Chapter 1

1213 Words
Sa loob ng dressing room ng Mariposa bar ay kasalukuyan akong nilalagyan ng make up ng baklang si Patricia, nilalagyan din ako ng maskara sa aking mahahabang itim pilik mata para mas lalong maganda tingnan at pinahiran ng pulang lipstick ang aking labe at saka ko lang isinuot ang black masquerade mask na nagtatago sa aking katauhan gabi-gabe. Habang suot ang black lace lingerie set at mataas na black pointed high heels na 6 inches ang taas at nakalugay lang ang mahabang, pinakulot ng kaunti na aking buhok. "Ladies and gentlemen our Queen Mariposa of the night" Sambit ng isang bakla habang hawak at nagsasalita sa mikropono, bago pa ako nakayukong umakyat sa entablado. Ngayong gabi ay ako ang naka talaga na maging Queen Mariposa, maraming mga panauhin ngayon sa club, mga bigating tao at kung ano-ano pa, maraming mga parokyano at mayayaman, mga kilalang tao. Kasalukuyan na akong gumigiling sa taas at gitna ng entablado, madilim ang paligid at tanging mga iba't ibang kulay ng ilaw na nagkikislapan ang nagbibigay liwanag sa loob ng club, rinig ko ang hiyawan ng mga taong napapanuod ako habang nagsasayaw, mga pumipito sa sarili nilang mga labe gamit ang daliri. Pumipilantik ang aking balakang habang isinasabay ko ito sa mabagal na tugtog, at hinahagod ng aking kamay ang aking katawan mula leeg papunta sa aking balakang habang gumigiling at mula sa paa paakyat naman ang aking kamay sa aking dibdib, minsan pa ay bumubukaka at tumutuwad ako. Nakakapang-akit na sayaw na nagsasanhi sa pag-iinit ng mga lalaking nakakapanuod sa akin, habang nagsisigawan ang maraming tao at napapalunok sa sarili nilang laway tuwing tinatangka kong hubarin ang suot kong bra na ngayon ay nakalaylay na ang dalawang manipis na string nito. Ilang minuto na akong nagsasayaw sa taas ng entablado at gumugiling parin at kasalukuyan ko nang tinatanggal ang aking suot na bra na mas lalong nagpa-ugong sa malakas na hiyawan ng napakaraming tao na halos mapuno na ang buong club, gumigiling ako habang hawak ko ang aking bra at iniikot ko ito sa taas hudyat na matatapos na ang aking performance sa gabing ito at sa harap ng napakaraming tao na naghihiyawan. Makalipas ang ilang minuto ay binagsak ko ang aking pagod na katawan sa sofa dito sa loob ng dressing room ng bar, natapos na naman ang aking masalimuot na gabi sa aking buhay sa harap ng maraming tao, gustuhin ko mang maghanap ng marangal na trabaho ngunit kakarampot lang ang kita, kung tanggapin ko man ito ay ilang oras akong pagod ngunit magkano lang din ang ibabayad sa akin kaya dito pa rin ang bagsak ko gabe-gabe ang pagiging dancer ng club. "Kiwi, halika bilis," tawag sa akin ng manager ng bar, si Madam Leah siya rin ay kapit bahay ko sa aming lugar at taga bigay ng raket sa akin. Si Madam Leah ang tanging nakakaalam sa lahat ng kahirapan ko sa buhay, lahat ng trabaho na pasukin ko ay siya ang unang nakakaalam, actually siya lang talaga ang may alam sa trabaho ko ngayon ang pagiging dancer sa bar, si Madam Leah ay maraming connection's pagdating sa mga iba't-ibang klase ng trabaho dahil isa rin siyang dancer lang sa club noon hanggang sa naging manager at ngayon ay nobya ng may ari ng bar na si boss Ramon Hidalgo. "Ano po iyon?" Saad ko ng lumapit ako sa kanya. "Raket gusto mo?" Tanong niya sa akin na itinaas pa ang isang kilay at kinalabit pa ako sa may bandang tagiliran ko kaya napa atras ako. "Sige ba, anong klaseng raket po ba yan madam?" Sambit ko sa kanya bilang pagsang-ayon sa alok niya. "Malaking pera to Kiwi, kailangan mo lang galingan ang pag giling, umatras kasi ang dapat na siya ang ipapasok ko at 'wag kang a-atras alam kong mahigpit ang pangangailangan mo dahil magpa pasukan na naman, ang tuition Kiwi." Mahaba niyang litanya sa akin. Napakunot naman ang noo ko dahil sa pagtataka kung ano bang klase ng raket iyon. Alam kung gumigiling na ako sa entablado dito sa bar pero bakit may isa na naman akong gigilingan at malaki pa ang bayad. "Diritsuhin muna ako madam, nang maka gayak na po ako dahil may ibang raket pa ako." Ani ko sa kanya dahil sa pagpapa ligoy-ligoy niya sa kanyang sinasabi. "Bachelor party, Kiwi, ano deal?" Bigla akong nag dalawang isip sa inaalok na raket nitong si madam. "Sorry Kiwi hindi ka na pwedeng umatras kasi nag bayad na yong bff ng groom, maswerte ka at ikaw ang nakita ko," dugtong pa niya. "Maraming salamat po madame pero mukhang mahirap po yata yan," saad ko sa kanya ng biglang nalungkot ang mukha ko dahil sa pagkabigo. "Kiwi, 70k ito malaking tulong na ito sayo sa mga kapatid mo," saad pa niya at binigay sakin ang subring naglalaman ng pera. Nagdadalawang isip man akong tanggapin ang alok niya ngunit ng makita ko ang pera ay agad akong nag isip na may solusyon na ako sa ilang araw ko ng problema, kung saan ba ako makakapang hagilap ng pang tuition ng mga kapatid ko. "Sige madam, pero tulungan mo muna ako saka kinakabahan ako," sambit ko na malungkot ang mukha. "Kaya mo yan ikaw pa!" Ani niya at hinaplos pa ang aking balikat. "Oh siya una na ako Kiwi at ako'y magpapa ganda pa baka pakasalan na ako ni Hidalgo," dugtong pa niya at mabilis na umalis. Pinilit ko ang aking sarili na pasukin ang ganitong klase ng trabaho, sa edad kong 20 dahil mahirap pa sa daga ang aming buhay, isang labandera ang aking ina at lasinggiro pa ang aking ama, kailangan kong mapag aral ang dalawa kong kapatid na nasa kolehiyo at sa secondarya. Tinitiis ko ang lahat ng aking paghihirap para lang may ipakain at ipangtustos sa pag aaral nila, kailangan kong lunukin ang lahat ng pride ko matulungan lang si nanay sa mga gastusin. Naiwan akong nakatitig sa perang ibinigay niya sa akin, binuksan ko ang subre at may isang pirasong papel na naka lakip sa pera at binuklat ko, nakasulat dito ang address ng hotel kung saan gaganapin ang bachelor party bukas ng gabi. Tama rin na day off ko sa susunod na gabi kaya siguro ay sa akin ibinigay ang raket na iyon ni madam Leah. Kasalukuyan na akong nandito sa powder room at nag aayos ng sarili ko para sa gaganaping party dito sa hotel, kinakabahan ako ngunit pinapalakas ko lang ang aking loob. First time ko na gagawin ito, sanay na akong gumiling sa maraming tao gabe-gabe sa bar ngunit pakiramdam ko ay panibagong pagsubok na naman ito sa buhay ko, dahil gigiling ako sa isang private room kasama ang mga lalaki. "Ready kana Kiwi?" Tanong ni Madam sa akin. "Medyo," maikli kong tugon at isang buntong hininga muna ang pinakawalan ko bago ako pumasok sa kwarto kung saan gaganapin ang party. Tinulungan pa ako ni Madam na takpan ako ng malaking karton sa loob ng kwarto bago siya umalis ng nagmamadali. "Alis na ako Kiwi, bye, good luck," aniya at tinapik pa ang karton bilang hudyat ng paalam niya at narinig ko nalang ang takong ng heel's niya na papalayo. "Ayan pare, siguro naman matutuwa ka sa napaka laking regalo ko sayo," sambit ng isang lalaki at ang iba ay nagtatawanan pa habang pumapalakpapak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD