Chapter 22

1612 Words

Leandro's POV Matapos ko kausapin ang tumawag sa akin mula sa opisina, ang aking secretary na si Jonna, ay agad akong nagpaalam muna kay mommy at Kiwi at may problema daw sa office. Mabilis naman akong nakarating sa office, dumiritso ako sa aking opisina at pag pasok ko roon ay nakita ko si Samantha na nakaupo sa sofa. "Anong ginagawa mo rito?" Agad kong tanong sa kanya. "Ilang beses kitang tinatawagan, marami narin akong mensahe pero ni isa walang sagot! Alam ko naman na napilitan ka lang sa kasal natin Leandro... Okay fine! Pariho tayong napilitan sa sitwasyon natin, pero ang balewalain mo ako ay hindi ako makakapayag!" Singhal niya sa akin. "Wala tayong dapat na pag usapan Sam," sambit ko. "Dahil wala akong pakialam sa nararamdaman mo! Wala kang mapapala sa akin," dugtong ko pa.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD