Chapter 24

2022 Words

"Anak, hindi ka ba hinahanap ng asawa mo?" Tanong ni mommy kay Lean ng makababa na kami sa sasakyan. Malalim na ang gabi at tama naman si mommy baka hinahanap na siya ng kanyang asawa dahil maghapon na siyang wala sa piling ni Samantha. Hindi ko alam kung ano ang sitwasyon nilang mag asawa, basta ang alam ko lang ay ikinasal sila at ngayon ay magkasama sa iisang bubong. "Mom, 'wag mong isipin yon. Magpahinga ka na po dahil alam kong pagod ka sa layo ng biyahe natin," pag aalala na sagot ni Lean. "Maraming salamat mommy," lumapit ako kay mommy at niyakap ko siya. "Ako ang dapat na magpasalamat sayo anak, dahil sa pagtanggap mo sa akin at hindi mo pagtatanim ng sama ng loob," sagot niya habang hinahagod ang likod ko. "Quinne!" Sigaw ni daddy na nasa pinto ng mansyon at kararating lang.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD