Two days. It took two days before the mini library at this room got built. Noong una, hindi ko alam kung bakit kinailangan ako ilipat sa mas maliit na kwarto. Wala ring kahit anong isinaksak sa akin maliban sa pampawala ng boses. I thought Oscar didn't like what I asked him and decided to eliminate me or punish me for that. Not until they brought me back to my room. Hindi ko akalain na gagawa pa siya ng book shelves para lang e-impress ako. Ang dating walang kadesi-desinyong dingding ng silid na halos napinturahan lang ng pinto ay nagkaroon ng ibang kulay. Naghahalo ang asul at berde doon. May ilang pinintang larawan na nakasabit at tila nagmukhang palamuti. Habang ang bawat gilid naman ay nakahilera ang anim na book shelves, tig-tatlo sa kanan at kaliwa. Sa sentro ay may isang sofa at