Kinagabihan, pala-isipan pa rin sa dalaga ang kaniyng nakita. Hindi niya maunawaan kung bakit hindi isang babaeng walang malay lamang ang inalalayan ng lalaki. Pakiramdam niya ay may kakaiba pa roon na nais niyang malaman subalit alaam niyang wala naman siyang karapatan. "Matulog ka na, Riva," bulong ng binatang si Viro na nasa ibabang parte ng double deck. Umalpas ang itinatagong paghinga ng dalaga dahil nabuko na rin naman siya. Alas diyes y media na kasi ng gabi at dapat ay tulog na sila ngunit dahil may pilit na umuukilkil sa kaniyang pag-iisip ay hindi siya madalaw dalaw ng antok. "Patulog na ako, nagsalita ka lang." kunwari ay inaantok pa nga ang boses niya. Narinig niya ang pagtutol ng binata doon ngunit hindi na nagpatuloy pa. "I will sleep now. Goodnight, Viro." bulong n