Part 11

948 Words
NAPAILING si Kieran nang sa pagkakataong iyon ay hindi na niya naiwasan ang mapangiti habang nakatingin sa screen ng mga cctv camera sa loob ng bahay niya. He could not believe that watching someone suffering like she was now could be this amusing. Nagiging sadista na yata siya. Kaninang umaga ay balak na talaga niyang matulog. Pero sa kung anong dahilan ay naisip niyang silipin ang silid na iyon para lang masigurong gumagana pa rin ang security. That was when he saw her walking out of the house to the front gate of his property. Nakita niya kung paano ito mukhang naiwang tuta habang nakatitig sa direksyon ng bayan. Pati na ang laglag balikat na paglalakad nito pabalik sa bahay niya. He went out of his room to warn her not to do that again. But he found himself almost laughing when he saw her face. She looks adorable when she’s frustrated. Adorable? What the hell? Marahas siyang napailing at tumayo na. Kanina pa siya nasa silid na iyon, parang nanonood ng telebisyong tinitingnan ang mga cctv camera shots sa paligid ng bahay niya na inilagay nila ni Neil noong bagong gawa pa lamang ang bahay na iyon. Na hindi niya masyadong pinagtuunan ng pansin noon dahil masyado siyang masaya para isiping kakailanganin niyang icheck ang security nila. Isang malaking pagkakamali. Tumingin siya sa wallclock doon. Alas tres na ng hapon. Muli siyang sumulyap sa mga screen at nakita niyang tapos nang maglaba ang babae. Kaninang tanghali ay para itong hayok na nagkalkal sa ref at nagluto ng pagkain nito na pang tatlong tao sa dami. It made his stomach growl again but he ignored it. Dumeretso ito ng tayo at noon lang niya napansin na basang basa na ito – ng tubig o pawis hindi niya alam. Ang alam lang niya ay nakapagkit na sa katawan nito ang suot nitong tshirt. And it’s showing feminine curves he didn’t see yesterday. Tumalikod ito sa washing machine at paharap sa camera. Napariin ang hawak niya sa tungkod niya nang makitang hinawakan nito ang laylayan ng suot nitong damit at akmang iaangat. His heart slammed on his chest. Pagkatapos ay mabilis niyang pinindot ang buton para sa camera na iyon. Namatay ang screen niyon. Shit, walang maidudulot na mabuti sa akin ang babaeng ito. Gigil na naisip niya habang hinahamig ang sarili. No this is not about her. This is about me. I’ve been alone here for five years. Iyon lang ang dahilan kung bakit nagrereact ng ganito ang katawan ko sa kaniya.  Kumbinsi niya sa sarili. Na agad din niyang pinagsisihan dahil pakiramdam niya ay tinatraydor niya ang asawa niya. “Damn,” muli siyang napamura. Kumilos siya at lumabas na ng silid na iyon patungo sa master’s bedroom. Napatitig siya roon. Kahit ngayon ay nakikinita pa rin niya ang asawa niya roon. He could still remember how she looks like when she was sleeping on the bed. He could still remember her laughter. And he could still remember what she looks like when he last saw her… dying in front of him. Mariin siyang napapikit at napahigpit ang pagkakahawak niya sa tungkod niya. Matagal. I’m sorry Regina. Napadilat lang siyang muli nang makaramdam siya ng mga yabag sa labas. Naging alerto siya at lumakad palapit sa pinto ng silid. “K-kieran?” narinig niyang tawag ng babae mula sa labas. Napatiim bagang siya sa tila suntok sa sikmura niya nang tawagin nito ang pangalan niya. Pagkatapos ay marahas na binuksan niya ang pinto. Nakita niyang napaigtad ito sa pagkagulat nang mapalingon sa panig niya. Pagkatapos ay napahinga ito ng malalim at hindi na naman niya napigilang mapatingin sa puno ng dibdib nito. Napamura siya sa isip at ibinalik ang tingin sa mukha nito. “What?” sikmat niya rito. Napangiwi ito at bahagya pang napaatras. Sanay siyang nakakakita ng ganoong reaksyon sa mga taong nakakakita sa kaniya. Alam niya kung ano ang itsura niya. Kaya hindi niya maintindihan kung bakit parang may lumamutak sa mga lamang loob niya nang makita iyon sa mukha nito. Napahigpit ang hawak niya sa seradura ng pinto. “Ano… wala akong ibang damit. Manghihiram sana ako,” alanganing sabi nito. Halatang kabado pang hinawi nito ang ilang hibla ng buhok nito na bumagsak na sa mukha nito. Ilang segundong hindi siya kumilos at nang makitang napakagat labi na ito sa paghihintay ay napamura siya sa isip at kumilos. “Wait there,” utos niya rito at bumalik sa silid niya. Lumapit siya sa dressing room at pumasok roon. Napatingin siya sa lahat ng damit ni Regina na hindi niya tinangkang alisin doon. Akmang aabutin niya ang isa roon ngunit napahinto siya at marahas na napailing. Hinablot niya ang ilang tshirt at boxer shorts niya na matagal na panahon na niyang hindi sinusuot. Letting her wear his clothes is better than letting her wear Regina’s clothes. Pagkatapos ay muli siyang lumabas at pahagis na ibinigay rito ang mga damit. Agad namang nasalo nito iyon. “Salamat,” sabi nito. Hindi na siya nagsalita pa at muling pabagsak na isinara ang pinto. Pagkatapos ay iritable pa ring ibinagsak ang katawan sa kama. Dala lang yata ng walang tulog kaya siya nagkakaganoon. He will just sleep it off. Sigurado siyang paggising niya ay wala na ang pagkakagulong iyon sa loob niya. It was weird to feel like this, when he thought that all those emotions had all died five years ago, kasama si Regina. Knowing that someone else is making him like this is very unsettling. Kaya himbis na pakaisipin pa iyon ay hinayaan na lamang niya ang sariling makatulog.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD