EKSAKTONG alas nueybe ng gabi nang magising si Adriela dala ng naiihi siya. Bukas ang lamp sa gilid ng maliit na lamesa ni Mathias kaya aninag niya nag paligid. Wala ang binata sa silid maging sa sala. Dumiretso muna siya sa banyo at umihi pagkatapos ay lumabas siya. Nakaawang ang pinto kaya kinabig niya lang nang mahina at doon ay naabutan niya si Mathias na tumutungga ng alak sa maliit nitong terrace. Nakatalikod sa kanya ang doctor pero ang nakuha niya ang atensyon ay ang phone nitong nag-vibrate sa lamesa. Ang mommy niya ang tumatawag sigurado siya doon pero ang pinagtataka niya kung bakit hindi sinasagot ni Mathias ang tawag. “Go back to sleep, we’re leaving later.” Nagulat siya nang magsalita si Mathias. Imbes na sundin ay lumapit siya at umupo sa harap nito. “Saan tayo pupunt