Hindi padin mapakali ang mga tao sa harapan ko habang nag huhumerantado silang lahat at para bang hindi pwede ang desisyon na sinabi ni papa
After four years, i never waste those times na wala sa piling ko ang anak ko, siniguro ko na lahat ng pag sisikap ko ay mayroong kakahinatnan
"Papaano! Anak yan sa labas ni-" tinignan ko ito ng masama ay nginitian. At sino ang dapat mag mana? Ang anak anakan ni papa na hindi naman pala kanya
Ang law firm ni papa ay maingay at maugong dahil sa magagaling ang attorneys nila, bukod doon. Lahat ng bagay ay possible para sa kanila. Lahat ng mga nangangarap na maging attorney ay dito ang unang una nilang pinapangarap
"Anong alam mo sa pag papatakbo ng law firm, sarili mo ngang anak di mo napag laban" hindi sya tumigil at tumayo ako, hindi ko sinama si papa dahil alam ko na mas lalala ang sakit nya dahil sa mga tauhan nyang matitigas ang muka
"Kung ayaw nyo tanggapin ang desisyon ni papa, i won't force anyone of you. Leave, ako mismo gagawa ng resignation letter nyo at pirmahan nyo nalang. At isa pa, pano kayo nakasiguro na hindi ko naipag laban ang anak ko, una sa lahat wala kayong pakialam sa personal ko na buhay, at kung papakialamanan ko ang mga mga bagay na di ko dapat sakop, baka mag kasamaan tayong lahat" may isa padin na hindi nag papatinag, ang titigas talaga ng ulo nila. Hindi nila alam ang salitang tigil
"Accept it, mahina ka para sa anak mo, at magiging mahina ka din para sa pag handle ng-" hindi ko ito pinatapos at binagsak ko ang papel at ball pen sa harapan nila
"Accept it, ako ang masusunod kahit gaano pa ako kahina. Ikaw ang umalis kung ayaw mo makinig saakin. Ang kapal naman ng muka mo para ako mag adjust sayo. Know your place. Employee kalang. Ako na ang magiging head nyo dito. Utos ni papa. Kaya manahimik kayo o mag aalsa balutan kayo at sa kabilang law firm ako mag hahanap ng bagong mga tao na makikinig saakin" ngumisi ito at nilapit ang muka saakin
Ang titigas ng mga muka nila, as what i expect. Hindi ako mag papaunder sa tauhan. I know my place, ewan ko lang sa kanila kung alam ba nila ang tamang lugar nila
"Walang makikinig sayo, wala ka sa level namin" humalakhak ako ng malakas at lahat sila ay napaka sama ng tingin saakin. Syempre, papanig sila sa pekeng anak ni papa, ang kapal talaga ng muka ng asawa nyang sinungaling
"Magkano bayad sayo ni Loraine para maging bastos ka sa tunay na anak ni Protasio Santos II ha? Nasaan ang pinag aralan mo kung ganyan ka mang maliit at mang hamak ng tao? Tama bang tawagin kang magiting na mang tatanggol kung ganyan ang pag uugali mo, umaalingasaw sa baho, umaapaw ang kasamaan ng ugali at pang hahamak mo. Kawawa ang mga taong nasa paligid mo" wala nang nag salita ni isa sa kanila at parang kanina lang ay minamaliit nila ako
"I'll call papa, complain all you want. Hahanap ako ng pamalit sa inyo, hindi ko kayo kailangan dito kung ganyan ang ugali nyo" tinulak ko ang papel "Write down your name, or make your own resignation letter. I'm expecting it tomorrow, kung hindi nyo gagawin ang alin sa dalawa. Then I'm expecting a professionalism here, tigilan nyo ako sa pag atake tungkol sa personal issue ko, kung ayaw nyong mag labasan tayo ng baho" lumitaw si Revo na malaki ang tyan at nakakunot ang noo
"Halika nga, sumama ka sakin" she held my hands and look problematic, ang ganda nyang buntis, nakakainis
"Diba sabi ko sayo wag ka haharap sa mga yon ng di ako kasama?" she look concern at sinarado ang pinto ng office nya, inabot ko agad ang alak at baso, i drank it and dinama ang pait, this is the reason why i am alive, to feel all kind of pain and bitterness of life
"Nakakainis Revo, saka tutulungan mo naman ako saka nila Giorre. At ayoko mag law. Mas mababaliw ako sa gagawin ko kung sakali" revo laugh and give some pictures of two kids, anak nya. Pangatlo na ang anak na sa sinapupunan nya
"Yes, pero hindi mo maiiwasan na mabastos lalo na wala kang gaanong alam at sasamtalahin nila yon. Will use it for their own reason, ayoko mang yare iyon kaya i advise tito Protasio na may iba kalang shareholders. Pero mahirap at obligado ka na mag law Yhra, please understand the situation" umiling ako at nilagok ang alak
"Ang mga anak ko, i need them. Kailangan ko na mabawi sila kahit anong mang-yare. Hindi ako nag tiis ng apat na taon para lang sa wala" naiinis ako habang tinitignan ang litrato na kapit ko, Remon and Danary. One of the Heiress of DLG
"I didn't expect that. Remon is such a good guy. May tinatagong kagaguhan pala, akalain mo yon. It's good that Lesley marry Lian kahit babaero noong una" umaapaw ang galit at gigil ko sa tuwing napupuri si remon, masyado syang plastic at wala syang katapatan, sila ni Dana na angkinin ang anak ko
"I want to slaughter him, kill him and crash him with my bare hands" bumuntong hininga si revo at inagaw ang bote ng alak at baso saakin
"Hindi makakatulong ang galit para mabawi mo ang mga mo Yhra, prepare for the real battle. Kasi hindi lang si Remonise ang kalaban mo, buong pamilya nya" natauhan ako at sandaling tumitig kay revo
"Aalis na ako, kailangan ko bisitahin sila papa at mama. Baka masakit ulo nila kay Yhna" nag lakad ako palabas at pababa sa parking lot, i start driving but the direction of my car is on the house where i became miserable, lahat ng pag dudusa ko, saksi ang bahay na iyon
I almost my bag when the color of house change and the atmosphere, masaya at masigasig. Hindi ko malaman bakit lumundag sa saya ang puso ng makadinig ako ng sigaw ng bata na nag lalaro
Tumalbog ang bola at bumukas ang gate, i didn't move a bit, hinayaan ko na kusang gumalaw ang katawan ko, a woman with red lips and pale complexion went out. Nakasalubong ko ito at gulat sya ng makita ako
"Hi? Sino sila" ang hinhin ng boses nya at parang anghel. Nakakainis, hindi ko malaman at maipalagay ang inis at gigil ko, bakit sya. Kasama nya mga anak ko. At ako na mismong nanay ay hindi pwede
"I am loss, hindi ko makita ang daan pauwi" i said saka sya tumango "Anyways, I'm Yhra Santos" tumaas ang kilay nya sandali at parang may pilit na inaalala
"I'm Danary, sorry you look familiar" tumawa ako ng marahan at umiling, if i look familiar. Well, ako lang naman ang nanay ng mga bata na inaako mo at sinasabing mga anak ko, ang kapal ng muka
"What, baka nag kakamali kalang, ngayon lang kasi kita nakita" tumanggo sya at parang nag iisip pa. Wag kana mag isip Leche na to, kung hindi nya lang inaalagaan mga anak ko baka hinampas ko na ito ng bote ng alak saka bakit sa dati namin bahay ni remon. Nag hihirap na ba sya at di mapagawaan ng bagong bahay ang asawa nya
"No, I saw you on cat walk in Paris. You're a model. Diba suki ka nila Versace at Channel?" i giggle and sway my hand. Nakakahiya, nakilala nya pa ako. Napilit lang ako noon, ayaw din nila maniwala na may anak ako. Nakulangan ako sa allowance na bigay ni papa noon kaya nag part time model ako
"Bihira lang kaya, nakakahiya" umiling ako saka naman sya tumawa. She look amaze that she remember now
"I can't believe na pinay ka pala. Muka ka kasing British Model, kamuka mo din si Lesley Presley, pinay din yon at sikat na model din. Ex pala yon ng husband ko, my bad" i can't hide my smile, si Lesley nanaman, that's also a reason at ayoko mag model. Because of Lesley, nakakainis na ikumpara ako sa kanya
"Yes i am, anyway i need to go, baka abutin ako ng gabi. Salamat nga pala" i saw two kids pero hindi sila tumuloy at nanakbo pabalik. Nakakainis, bakit hindi ko makita kita ang anak ko. Gusto ko sila mayakap at makasama
"Nice meeting you again, if you have spare time. Can you work with me. May maliit akong clothing line and kakaumpisa ko lang last month. I will pay you well, sadyang di ko makita ang taste ko sa model kaya di ako maka hire" ngumiti ako at tinaggap ang calling card nya, a woman with golden spoon on her mouth
"Sure, i will. But I'll clear my schedule first and I'll call you after. Is that okay?" she clap hand nakipag hand shake saakin, hindi ko alam kung nag papanggap ba sya na mabait o mabait talaga. I can't tell, masyado na akong paranoid sa lahat
Bumalik na ako sa kotse at lumabas, i feel my chest tighten. I saw my two kids. Nanakbo ay yumakap sa hita ni Dana. I wipe my tears and feel the pain again. Araw araw naman, hindi mawala saakin na masaktan at maramdaman kung gaano ako pinag dadamutan ng mundo. It's like i am living in hell
Dinala ako sa Paris tapos nila ako makita sa eskinita noon, the ring he gave are still here in my neck, hindi ko maalis dahil parte ito ng pagiging tao at pagsubok saakin para pag sikapan ang lahat ng mayroon ako.
I study and do everything to earn money habang nag aaral ako, si Yhna naman na kapatid ko ay pinaral ni papa, walang malinaw na usapan kung nag kabalikan ba si mama at papa dahil ako lang ang tangging nag coconnect sa kanilang dalawa
I regularly walk on fashion show, advertisement for clothing line and more. I start building my own name in modeling agency, napaka unique daw ng muka ko at mga pictorials. Until i went home, bumalik sa pinas dahil may sakit si papa. Nalaman nya na di nya pala talaga anak si Lorraine na anak ng asawa nyang tunay sa iba. He have a heart attack, mabuti at kay mama inabot ng atake at nadala sa ospital.
Si Lorraine at ang nanay nya ay nagalit dahil gusto na nila mamatay si papa para makuha ang pera at makalaya sila sa piling ni papa, gusto nila perahan.
Obligado na umuwi ako para ayusin ang ginulo nila Lorraine at matulungan ang tatay ko, sakto naman na tatlong buwan na ang nakalipas matapos ko maka graduate ng business administration at nag model padin sa Paris. I have a good friend, pero bihira kami mag usap. She's Athanasia and kilala sya bilang well raised daughter, pero gaga
I smile and remember carlo ng madaanan ko ang Osmak, he disappear after that day he ruin my life, my everything. Nag tiwala ako sa taong walang kwenta. He's a good man, but he still wreak my whole life, that's why he's not a good man in my eyes
"I'm back, my Remon" bulong ko at nag umpisang mag labasan ang plano ko at mga balak ko, kusang lumalabas ang bawat plano sakin, pano ko mababawi ang anak ko, papaano ko sya sasaktan. Pano ko sila sisirain. Papaano ko sila papanoorin na lumubog sa lupa habang nasa taas ako, makita silang hirap sa ginagawa nilang paraan para lang makaahon
Lumakad ako palabas ng kotse matapos kong ipark ang kotse, sakto naman na may appointment ako sa doctor since I feel that i need to know if i am healthy or more, gusto ko din makita si remon
Hinubad ko ang shades ko at diretsyo sa VIP, nag schedule ako para si Remonise mismo ang mag check up saakin. I saw his office and his secretary are looking at me, sakto na tumigil ako sa harapan nya at nilabas ang ID ko at ang reservation ko
"I'm Yhra Santos" sumunod ako papasok sa office ni Remon, wala sya sa loob i wait and look at the pictures on the table. It's him and his wife, two children. Nanginginig ang kamay ko. Akin ang mga bata na iyan, at puro kasinungalingan ang pinaniniwalaan ng mga anak ko.
"Sorry I'm late-" hindi sya nakapag salita agad ng makita ako na kapit kapit ang picture nila ni Dana. I drop it on purpose and smile at him
"Ops, I'm sorry. I didn't mean it" makahulugan na saad ko at hindi parin mawala ang gulat sa muka nito, yes. Magulat ka, andito ako matapos mo akong hamakin, itapon at abandunahin
I will be your living nightmare, Remonise.
????