THIRTEEN: TRUST

3879 Words
Sa kanyang pagtalikod, marahas na nagpakawala ito ng hininga. Is he mad? Is he disappointed? Siya nga itong nagsabi na imposibleng magkaanak siya sa akin, bakit ngayon ay nagagalit ito? He did not expect me to conceive with his child, did he? Natatandaan ko pa noon, he was so sure that he wouldn’t impregnate me, I was worried that time, but he assured me that I won’t get pregnant. And of course, I trusted him. Truth be told, hindi niya ako nabuntis. Although, sometimes, I wonder, paano kaya kung nagbunga ang ilang beses na pagpapaubaya ko ng sarili sa kanya? Siguro ay hindi magiging ganoon kalungkot ang buhay ko. Baka nga mapatawad ko kaagad ito sa ginawang pag-iwan sa akin dahil may iiwan itong espesyal na alaala sa akin. Napapatitig ako sa kanyang pigura. Nakapamulsa ito at nakatingala. I don’t know what he’s thinking pero kung ang iniiisip niya ay nagkaanak ako sa ibang lalake, I will not correct him. I want him to suffer a little. Gusto kong maramdaman man lang niya ang naramdaman ko nang kumalat ang balitang ikinasal ito kay Adrielle. At isa pa, ang batang lalake sa larawan ay baka anak niya sa ibang babae. Who knows what he’s been doing these past few years? Surely, he’s been with other women. I heard him heave a sigh at marahang umikot paharap sa akin. His calm expression is somehow sending me bad vibes. Is this the calm before the storm? Ah, whatever.  I should not let my guards down when he’s around. “Mr. Salvatore, I’m so sorry for leaving a while. I had an important call from my lawyer.” Out of nowhere, Dette appeared. Nakahinga ako ng maluwag. He extended his hand to her. “It’s good to see you, Bernadette. And please call me, Alejandro. Hindi naman siguro nagkakalayo ang mga edad natin.” He smiled at her. Nang inabot ni Dette ang palad ni Alejandro, I swear I heard her whimper. God, this woman. “Of course. Of course, Alejandro. And that’s so true. In fact, we were born on the same year. Akalain mo yun.” She grinned sheepishly. I almost rolled my eyes at them. First-name basis, huh. Close na kayo niyan? “Please sit down.” Ani ng lalake at ipinaghila din nito ng upuan si Dette. Tumalima naman agad ang babae na hindi mapalis-palis ang ngiti sa mga labi. Alejandro looked at me and before he could speak, I beat him. “Dette, I think I need to leave first. Nakalimutan kong may gagawin pala akong survey para sa venue na gusto ng client natin.” Kumunot ang noo nito. “We have a client? I thought walang may gustong kumuha sa atin.” I cleared my throat. “Actually, this client isn’t that big. His budget isn’t that big either pero tinanggap ko kaysa naman sa wala. Fifteen pax lang naman ang iki-cater natin at good for two hours lang ang kaya nating ilaan sa kanya since yun lang din ang kaya ng budget niya. I submitted the budget plan last Friday and he approved immediately.” Dette nodded. “Okay, sige. Let me know—” “Sit down.” Alejandro’s demanding voice startled the both of us. He wasn’t looking at me. His gaze affixed on the table. “I really have to go.” “Beverly Ann.” He tilted his head sideways before he looked up to me. My horrified eyes met his. Goosebumps scattered across my skin at the way he looked at me. “Sit. Down.” “Mr. Salvatore, this is really—” “Don’t make me repeat myself. Sit. The f**k. Down.” The hint of danger and warning in his voice made my knees tremble. My pulse palpitated in its fast pace. s**t. Dette pointed my chair using her lips. I had no choice but to do what I was told to do. Alright, be a good girl and sit the f**k down, Bea. Nang makaupo, nagsalita ako. “I don’t really think my presence is needed here.” “Trust me, it is.” Alejandro spoke as he gracefully combed his hair upward. Nanatili ang mata ko doon. I wish he kept his hair long. Long hair suits him best. “That client is important to us, Mr. Salvatore.” Ani ko. Nag-angat ito ng kilay sa akin. “I’m hurt. May mas importante pa bang client kaysa sa akin, Ms. Samaniego?” Dette faked a laugh. “Hahaha. My assistant is just kidding, Alejandro. Pagpasensiyahan mo na at sobrang stressed naming lahat dahil sa nangyayari sa aming agency.” “That’s why I’m here. I’m your stress-reliever, am I not?” He cockily blurted out. I choked from my own saliva. Is he lowkey flirting with us? Nanliliit ang mga mata kong nakatingin sa kanya. Ano ba ‘tong lalakeng ito? How could he pull this off? One minute he’s bossy, then the next minute, he’s flirting. What in the world? “Aren’t you hungry? Kumain muna tayo?” He asked while looking at us interchangeably. Tumango ang katabi ko. “Sure. I’m famished, Alejandro.” I side-eyed her. May halong landi ang paraan ng pagkakabanggit niya ng pangalan ng lalake. Gusto ko sanang batukan ito para paalalahanan na may asawa itong tao at hindi pa sila legally separated. But whatever. Mukhang nag-e-enjoy din naman ang lalake sa atensiyong pinapakita ni Dette. Pinili kong hindi kumibo habang kumakain kami. Hindi ko rin naman kayang sabayan ang pinag-uusapan nila tungol sa negosyo. They mentioned some prominent names from the business industry na hindi ko pa kailanman nakasalamuha. Dette moved her hand in the air animatedly while talking with Alejandro.  They’re conserving deeply as if they’re the only persons in the world. Not that I mind. I simply peeked at the person in front of me and watched his expression change from time to time. His voice deep and commanding. He’s handsome and has this powerful edge to his personality. Wealthy beyond measure and charismatic as hell. Siya na ang pinagpala sa lalakeng lahat. Should I feel humble that at one point of my life, he was once mine? Napatuwid ako ng upo nang pasimple nitong nilagyan ng pagkain ang plato ko. Panay pa rin ang kwentuhan ng dalawa at tila hindi napansin ni Dette ang ginawang iyon ni Ale. “Can I ask you something that is out of topic, Alejandro?” Dette spoke. “Fire away.” He picked his napkin at nagpahid sa gilid ng kanyang labi. “How’s your married life? I don’t know if you’re aware, but mine is falling apart. I did my best to save our marriage, but I realized, there’s nothing left to save.” Malungkot na salita ni Dette. Alejandro cleared his throat. He glanced at the ring he’s wearing. “Can you keep a secret?” Dette and I looked at each other. My heartbeat thumped like crazy against my ribs. “Oo naman.” She replied. “You can ask Bea. She knows.” My mouth fell open. “I know?” He tilted his head. “I told you the reason why I’m wearing this ring. Did you fail to understand what I was saying back then?” “Ale—I mean, Mr. Salvatore, you’re just bluffing.” Nilingon ko si Dette and fake a grin. “He’s pulling a prank on me, Dette. Hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya.” “Do you want me to tell her myself?” My eyes narrowed at him and I discreetly kicked his foot under the table. “Ouch.” Ngumiwi ito. Oh, s**t. Baka mapuruhan ko na naman ito at hindi na naman makalakad ng maayos. “Are you okay, Alejandro?” “Are you okay?” Halos sabay na tanong namin ni Dette sa kanya. Alejandro’s eyes darkened as he held mine. “I’m fine.” Umayos ito ng upo. “Hindi kasi sumasali sa usapan natin si Ms. Samaniego kaya nasabi ko iyon. I’m sorry to say this, Bernadette, but my marriage life is off-limits.” She nodded knowingly. “Naiintindihan ko. The likes of you are not comfortable disclosing personal information to the public. Sorry for asking, Alejandro.” “No biggie.” He replied but his eyes remained on me. Niyuko ko na lamang ang pagkain para hindi maghinala si Dette sa palagiang pagtingin ni Alejandro sa akin. Over the next hour, Alejandro held Dette captive. When both parties signed the contract, napahugot na lang ako ng hininga. This is it. VIP Agency is now under Alejandro’s possession. His assistant went to his side and whispered. Alejandro glanced at his Rolex wristwatch as he nodded to the man. He stood. Tumayo na rin kami ni Dette dahil alam kong aalis na ito. Tapos na rin naman ang usapan at nagpirmahan na. “I will notify you for our next meeting, Ms. Samaniego.” He spoke. “I will be looking forward to it, Mr. Salvatore.” I replied without looking at him.     *********   Sumigla ulit ang agency at sa sumunod na mga araw ay humatahaw na naman kami sa mga panibagong booking. Our past clients withdrew their complaints in the court at binigyan kami ng tsansa na ipagpatuloy ang naunsiyaming plano para sa events na matagal nang napag-usapan at implementation at official dates na lang ang kailangan. It was one fine Friday morning. Sa pagpasok ko sa opisina ay nakatanggap agad ako ng mapanuksong tingin mula sa mga staff. Pinapalibutan nila ang mesa ko. “Anong meron? Bakit n’yo ako tinitignan ng ganyan?” Napahawak ako sa aking pisngi at sa ilalim ng aking mata at baka hindi ko namamalayang kumalat ang eyeliner na inaaply ko. They looked so creepy when they simultaneously grinned at me. “Haba ng hair mo talaga, Bea.” Ani ni Gina. “How to be you, ate?” Si Alyana. Kunot-noong nagmartsa ako palapit sa kanila at sa table ko. Nalaglag ang panga ko nang tumambad sa akin ang mga bulaklak. Halos sinakop nito ang espasyo ng aking lamesa. “Yayamanin ang bagong suitor ni ate Bea.” Janis remarked. Sinuklay-suklay ni Lea at Karen ang aking mamasa-masa pang buhok. “Siyang tunay.” “Ibang level ang ganda.” Dagdag pa ni Janis. “Tigilan n’yo nga ako. Magsibalik na nga kayo sa mga mesa n’yo.” Sita ko. Nagtawanan sila at panay pa rin ang panunukso sa akin. Nang mapag-isa sa mesa ay kinuha ko ang nag-iisang card na nakadikit doon. I opened it. See you soon :)) Lalong lumalim ang gitla sa aking noo. This is the same message I received when I was staying at the hotel in Manila. Ano na naman kayang trip ni Alejandro? Kung dati ay isang bouquet ng rosas yung pinadala, ngayon ay tatlong bouquet na. Inipon ko ang mga iyon at nilagay sa sulok ng opisina. Umalma ang mag kasama ko sa ginawa ko. “Iuwi n’yo sa inyo.” Ani ko sa kanila at agad namang tumalima ang mga ito at hinati-hati sa bawat isa. Napapailing na napatingin na lamang ako sa kanila. Umupo ako at binuksan ang aking computer. Hinanap ko sa file ang company’s profile ni Alejandro. Dahil hindi ko alam ang kanyang mobile number, tatawagan ko na lamang ito sa kanyang opisina. I just hope he’s still here in the city. Nang mahanap, I dialed the phone number. “SGC, good morning. How may I help you?” “Hi. Good morning. May I speak to Mr. Alejandro Salvatore?” Tumahimik sandali sa kabilang linya. “I’m sorry, Ma’am, but we can’t connect you directly to his office. Do you have an appointment with him?” “No, I don’t have. May itatanong lang sana ako.” “I’m sorry Ma’am, but he doesn’t entertain calls, maliban na lang kung may appointment ka sa kanya. Kung meron man, I will definitely connect you our Manager’s office. Lahat po kasi ng tawag ay dadaan muna sa branch manager, Ma’am.” Well, this isn’t urgent. Hindi rin naman ito matatawag na emergency. Bumuntong-hininga ako. “Never mind. Thank you.” “May I know who’s calling?” “Bea from VIP Agency. Actually, hindi naman mahalaga ang sadya ko. Salamat sa pagsagot.” I ended the call. Sumandal ako sa aking upuan at pinaglalaruan ng aking daliri ang ballpen. I stared into space as I imagined him choosing the flowers. I snorted. He could have given them to me personally. But at the back of my mind, something doesn’t feel right. I just can’t pinpoint now.   **********     Pansamantalang sarado ang bar dahil sa pagkamatay ng ina ni Agnes. Kahapon, kasama ng ibang taga ClubMix ay dumalaw kami sa burol. My heart broke looking at Agnes so devastated and hurt. Bakas sa kanyang hapong mukha ang ilang araw na pag-iyak. Sir James didn’t leave her side. Inaliw din namin sandali ang anak nila. Hindi talaga madali ang mawalan ng mahal sa buhay lalo na kung magulang mo ang nawala. Kahit paano ay alam ko ang matinding pinagdaaan ni Agnes dahil malimit itong magkwento tungkol sa buhay nito noong hindi pa dumating si Sir James sa buhay nila. Nangako ako sa kanya na handa akong tulungan ito sa lahat ng pagkataon. Agnes may seem vulnerable and weak, but that woman is one of the strongest women I’ve ever known. Malaking tulong din ang mga asawa at nobya ng mga kaibigan ni Sir James na busy rin sa pagestima ng ibang bisita. Their friendship is like a four-leaf clover. Rare to find but lucky to have. Pasado alas sais nang makarating ako sa aming apartment. Hanggang ngayon pala ay wala pa rin akong mahanap na malilipatan na swak sa aking gusto,Kung meron man ay ang mahal naman ng renta at ang iba ay maliliit para sa aming apat. Sa gate pa lang ay rinig ko na ang halakhak ng aking anak. Mukhang nasa mood ang aking munting dalaga. “I’m home.” “Mommy! Dami ko pong laruan!” Tili ni Faye. My jaw dropped when I noticed all the toys scattered on the floor. Mga laruang hindi ko binili sa kanya. Sa gilid ay ang mga kahon-kahon na grocery items. Nawindang ako. Bumuhos ba ng biyaya at hindi ako na-inform ni Lord? Lumapit si Faye para halikan ako sa pisngi at bumalik na agad ito sa dati nitong posisyon. Hindi man lang hinintay na mahalikan ko rin ito sa kanyang matambok na pisngi. “Anong nangyayari dito? Saan galing ang mga laruan? Ang groceries?” Bulalas ko. Nagtinginan si lola at si Nadine. They looked nervous and excited at the same time. “Ate, may bisita tayo.” Ang lawak ng ngisi nito at namula pati ang ang mga pisngi. “Sino?” Inikot ko ang tingin sa kabuuan ng sala at kusina pero wala namang ibang tao. Bumukas ang pintuan ng bathroom namin at ganun na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang lumabas mula doon si Alejandro. He’s wearing a pale blue shirt na hapit sa katawan nito. His ripped jeans hugging his thighs like they’re his second skin. His unruly hair gave him a boy-next-door vibe. Damn it. It’s just not fair how ridiculously handsome he is that everything probably comes easy for him. Nadine tucked her hair at the back of her ear at tumalikod ng bahagya. Si lola naman ay agad na nilapitan ang lalake. “Pasensiya ka na sa bahay namin, Alejandro. Malayong-malayo ito sa iyong nakasanayan.” “Okay lang, la. Hindi naman po ako magtatagal.” Alejandro’s piercing eyes met mine. “May itatanong lang po ako sa apo n’yo.” “Beverly, nakakagulat ano? Nakakalakad na si Alejandro! Kanina ay halos himatayin ako sa gulat at galak nang binuksan ko ang pintuan. Hindi ka ba natutuwa na ang taong inaalagan mo noon ay nakakalakad na ngayon?” Hinila ni lola ang kamay ko para makalapit kay Alejandro. Nag-angat ako ng tingin sa kanya, my eyes questioning him. Ngumisi lamang ito sa akin. “Tito! Tito! Pakibuksan po.” Hawak-hawak ni Faye ang laruan na my dalawnag barbie doll sa loob. She stared at him with puppy eyes. I was dumbfounded. Faye is not easy kid to bribe. She’s smart and she knows when you’re just trolling at her or not. Hindi rin ito basta nagtitiwala sa mga taong hindi nito kilala. Pero bakit sa pinapakita ng bata ay para bang malapit na ang loob niya kay Ale? “Anak, saka na natin bubukan yan. Laruin mo nalang muna yung mga nabuksan mo na.” Magiliw na saway ko sa kanya. Faye pouted. Alejandro laughed lightly. “Cute.” He crouched before her to level his eyes on hers. He rubbed his forefinger and thumb against his chin. “Hmmm…For now, we’ll have to listen to Mommy, baby. Next time, I’ll bring a doll house for your barbies. Do you want to have one?” Faye nodded enthusiastically. Namilog ang mga mata nito at ganun nalang ang gulat ko nang iniyakap nito ang mumunting bisig sa leeg ni Alejandro. He was surprised that he almost lost his balance from the impact. “Thank you, tito!” She squeaked. “Good girl.” He ruffled Faye’s hair. She hates when someone touches her hair pero ngiting-ngiti pa ito sa lalake. Bumitaw ang bata at nanakbong bumalik sa sala ta naupo sa sahig. I can’t believe why she’s acting differently towards Ale. Tumayo si Alejandro at namulsa habang pinagmamasdan si Faye. May kung anong init ang gumuhit sa aking puso. His expressions were soft and gentle. “Mag-usap muna kayo at kami ni Nadine ay maggagayak ng ating hapunan. Dito daw maghahapunan si Alejandro, apo.” Nag-angat ako ng kilay. “Dito? Hindi pwede, la. Wala tayong beef steak. Pritong tulingan at ginataang talong lang ang afford natin. Baka malason pa natin si Ser, mahirap na.” “Anong klase kang mag-estima ng bisita, Beverly. Baka nakakalimutan mo na ako ang tagaluto ng pagkain noon ni Alejandro? Alam ko kung ano ang mga paborito ng batang yan.” Pinanlakihan ako ng mata ni lola. “Wag mong intintidihin ang apo ko, Alejandro.” Tinapik-tapik nito ang balikat ng lalake. I rolled my eyes. “Sa labas tayo mag-usap.” Tumalikod ako at nauna nang lumabas. Rinig ko ang mg yapak nitong nakasunod sa akin. Sa labas ng bahay, nakahalukipkip kong humarap sa kanya. “Hindi mo kailangang magdala ng kung ano-ano, Alejandro.” “Gusto kong magdala ng kung ano-ano, Bea.” He smirked. “Anyway, kaya ako nagpunta dito ay dahil tumawag ang branch manager ko sa akin. Were you looking for me?” May panunukso sa mga titig nito. Umirap ako. “Oo. Gusto ko lang sabihin sa’yo na tigilan mo na ang kakapadala ng bulaklak sa akin. At ano ba yung note mo? Ang creepy ng mensahe. Kung nang-iinis ka lang, pwede ba tumigil ka na. Hindi na kasi nakakatuwa.” “Bulaklak?” His brows furrowed. Dumaan ang kalituhan sa kanyang maamong mukha. “Yes, bulaklak as in flowers. Nung bumalik ako sa hotel room ko mula sa penthouse mo, may naabutan akong bouquet sa ibabaw ng kama. That was the first time you sent me flowers. Nakalimutan ko lang na itanong sa’yo nung dumating dahil…alam mo na…we argued. I received again this morning. Sa opisina. Three bouquet of roses this time.” I sighed. “Seriously, Ale. Stop sending flowers. Inuulan ako ng tukso sa opisina.” “Did you keep the note?” “No. I threw it. I told you the message is creepy.” “Anong nakasulat sa note?” “Why are you asking me? Sa’yo naman nanggaling yun.” Mariin itong pumikit kasabay ng pagtagis ng kanyang bagang. He’s getting mad again. “Just tell me what was written in that f*****g note, Bea.” I swallowed. “See you soon. With a smiling smiley at the end.” Nalito ako sa reaksiyon niya. “Hindi ba ikaw ang nagpapadala ng bulaklak, Ale?” Hindi ako nito sinagot. “Let’s get inside and show me your phone.” He held my forearm at hinila ako papasok ulit sa bahay. “Give me your phone. Let’s exchange numbers.” Tumango na lamang ako. Mainam na rin na may numero ako niya para kung sakaling may mga itatanong ako sa kanya tungkol sa agency, madali ko na lamang itong mahahagilap. Kinuha ko ang cellphone sa loob ng aking bag. I unlocked the screen and gave it to him. He typed his number at siya na rin ang nag-save. “La, sorry kung hindi ako makakasalo sa hapunan. I have to go and check something.” Nilingon nito si lol ana nakaharap sa eso at naghahalo ng kanyang niluluto. Lumatay ang dismaya sa mukha nito pero ngiti ang ginanti ni lola kay Alejandro. “Naiintindihan ko. Sana ay masundan pa ang pagdalaw mong ito, hijo. Nais ko sanang makausap ka ng matagal-tagal.” “Opo, la. Babalik po ako wag kayong mag-alala.” Laking pasalamat ko at nasa kwarto si Faye kaya hindi nito maririnig ang paalam ni Alejandro. Hinatid ko si Ale sa labas. Bago ito pumasok sa kanyang sasakyan na hindi ko napansing nakahimpil sa kabilang gilid ng kalsada, pinigilan ko ito sa braso. “Is everything alright, Ale?” Humugot ito ng hininga at hindi ko napaghandaan ang paghila nito sa akin. Pinaloob niya ako sa kanyang mahigpit ng yakap. I felt him tremble. “I will make sure everything is alright, baby. I will f*****g make sure.” He kissed my temple. “Now be a good girl and go back inside. Hindi ako aalis hangga’t hindi ka nakapasok sa loob ng bahay.” Hinawakan nito ang magkabilang balikat ko at inikot niya ako ng marahan paharap sa apartment. He carefully pushed me. “Get inside now, Bea.” Hindi ako umimik at sinunod lamang ang nais nito. Nang makapasok ako sa loob ng bahay, sumilip ako sa bintana. Saka pa lang nito pinaandar ang sasakyan at pinaharurot paalis. Napahawak ako sa aking dibdib. Hindi ko gusto ang ganitong pakiramdam. Ang ganitong takot at pangamba ay katulad nang naramdaman ko noon sa isla. Alejandro, should I trust you this time?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD