Ferdz "Hi Girls!" Masayang bati ko sabay kaway sa mga babaeng halos mabali na ang mga leeg sa kalilingon sa amin. Hindi na napigilan ng mga ito ang mapatili dahil sa sobrang kilig, pasalamat sila dahil isang malaking karangalan na mapansin sila ng kagwapuhan ko. "Tsh! Will you please stop flirting with girls! We're here for business, " medyo asar na ang tono ng boses ni Migs Solano at nakakunot pa ang noo nito. "Until now you still haven’t changed," pailing -iling na sabi naman ni Dylan Monteclaro. Silang dalawa lang naman ang kababata ko mula pre-school hanggang Grade 12 ay magkakaklase kami, nalayo lang ako no'ng nag-college na kami ng ipatapon ako ni Daddy sa Colorado. Nakapasok naman ako ng first sem sa college ang kaso wala pang isang linggo ay ipinatawag na si Daddy at Mommy sa