ROBIN's POV. Dinadama ko ang mainit na pagtama ng araw sa aking balat habang binabagtas naming dalawa ni Sleav ang mahabang daan palayo sa aming pinagtirikan kagabi. Hindi ko na naramdaman ang paghinto ng sasakyan sapagkat nilamon ako ng pagod at ang talukap ng aking mata ay sadyang kay bigat. Ang aking isipan ay nagu-udyok na magpahinga na rin nang mga oras na lumapat ang aking likod sa may sandalan. Kahit ngayon na ako ay nakadarama pa rin ng panginginig ng kalamnan na animoy tatrangkasuhin ngunit batid kong ito ay epekto ng mga gamot na ibinibigay noon sa akin sa tuwing sumasailalim ako sa tests. Pakiramdam ko sa bawat araw na nagdaraan ay dumdoble ang p*******t ng aking mga kalamnan at ganoon na rin ang epekto ng hallucinations sa akin. Sa mga una ay sobrang masasakit na alaa