Delivery po para kay Ms.Andrea Montecillo." Naagaw ang atensiyon ni Andrea sa ginagawang report sa kaniyang laptop ng marining na may bumigkas ng kaniyang pangalan. Huh! Hindi naman ako nag-online shopping, ah. At wala naman akong inaasahang delivery. Napakunot ang noo niya na tumayo at lumapit sa mga nagkakagulo niyang staff, pinalilibutan ng mga ito ang delivery man. "Wow! Sobrang ganda, napaka-sweet naman ng admirer ni Ms. Andrea." "Oo nga! Ako kaya kailan makakatanggap ng ganyan kagagandang bulaklak?" Parang na ngangarap na sabi nang isa na may hawak pang mop. "Tse! Wag ka nang mangarap, napakamahal ng mga iyan, tingin ko limang dosena atang roses ang laman niyan. Puwede ng magtayo ng flower shop si Ma'am Andrea sa sobrang dami," sabi nito na may mukhang humahanga. "Bakit naman