Episode 25

1724 Words

Gusto ko sanang bantayan si Agaton sa bahay niya kaso lang ay pinagpilitan niyang okay lang siya at hindi niya kailangan ng bantay. Mas maraming malala pa raw na sugat ang napagdaanan niya na siya lang ang gumamot sa sarili niya kaya hindi raw siya mamamatay sa tama ng bala sa braso niya. Nakakainis ang lalaking yon. Masyado siyang bilib sa sarili niya. Ako na nga itong nagmamagandang loob na samahan siya at baka kailangan niya ng tulong pero tigas talaga ng tanggi niya na kaya niya na. Mahirap kaya ang mag-isa. Danas na danas ko yon kaya alam ko ang pakiramdam ng mag-isa ka lang. Wala kang kasama. At wala ka man pamilya. Kapag may sakit ako hindi ko pinapahalata sa ampunan dahil ayokong mag-alala pa sa akin ang mga madre. Kapag malungkot ako, umiiyak lang ako sa isang sulok pero aga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD