Naalimpungatan ako ng may madinig akong kaluskos, mabilis akong bumangon at hinagilap ang buong kwarto, wala akong kasama pero akala ko lang ito, dahil bumukas ang pinto ng banyo at niluwa non si Remon na naka half naked. Tumutulo ang tubig sa katawan nya at bagong ligo ito, napukaw ng atensyon nya ang pwesto ko ngayon, mabilis syang lumapit at umagap ako, tumayo at dumistansya kay Remon. "Don't you dare to come closer, kung hindi sisigaw ako!" pananakot ko at napailing sya, hindi naman sya lumapit sa akin. "You can shout pero wala makakarinig sa'yo, dahil tayong dalawa lang ang andito, wala nang iba pa." Ngumiti sya sa akin bago ako talikuran. Pumunta ako sa bintana, hinawi ang kurtina at malawak na dagat ang bumungad sa akin, nag babadya pa ang malakas na ulan, dahil sa madilim ang