Andrea "Good Morning!" Nagulat ako ng mabungaran ko ang napaka gwapong si Red habang ako ay bumababa ng hagdanan. Balak ko sanang magpunta ng kitchen para mag almusal pero, kung ganito namang itsura ang sasalubong sa'yo tuwing umaga tiyak mai-inspired kang huwag na lang kumain. "Oh, nandito ka pala, dinadalaw mo ba sila, Tita?" tanong ko, nasa ikahuling baitang na ako ng hagdan at ngayon nga ay pumuwesto ako nang tayo sa tabi nito. "No, actually I'm here to invite you," medyo nahihiya pang sagot nito sa akin. Napaawang ang bibig ko sa sinabi nito. "Saan?"Ang tanong ko, hindi ako nagpahalata ng excitement. "There's a nice place here within the area that offers delicious food. I will take my breakfast there would you mind joining me?" medyo alanganing tanong nito, nagdadalawang