CHAPTER 3

1630 Words
Chapter 3 "Aila!" Rinig ko na sigaw nila Kelly, Amber, at Trishia mula sa di kalayuan. "Oh guys, andito na pala kayo," sigaw ko habang papalapit sa kanila. "Yung totoo Aila, Bakit hindi mo kami binalikan noong nagwalk out ka?" Seryosong tanong ni Amber. "Ano kasi.. Uhhmm.." I looked down thinking about what to say. "Actually, hinanap ko kayo. Sobrang laki ng Enchanted Kingdom para makita ko kayo." I lied. "Tsk! Tsk! Tsk! "Iling ni Trishia "Ganyan talaga pag may bagong kaibigan!" Inirapan ako ni Kelly. "Baka naman ka-ibigan?" Pang aasar ni Amber. They burst into laughter. Hindi ko alam kung paano nila nalaman ang tungkol sa lalaking kasama ko. Pero ngayon palang ay kinakabahan na ako sa mga posibleng malaman ko. Lalo na't may ginawa akong katangahan noong araw na iyon. Hindi ko tuloy lubos maisip kung paano ko nagawa iyon.  "A... ano na naman ba iyang pinagsasabi ninyo?" Pag kukunwari ko. "Aila Katnis Mariano," Kelly crossed her arms while looking at me from head to foot. "What?" Nagkibit-balikat ako. Nanliit ang mata niya. "You are not good at lying baby girl!" Umiling-iling si Kelly. Napabuntong hininga nalang ako dahil sa sinabi nila. Tama sila, hindi talaga ako magaling magsinungaling. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba o hindi. Gusto kong i-untog ang sarili ko para makalimutan ang nangyari. Gawin ko man iyon, hindi sapat iyon para magka amnesia. Sa palabas lang naman nangyayari ang mga ganoon.  "Fine!" I crossed my arms and rolled my eyes. "I'll tell you everything, right after the class." I assured, and took a deep sigh, enable to prepare myself. Kelly smirked. "You better prepare yourself bessy!" Kelly whispered and giggled, then left. Nagmadali akong pumasok sa klase saka umupo sa upuan. Pinilit kong making pero naka-tuon ang atensyon ko sa ibang bagay.  "Miss Aila!" Rinig ko'ng tawag ng prof namin. Natauhan ako nang marinig ko ang pangalan ko. "Ye.. yess ma'am?" I bit my lower lip. "You're not paying attention Ms. Aila" Mrs. Dimson was looking straight at me. "I.. I'm sorry ma'am, Hindi na po mauulit." I shyly replied. "Okay, back to our topic," she continued. "Excuse me ma'am," I glance at the door where I heard a familiar voice, it was Kelly. "Yes? Please come in," paanyaya ng prof namin.  As Kelly was passing in front of the class, she took a glance at me wearing a playful smile. She gave a piece of paper to our prof, before she finally left, she look at me and smirked. Ugh! This so insane! Mas lalo akong hindi makapag focus sa ginagawa niya. She's torturing me. "Ahem, Attention everyone," Mrs Dimson was trying to get our attention. "A while ago, a student from architectural course has given me the memo for this month's event." She paused. "You have to join our Mr. and Ms. ACEU 2015," she continued. "The whole class will be choosing a representative to join the pageant,” she announced, looking from left to right. "You must choose the best partners in order to win the contest. Whoever wins the contest will be exempted for the mid-term as well as the whole class. Only in my subject," she explained. "Ma'am, si Drake po!" Ammy suggested at the back. I wasn't paying attention to what they are talking. I'm not interested anyway.  "Drake is that okay with you?" Tanong ni Mrs Dimson. "Uhmm," Napakamot siya sa ulo niya at parang hindi alam ang isasagot. "Yes ma'am," he finally answered. Mrs. Dimson nodded. "That's good to hear.” "Ma'am si Mitch po!" That was Mitch's Friend at the left side. Mrs. Dimson shrugged. "Well, if no one else will recommend then Mitch will do it." Napalingon kami sa likuran. "Ma'am!" it was Tracy raising her hand from the back. "Yes?" Mrs. Dimson asked. "Si Aila po!" She recommended. Wait, what? Ayoko! Hindi ko gusto sumali sa mga ganyan no. And besides, malapit na ang Midterm, mag-aaral nalang ako. Tsaka wala akong hilig sa ganyan. "Ms. Aila Is that okay with you?" Mrs. Dimson asked. Napaawang ang bibig ko at hindi ko alam ang isasagot. "But ma'am Mitch has the ability to join the pageant." Mitch's friend defended her. "Oo nga ma'am," I commented while giving a nod. "But ma'am, There will be Question and Answer. I'm sure Aila will be able to win the contest. She has looks and a perfect body that will fit as beauty queen." Ammy argued.    Mitch finally stood up. "Yes, But she's too short," she shrugged. "Then what's the purpose of high heels?" It was Drake who also stood up. "Okay, take your seat Mr. Tumbaga," Mrs. Dimson demanded. "For the final decision, Our Mr. and Ms. ACEU 2015  representative, will be, Mr. Drake Tumbaga, and Ms. Aila Katnis Mariano, that’s all for today, class dismissed!" Nanliit ang mata ko habang naiwan akong magisa sa room. Pinipilit kong i-proseso lahat ng nangyari. Hindi man lang nila ako tinanong kung gusto ko. Ugh! Mapapahiya lang kami. I'm sure of that. Ang dami ko ng problema. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang mga kaibigan ko.  "Aila!" Halos mapatalon ako sa sigaw ni Amber mula sa labas ng pinto. "I heard ikaw ang representative ng block niyo?" Pang-uusisa ni Kelly habang naglalakad papasok ng room. "Our ACEU 2015, is no other than, Ms. Aila Katnis Mariano!" Natatawa ako habang sinasabi ni Amber ‘yun habang rumarampa. I smirked at them. Tignan mo nga naman itong mga kaibigan ko. Mapapailing ka nalang sa mga pinagagawa nila sa buhay.  "Tumigil nga kayo!" I chuckled while fixing my things. Nang makarating kami sa cafeteria ay agad nila akong tinanong na para bang nag-iimbistiga. I burst into laughter, and suddenly cried. "Hindi ko naman sinasadyang masira ang phone niya eh!" I pouted. "So the news was perfectly true?" Halos hindi makapaniwala si Trishia habang inuusisa ako. "How was the guy look like?" Excited na tanong ni Kelly, habang naka patong pa ang siko sa mesa at ipinatong ang mukha sa kanyang kamay na parang nag iimagine. "Yung totoo? Concerned kayo sa akin kaya niyo ako tinanong or excited kayo sa lalaking unggoy na yun?" I sarcastically said, raising my brow. "’To naman! Hindi mabiro, epekto ba yan ni Mr. Crush?" Kelly was teasing me, and they all burst into laughter. "Tse! Ano ba? Makikinig kayo o mang-aasar?" I crossed my arms and rolled my eyes.  "Oo na! Dali, make kwento na!" Amber's voice was excited. Sinimulan kong i-kwento ang totoong nangyari. They were listening as if I was discussing some lessons.  "Tapos ayon, nang pauwi na kami, nanghingi siya ng birthday gift. Wala naman akong maibigay. Sabi naman niya sa susunod ko na daw ibigay. Eh ayoko naman magkita kami ulit. Ang suplado kaya niya! At nakakairita niya kasama." I sighed, and crossed my arms. I was so annoyed remembering what really happened.  "Tapos?" Tanong ni Kelly, na mas lalo pa niyang nilapit ang mukha para making. Tinulak ko ‘yung noo niya gamit ang daliri ko. "Tapos na! Kumain na tayo!" I smiled at her. Ngumuso lang siya. "Hindi pa tapos ‘yon. ‘Wag mo kaming lokohin Aila!" Inis na inis na sabi ni Trishia habang hawak niya pa rin ang librong binabasa niya. "Oo nga! ‘wag mo kaming bitinin," amber added, and pouted. "Fine!" I crossed my arms and rolled my eyes. "Since nangako siyang hindi ko na siya makikita. Naka isip ako ng isang ideyang pagsisisihan ko. I kissed him, sa cheeks, and greeted him Happy Birthday. After that, I ran away." I shyly said, looking down. "Ayiiee!" Tili ni Kelly habang hinahampas ako. "Girl! Ikaw na talaga!" Hinampas din ako ni Amber sa kanan ko. Napabuntong hininga nalang ako. "Hindi kami na inform na capable ka pala of kissing a hot guy!" she teased me, and keep on laughing. "Tignan niyo naman, oh? Naunahan pa si Trishabells na NBSB!" pang-aasar ni Kelly. "Aba! Hindi dapat ako ang pinag-uusapan ditto!" Trishia defended herself, and shook her head. Nakahinga ako ng malalim nang malaman kong uwian na. Finally, makakahiga na ako sa kama at maiiwasan ko na, ang mga tanong nila. I sighed heavily knowing that I am the representative. Kahit kailan ay hindi ko pinangarap na makasali sa gano’n. Naglalakad ako palabas ng school nang bigla akong hinarang ni Drake.  "Aila, ihahatid na kita?" Alok niya, at nginitian ako. "Salamat nalang Drake kaya ko naman mag-isa eh." Tanggi ko sa kanya at nginitian. Ayokong samantalahin ang pagkagusto ni Drake sa akin. Pag nakita kaming magkasama ay baka kung ano’ng issues na naman ang kumalat. Ayokong masira ang buhay ko at ang scholarship ko. "Sigurado ka?" Tanong niya, at mukhang dismayado ang mukha. "Oo, Sa susunod nalang Drake, salamat.” Nginitian ko siya bago tuluyang umalis. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Nang maka-sakay na ako jeep ay bigla ko naisipan na  dumaan muna sa seven eleven doon sa kanto namin para bumili ng pagkain para mamaya. "Sir, Hindi po kami tumatanggap ng card,"  Rinig kong sabi ng cashier doon sa lalaking nauna sa akin. "What? But I don't have cash." Singhal ng lalaking nasa harap ko. "Sa iba nalang po kayo bumili sir, pasensya na po." Paliwanag ng babae habang nakayuko. Pinilit ko na tignan ang itsura ng lalaki. Side view lang ang na-aaninag ko pero alam ko na gwapo siya. Akmang aalis na siya ng bigla siyang tumingin sa likod niya para tignan ang mga nakapila. Nanlaki ang mata ko nang makita ko na… Yung lalaking nasa Enchanted Kingdom! Dali-dali akong tumalikod. Hindi niya naman siguro ako nakita kasi maliit ako. At nasa malayo ang tingin niya noong lumingon siya. Kaya nakakasiguro akong hindi niya ako nakita. Binalik niya ang binili niyang sigarilyo, tubig, at chichirya. Matapos niyang gawin iyon ay nagdabog siya habang palabas ng Seven Eleven. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa nangyari. Pagkatapos ko na bayaran ang binili ko ay agad akong lumabas ng seven eleven. Nakayuko ako habang nagmamadaling makalabas. Nasa kalagitnaan ako ng takbo lakad nang mabitawan ko ang supot na dala ko.  Ugh! Bakit ngayon pa?! Hindi na ako nagdalawang isip na pulutin iyon at baka mamaya ay naka aligid lang ang unggoy na iyon. Pupulutin ko na sana ang huling biscuit na nahulog at akmang tatayo na ako nang bigla nalang ako nakarinig ng isang pamilyar na boses mula sa likuran ko. "There you are, annoying girl."       
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD