"Wow! Ang ganda naman pala dito sa Coastal, e!" bulalas ng kaklase nila na kabilang sa Balivo. Ang iba naman sa kanila ay walang tigil sa pagkuha ng litrato sa kapaligiran at pagse-selfie. "Guys, smile!" sambit ng dalagang si Carina habang nakaangat ang mobile phone para kumuha ng litrato. "Isa pa, isa pa!" hiyaw naman ni Mike. Inilagay ng dalaga sa front camera at saka umupo sa may harapang bahagi upang makuha ang lahat ng kanilang kasama. "Smile, Viro!" sigaw pa nito bago pinindot ang captured button. Kitang kita nila ang kabundukan at ang mga kabahayan doon. Asul na asul ang tubig at may mga tumatalon pang isda. Hindi naging boring ang kanilang naging paglalakbay. Maging Riva na wala sa kaniyang sarili ay tila nabuhayan ng loob, dahilan kung bakit ikinatuwa din ng kapatid ang