Dahan dahan lamang ang naging paglakad nila nang sila ay halos may ilang dipa na lamang mula sa babaeng naka-yuko pa rin hanggang ngayon. Nagsisikuhan silang dalawa sa kadahilanang hindii nila malaman kung sino ang karapat dapat mag-approach sa babae Marahil ay naramdaman nito ang kanilang presensya kung kaya naman nag-angat ito ng tingin sa kanila. Ngumiti ang dalawang estudyante ngunit nauwi iyon sa hilaw na ngiti. Tumaas ang kilay ng babae sa kanila. "What do you need?" tanong nito. Ngumiti muli ang dalawa ngunit si Riva na ang naunang nagsalita. "Good Morning po. Estudyante po kami ng Pharang High at nais po sana namin na ma-interview kayo tungkol sa dalagang si Robin Caniete," pahayag nito. Nanatiling malamig ang ekspresyon ng babae na kanilang kaharap. Hindi maiwasan ng