Pagod ang magkapatid nang marating nila ang bahay. Parehas silang dumeretso sa paghiga. Ilang sandaling katahimikan ang namayani sa kanila bago basagin iyon ng dalagang si Riva. "Kamusta na kaya sila?" pagkuway tanong nito. Nanatili ang kapatid na naka-pikit ang mga mata. "Naalala pa kaya nila tayo?" Dagdag nito sa katanungan. Malakas na bumuntong hininga ang binata. "Marahil ay naalala pa rin nila tayo. Hindi nila makakalimutan ang nagawa mo," pahayag ni Viro. Pumorma ang isang ngisi sa labi ng dalaga. "Hindi naman nila nakita ni minsan ang ang mukha. Tanging pangalan lamang natin ang alam niya." Natatawang sambit nito. Ngumisi ang kapatid sa narinig. "Napaka-pilya mo kasi. Mabuti na lamang at hindi sumobra iyon kung hindi malalagot ka kela Uncle," pahayag ng binatang si