4

3073 Words
Hinihilot ko ang noo ko habang tinitignan ko ang nakaplakdang katawan ng kinaiinisan ko na lalaki ngayon. Nakadapa sa sahig matapos ko syang itulak ng bigla akong sugurin sa unit ko at halikan ng walang paalam, I mean what the heck. Pano nya nalaman ang address ko. He is drunk too, lango sa alak at anong oras na, dapat andoon sya sa asawa nya at sa mga anak namin. Kung hindi nya naman pala aalagaan ang mga bata, sana hindi nya nalang kinuha saakin ang baby. Sana hindi nya nalang ako ginipit noon, edi sana hindi ako ganito na nag dudusa sa buhay ko kahit na may pera ako, hindi naman ako masaya. Sandali akong napaupo sa sahig habang may glass wine sa kamay ko at sumimsim sandali, papaano gagawin ko dito kay Remon, if I call Dana. Baka mag suspetsya sya na bakit andito ang asawa nya, bakit kasama ko at the worst part baka ako nanaman ang mag mukang masama sa mata ng mga tao. Tangina lang talaga, minsan ang sarap maging kriminal "Kahit kailan talaga Remon, perwisyo ka sa buhay ko" inubos ko ang alak sa baso saka tumayo at kinapitan ang paa nya, hahatakin ko nalang sya hanggang sa gilid ng sofa. Hindi ko sya dadalhin sa kama ko, ang kapal nya naman. At saka ano sya sinuswerte, tapos nya ako maliitin nitong nakaraan tapos dito sya, sumulpot sa unit ko at mag collapse. Nakakakulo sya ng dugo, kung hindi lang ako mabait baka iniwan ko sya sa labas ng unit ko. But he is still the father of my children kaya I have to treat him better, para nanaman sa mga anak ko. Konting tiis nalang, higit pa sa haplos ang magagawa ko sa kanila. Makakapiling ko din sila. Remon move and look at me, smile like he saw an angel "Yhra, I really miss you" i roll my eyes and get the glass wine, kukuha ako ng unan at kumot. Bukas na bukas iiwan ko sya sa bahay ayokong maabutan nya akong gising at baka kung saan nanaman mapunta ang usapan namin, sa bangayan at sumbatan nanaman. Ako nalang iiwas, nakakahiya naman kasi saakin "I have many things and realization Yhra" sandali akong napatigil habang nanginginig ang boses nya. Hindi, mag mumuka nanaman akong mahina kapag papaniwalaan ko mga kasinungalingan nya. Tama nang nasaktan ako at sa loob ng mahabang taon, nag tiis at pinili na manahimik matapos akong itapon. Hindi ako pwede maging mahina sa ikalawang pag kakataon, masasayang lahat ng pinag sikapan ko kung babalik ako sa taong sumira saakin ng maraming beses "You don't have to say what you realize Remonise, it's not of my concern. I'm sorry but all I care is my children, not you or our past relationship. Tapos na yon, matagal na. Ang nilalaban ko ang karapatan ko sa mga anak ko na hindi mo binigay, pinag kait mo saakin. At kahit na anong paliwanag mo ay sarado na ang utak ko, hindi na mababago pa" nakatitig ako dito saka ako napabuntong hininga, I am wasting my time on him again. Sa lasing at walang tamang pag iisip na lasing "I am good now, I don't need a man or anything that will hurt me in the future. Okay na ako, wag mo na sabihin pa yan dahil wala nang mag baabgo Remon. Ilang taon na ang nasayang at pinalampas natin. Wala nang panahon para saatin" i smile bitterly and a sting on my heart, parang pinipiga sa sakit at hirap sa pag hinga ko "But Yhra, I really want to talk with you" nag squat ako sa harapan nito at pinapanood akong mag salin ng alak sa baso, pinapanood din ako na lumagok at matapos sa pag ubos sa alak na sinalin ko sa harapan nya mismo "Saka mo ako kausapin kapa hindi kana lasing Remon. Baka mamaya masayang nanaman panahon ko sayo, I won't make a deal with a drunk people. Good night" ang kaliwang kamay ko ay nakakapit sa engagement ring na binigay saakin ni Remon noon. I walk away and not looking at him, mabuti at may nakalabas nang bagong kumot na galing sa laundry at unan. Bumalik ako sa living room at tulog na si Remon doon. Mabuti naman, ankakaurat makipag usap sa lasing, and i am not drunk. I smile after I gave the pillow and blanket, inalis ang sapatos nito at nilakasan ang AC sa living room, dadalhin ko na lahat ng kailangan ko sa kwarto ko, para kung di ko na kailangan lumabas ng paulit ulit. Iiwanan ko na sya sa living room.. Sumulyap ulit ako kay Remon pero wala ito sa pwesto nya. Kumunot ang noo ko at di na ako makagalaw ng may mainit na hangin sa likod ko, braso sa tyan ko at isang back hug. I can't move, ang dami kong dala. Alak, kaha ng sigarilyo. Baso at pagkain na galing sa ref na kakakuha ko lang kanina lang. Kumilos ako at masa humigpit ang yakap nya saakin "Yhra.. I miss you so much" I took a deep breath at saka napapikit sandali. Wala ako magawa kaya sinandal ko na ang ulo ko sa balikat nito saka nag paka wala ng malalim na buntong hininga ulit "Remon.." warning na pag tawag ko para humiwalay saakin ngayon, gabi na. Marami pa akong kailangan asikasuhin para bukas ay meeting ko kay Dana at sa lawfirm ni papa. Maybe I have to let it go. Wala akong knowledge doon, kailangan kong makaisip ng maayos na action plan bago ko sabihin kay papa na hindi ko kaya mag pa takbo ng lawfirm "Kailangan ko na matulog" I reason out, naiilang ako sa lapit namin. Oo nagawa namin ito noon, pero iba ang sitwasyon ngayon. May asawa sya, ako naman ay ex nya. Kaya mali ito, kung may plano man ako para sa mga anak ko ay hindi pwede umabot ng s****l dahil ayoko na mapahamak nanaman. Once is enough for me. Ang tanga ko na kung uulit pa ako "I really do, ang dami ko na gusto sabihin sayo" humarap ako dito at tumingin ng diretsyo sa mga mata nito "Ako din Remon, ang dami ko gusto sabihin at itanong sayo. Pero hindi ko alam kung kaya mo ba na sagutin, at kung masasagot mo ba lahat ng gusto ko malaman" napatungo ito at inaabot ang baso ko ulit kaso iniiwas ko iyon. Ayoko nang mag drama pa sa harapan nya, pero wag nya sana ako punuin lalo na at ang bait ko na tao sa kanya. Una hindi ko sya tinapon at tinaboy na parang baboy kahit na walang paalam na pumunta sa unit ko, hindi ko padin sya pinabayaan kahit na hindi maganda ang ginawa nya saakin "How, I mean saan at papaano mo nakayanan na palakihhin ang mga anak ko ng malayo saakin, papaano mo ako tinapon at inabandona kung talagang mahal o minahal mo ako noon Remon. Bakit nakayanan mo na mahirap ako, mag dusa ako sa mga bagay na di ko ginawa. At bakit mo nagawa yon saakin, akala ko ba mahal mo ako noon" parang tinangay ng pusa ang dila nito at hindi makapag salita ngayon. Hindi nya din pilit na inaabot ang kamay ko "Ano, alam mo ba I sasagot mo saakin? Diba ang hirap" i wipe away my tears quickly. Ito nanaman ang kabaawan ng luha ko, kaya napag kakamalan ako na napaka hina ko na tao dahil sa babaw ng luha ko "Matulog kana, kung kaya mo naman mag drive pauwi ay di kita pipigilan na umuwi Remon. Kaya mo na sarili mo. Nakayanan mo ngang wala ako noon. Kakayanin mo yan" Kinapitan ko ang door knob at pumasok doon, I sat on the back of the door and cry silently. Ako lang at ako ang mag isang nakakasaksi sa bawat tahimik na laban na tinatahak ko. Bawat araw, panibagong pag subok kung papaano ako uusad. Saan ako patungo at papaano ko tatapusin ang mga bagay na nag papahiram saakin. I fought on my own, without. Been humiliated without noticing it. Being nice to all people and trust them, being betrayed, gamitin at saktan. Mag tiwala at pag katuwaan sa huli. But in the end, I won. Papaano ko nasabi na nanalo ako, because I have something that they can't have. I accept my flaws, listen to criticism, mabuti man ang pag kakasabi o hindi. I accept it. Tinatandaan ko ang bawat tao na ginagago ako, dahil napaka tagal ko na makalimot, you betrayed me. I will remember it until my last breath Ang sakit sakit sa dibdib, para akong tanga na umiiyak sa walang kwetang bagay, sino ba sya. Wala na syang halaga sa buhay ko. Matagal nang natapos ang pinang hahawakan ko sa kanya, iisa ang gusto ko mang yare. Gumanti at ipakita sa kanya at iparamdam kung gaano ka sakit ang ginawa nya saakin noon "Paulit ulit nalang na bumabalik ang sakit. Tangina mo talaga kahit kailan" may gigil na saad ko habang hindi na ako nag baso, nilaklak ang laman ng alak at dala ang sigarilyo. Ito nanaman ako, tulala sa kalangitan. "Kamusta na kaya mga anak ko" after I smoke one stick of cigar and drank half of the alcohol. Inalis ko ang damit ko para makapag babad ako sa tub habang nag iinom. I miss to do this, nakakawala sa pangungulila ko sa mga bata. Kahit na araw araw para akong tutumba dahil sa hilo at sakit ng ulo ay ayos lang. I want to ease the pain, all of pain that I have since that day Remon leaves me. Kung mag mamahal ako, hindi na si Remon. Last night makes me p**e, naparami ang alak na ininom ko. Mabuti nalang at nagising ako sa alarm. Nalipas na ang oras na para dapat sa pag work out ko, I took a quick shower and wear a robe, lumabas sa kwarto ko. I didn't expect that Remon will stay. Anong oras na at bakit di pa sya umuwi. He is cooking some breakfast, naka half body at mas lalo namang nanakit ang ulo kong makita ko ang isa sa iniiwasan ko. Rashid is standing beside Remon. Ang katawan nila ay nag lalakian at ang muscles. What the heck, para naman akong paiihi sa natatanaw ko ngayon, kasalanan ito ni thana. Nahawa ako sa kalandian nyang sakit "Excuse me, bakit mo ginamit ang kitchen ko without my consent and what the heck are you doing here Rashid?!" saad ko habang papalapit sa mesa at nakatingin sila saakin, naiilang ako sa way ng tingin nila saakin, it's like they will ravish my body. And I object, di ako papayag mag pa harot sa kanila. Rashid walk to my direction and hug me tight. Wala akong undies, tagging robe lang ang suot ko sa ilalim "Who is he, I'm about to visit you and then I saw him" nanakit lalo ang ulo ko. Ano nanaman bang gagawin ko dito, ang sama ng tingin saakin ni Remon ngayon. At parang ihahmpas nya ang pan kay Rashid na walang kamuwang muwang sa masamang balak ni remon Rashid is like a little baby right now, kung ano kinalaki ng katawan at boses ay ang tindi ng pacute saakin lalo na kapag kami lang. Kapag may ibang tao naman ay lalaking lalaki sya "Well, he is the father of my children" tumaas ang makapal na kilay nito at tinignan ng masama si Remon, I gulp and it feels like mag aaway na sila ngayon mismo "You are the irresponsible motherfucker who use Yhra, and throw her away after using her" lalapit sana si Remon ng itulak ko pa layo, well totoo naman sinabi ni Rashid "Shut the f**k up kid, you don't know anything. Also, I am the father of her children. Manahimik ka" puno ng gigil na saad ni Remon habang ang sama saa ng tingin kay Rashid, kung di ako papagitna sa kanila baka mag pang abot sila. And that was the first time I saw Rashid's serious face. Nakakapanibago lang saakin "Yes you are the father, but the question is hinayaan mo ba na gampanan ni Yhra ang pagiging nanay sa mga anak nyo. Did you let them grow with their mother. Diba hindi, mahiya ka sa ginawa mo pre. Don't act like you are proud that you are the father of her children lalo na kung wala kang kwenta na magulang" Remon pushed Rashid at nag umpisa na silang mag away. Napatili ako ng madali nila ang picture frame ko "Leche di kayo titigil ha!" sigaw ko ng nag lakad ako papunta sa sink at sa ref, kumuha ng tubig, mag kabilang kamay ko may tubig. Ang dalawa na nag papambuno. Sandali ako pumikit at huminga ng malalim. Talagang walang may balak ag patinag. Tignan natin kung saan sila dadalhin ng tigas ng ulo nila Binuhos ko ang tubig sa kanilang dalawa at nag talunan sila, I am watching them to complain kaso nahagip ng kamay ko ang remote ng AC at tinodo iyon. Mga loko sila, sa living room ko pa nag away ha, bakit di sila sa labas at doon mag sapakan. Kahit mag p*****n pa sila "Oh akala ko wala na kayong balak mag paawat pa" hahalot pa sana ng unan si Remon para ibato kay Rashid pero hinarangan ko agad. Nag titinginan naman sila ng masama at nag uumpisa na akong mawalan ng gana na mag awat sa mga tanga "Ang yabang mo mag bakod samantalang gago ka naman" nag hiklatan nanaman yung dalawa at nag duduruan, oh jukso. Ako ang naabala sa ginagawa nila, kapapapikon na din Pumasok ako sa kwarto ko at nag bihis ng mabilis, dala mga papeles na dadalhin ko at naireview ko kagabi bago matulog. Makikipag usap pa ako kay Dana mamaya, marami pa syang aayusin at ipapaliwang saakin bago mag start ang trabaho ko, may lakad din ako sa lawfirm and i don't know how I can handle my live right now. May tanga pang nag aaway sa living room ko. I didn't put some make up at dala ang bag ko at essentials. They're glaring at each other at ako na nabwiset sa kanila ay kumuha ng tig isang kutsilyo at inabot sa kanila pareho "Huwag kayo titigil mag away hanggang walang namamatay ha mga punyeta kayo. Aalis na ako" tinalikuran sila at lumabas sa unit ko, nakakahiya lang. Ako nag adjust sa kanila para makapag away sila ng mabuti mamaya and I just want to enjoy the hot coffee at mag relax bago sumabak sa problema mamaya Sandali ako dumaan sa coffee shop para mag baon ng kape, papaano nanaman ako makikipag plastican kay Dana ngayon, I will chose thana instead of Dana. Ang advantage lang naman kaya ko sya gusto kausapin dahil sa mga anak ko. Kung nasa akin lang ang mga anak ko, hindi na nila makikita anino ko. Kaso mahirap ako noon, walang laban kaya hindi ako naka pili. Pero ayos lang, paunti unti, makakamit ko na sila, makakasama ko din. Ang kailangan ko lang malaman ang mga baho na tinatago nila Remon at proof na tinangay nya ang mga anak ko without my consent. Kailangan ko syang paikutin, and this time. I will play on the game he started "Thanks" pagkalabas na pag kalabas ko sa shop ay tanaw ko na ang main office ni Dana. Sana andoon ang mga bata, I close the door of my car kaso may sumigaw at nag mamadali ko itong binuksan, ang kabog sa dibdib ko ay hindi ko mapakalma, when I look at him. Mas lalo akong nang hina at hindi makahinga, I mean why he is still here. Bakit kailangan ko sya makita nanaman matapos nyang sirain buong buhay ko, he is the other half. Kalahati ng sumira ng lahat "Get away from me, wag ka lalapit or I will call police!" nag ppanic ako habang nahulog na ang kape na hawak ko padin kahit na lumabas ako sa kotse, he's trying to reach my hand "A-ano ba" takot na takot ako hanggang sa mapasandal ako sa pader "Yhra, it's been a long time since the last time I saw you. LA, doon kita nakita but Athanasia's body guard is very tought. At ngayon, masososlo na talaga after many years that i wait for you" i kick his knees and run away. My god, his is getting crazy. Carlo is different now, hindi ko na sya makilala at papaano. I don't know but why I have this feeling that he's stalking me, it's creeping me out "AHHH" sigaw ko ng mahiklat ang buhok ko at makabalik ako sa kanyang pwesto. I want to cry hard. Ano nanaman ba ang balak nya saakin "Why you are running away, we can be together. You are not in relationship. And I am single too, isn't it great Yhra?" I look at him, he look miserable. I don't want any of this. "Carlo, please stop this" I plead and he caress my face, kasabay ng pag haplos nya sa luha ko na pumatak sa pisngi ko at pinapatahan ako, para syang baliw na sa inaakto nya ngayon. Bakit, noon hindi sya ganyan. Napaka bait nya saakin. Binaon ko sa limot ang ginawa nya kahit na napaka laking kasalanan non. Pero ngayon ganito ang malalaman ko, tangina gusto ko lang ng kaibigan noon "I want you, need you. Ikaw lang Yhra" I cry in horror when his face are getting closer on mine, ang lakas na ng tili ko kaso tinakpan nya ang bibig ko, he use hand cuff at nag mamadali akong kinaladkad papasok sa kotse ko Nawalan ako ng balanse ng matumba ako sa lupa at nawala ang pag kakakapit saakin ni carlo, ang hapdi ng braso at balakang ko dahil sa pag landing ko sa lupa, all I heard is shouting and groans. Ilang sandali lang ay tumigil na yung ingay and a very delicate hands touch mine, I look up and I start crying hard. Inalis na ang posas sa likod ko and I hug him tight. It feels like I am traumatized again "Rashid, thank you" he caress my back and I look at the other side of road, Remon is standing there. Watching me carefully. He is smiling and when he notice that I am looking at him ay ngumisi ito saka pumasok sa kotse nya "Thank God you are okay Yhra" Rashid said, gulat na gulat ako ng lumapat ang labi nito saakin, damn.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD