mahalin ko ang aking sarili. Naging abala rin ako sa trabaho. Mas lalo kong pinagsikapan. Binalanse ko rin ito ng pag aalaga sa sarili tulad ng exercise at masustansyang pagkain. Sabado ng umaga at nagwawalis ako sa harap ng bahay. Napansin ko angvtruck na huminto sa harap ng katapat na bahay. Isa isang binaba ng mga tauhan ang mga gamit at ipinasok sa loob. Sa itsura ng mga gamit ay masasabi kong bachelor yata ang titira. Sleek ang design ng furnitures at black and white ang color motif ng mga gamit. Sumunod na dumating ay isang kotse na lulan ang sa tingin ko ay ang may-ari. Bumaba ito sa kanyang sasakyan at nakipag usap pa sa nagbaba ng gamit. Kahit sa malayo ay kitang kita ang kagwapuhan ng bago kong kapitbahay. Maamong mata, matangos na ilong, at manipis na labi. Idagdag mo pa ang batak na batak nitong katawan at ang tangkad nito. Para syang may halong foreign na lahi. He's wearing a white shirt, jeans at lace up boots. Mukha syang model. Hindi ko namalayan ang pagtitig ko sa kanya nang biglang may magsalita sa tabi ko, "Ang gwapo Ate Kate!" kinikilig na sabi ni Tessa At ang mas nakakahiya pa ay nang magtama ang mga mata namin nitong bago kong kapitbahay! Pinamulahan ako sa hiya kaya dali dali akong pumasok sa bahay. Pagkatapos naming magdinner ay umakyat na ulit ako sa kwarto. Malamig at masarap ang simoy ng hangin kaya lumabas ako sa balcony. Ang gandang tignan ng mga bituin sa langit. Napapikit pa ako para i-enjoy ang malamig na hangin. Pagdilat ko ay nagulat pa ako dahil nakatingin sa akin itong aking kapitbahay! He is also in his balcony na katapat ng akin. He's wearing white shirt and grey shorts at hindi ko maipaliwanag ang mga nakapaloob sa kanyang mga mata. Muli ay nahuli nya ang aking mga mata at dahil sa hiya, umiwas ako ng tingin. Agad akong bumalik sa loob at ramdam ko ang matinding kalabog ng puso ko. Ewan ko ba at parang ang tindi ng epekto sa akin ng lalaking yon. Siguro ay kailangan ko lang itong itulog. Kinabukasan ay lumabas kami ni Tessa para magsimba. Hindi ko mapigilang mapatingin sa katapat na bahay. Ngayon naman ay nakita ko itong nakatalikod habang abala sa paglilinis ng kanyang sasakyan. Parang work of art ang katawan ng lalaking ito. Magkakasala pa yata ako bago magsimba dahil hindi ko maiwasang mabighani sa kanyang sexy back - his arm muscles, his sexy shoulders... "Hay! Ano ba ito, Kate!" sabi ko sa aking sarili Pagkagaling sa simbahan, ay umuwi na kami ni Tessa. Habang naglalakad pauwi ay nakita ko na naman ang aking kapitbahay na nagjojogging sa village. Sinasadya nya ba na palagi ko syang makita? Kastress! Ngayon ay kitang kita ko ang kanyang gwapong mukha. May ganito pala kagwapong nilalang. Walang sinabi ang ex ko sa kanya. Nasa kabilang side sya ng daan nang makita namin. Nahuli nya ulit ang mga mata ko at hindi ko maintindihan ang kanyang tingin - na para bang kilala nya ako. Bigla na naman ulit akong nahiya nang mapagtantong walang habas akong nakipagtitigan sa kanya at naiwan na ako ni Tessa dito sa labas! Agad akong nagmadali at pumasok sa aming gate.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD