"Magandang hapon, mga kababayan. Ayon nga sa ating mga Reporter na siyang nabigyan ng permiso na makasama sa isinagawang pagdakip sa dalagang si Robin Caniete, ang dalaga ay halos wala ng buhay at pinasan na lamang ng binatang kasama nito pababa sa Kagubatan sa Bayan ng Quinawan. Ang dalaga ay hindi agad dinala sa presinto kundi sa Hospital kung saan naka-confine pa rin ang ibang mga kasamahan nito na nailigtas noong Mayo asingko. Sa ngayon ay walang update sa kalagayan ng dalaga habang ang kaitasaan naman ay tila nagsasagawa ng pagpapasya ukol sa kaso ng Doctor na si Oscar Lee at ang mga kasama nito." Ang mata ng pitong katao sa loob ng silid ng dalagang si Robin ay nakatutok lahat sa kaniya kaniyang mga cellphone upang mapanood ang balita tungkol sa kaso ng mga Doctor na live ang gagawi