NANG magising si Adriela kinabukasan ay dali-dali niyang kinuha ang tootbrush niya at mouthwas tapos lumabas agad ng kuwarto. Wala si Mathias nang magising siya pero dapat ay maayos na ang hitsura niya bago niya ito harapin. “Gising kana pala, magkape kana.” Bungag sa kanya ni Nanay Lita na hawak ang radyo. “Wait lang po.” Sagot niya at dumiretso siya sa banyo. Kahit naiihi na siya ay inuna niya pa rin mag-toothbrush pagkatapos ay nagmumog pa siya at saka na siya naligo. Siniguro ng dalaga na malinis ang buo niyang katawan. Mamaya rin ay magpapasama siya kay Nanay Lita sa salon. Mabilis pa sa kanya ang sampung minuto para sa pagbabad sa tubig pero excited rin kasi siyang makita si Mathias. Dito na rin siya nagbihis sa banyo suot niya ang white T-shirt ni Mathias umabot sa kanyang hita