Andrea "Ate, dito nalang ako titira para may kasama ka," sabi ni Samara. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maasar sa kakulitan ng batang ito. Actually hindi na nga siya bata pero para paring bata ang ugali niya. "Hindi pwede, magagalit si Tita, umalis na nga ako tapos isasama pa kita sa pag alis ko, ano na lang ang sasabihin ni tito?" Ang sagot ko, hindi ko ipinapakita na medyo naiinis ako sa pangungulit niya, kaya nga ako umalis sa mga Lemsworth para mapag-isa pero, ito siya ngayon hindi ako pinatatahimik sa kakulitan. "Eh, kasi naman,Ate. Malungkot na ang bahay pag wala ka," reklamong sabi nito na nanunulis pa ang nguso. "Pwede ka namang mag-sleep over dito kahit kailan mo gusto," suggestion ko para lang matigil na ang kakulitan nito. "Talaga ba, ate?" paniniguro niya, nag