Chapter 10

2707 Words
TAHIMIK lang na gumagawa ng schedules si Ainah sa working table niya habang ang isa niyang maliit na laptop na nasa ilalim ng mesa niya ay nag-generate ng data na kailangan niya sa imbestigasyon. Sa loob ng ilang araw na naka-tap ang phone ng mga kasambahay sa kanila ni Cedrick ay wala pa naman silang nakukuhang kahina-hinalang detalye. She was like a ghost at the corner of the office. Althed was just on his table and busy on his laptop. Hindi na niya ito masyadong ginugulo dahil baka mainsulto na naman siya tulad noong isang araw. Grabe siya. Ang laki na nga ng iginanda ko mula noon, as in glow up kung glow up tapos sasabihin niya iyon? Napatingin siya sa laptop sa ilalim ng mesa niya nang makita ang chat ni Cedrick. May ipinadala itong mensahe tungkol kay Samuel, ang isa sa company drivers. Binasa niya ang file. Isa iyong police report—dated five years ago—tungkol sa isang construction worker na namatay. According sa report, ang namatay na construction worker ay pinatay mismo ng katrabaho nito. Ang tinutukoy na construction worker ay anak ni Samuel at ang gusaling itinatayo ng panahong naganap ang insidente ay ang SCK Tower, ang mismong building kung saan siya naroon. Mula sa ginagawang work schedules ni Althed ay napa-focus na siya sa binabasang data. Hindi malinaw ang dahilan ng nakapatay kung bakit nito nagawa ang krimen. Nag-message siya kay Cedrick para i-confirm kung nasa Bilibid pa ang convict. Isang legal document pa ang nabasa niya na nag-confirm ng financial assistance ng Kaviero Group of Companies sa pamilya nina Samuel dahil naganap ang krimen sa kanilang properties. Ainah checked the employment data of KGC in her laptop. May recommendation letter mula kay Mrs. Sophia Chii-Kaviero ang employment record ni Samuel Pesa. Mukhang kasama ang trabaho sa tulong na in-offer ng kompanya sa pamilya nito. But still, he has a reason for revenge. She navigated her laptop again. Ilang segundo lang ay nakapasok siya sa real-time CCTV monitor panel ng SCK Tower at SCK Mall. Manual search na hinanap niya si Samuel. Natagpuan niya itong nakatambay sa smoking area ng building malapit sa parking area. Kasama nito ang personal drivers nina Irvo at Jasper. Nakita niyang nilapitan ni Cedrick ang mga ito at nakikipagkuwentuhan na ang huli. Hinayaan na niya si Cedrick na kumuha ng impormasyon. Inilipat niya ang viewing sa CCTV sa may working table ni Vernice. May inilagay siyang spy cam na nakatutok sa working area nito para makita niya ang galaw nito. Bagama’t walang suspicious sa pagkaka-hire nito bilang secretary ni Althed, may something off siyang napansin dito. Everyday, Vernice was taking photos of Althed in discreet. I need to tap her phone. Madali niya kasing napapasok ang computer na ginagamit nito at malinis ang laman noon. Siguro dahil alam nitong nakikita ng IT department ang laman ng bawat company computers, naging maingat din ito. Namataan niya sa monitor na paparating si Jasper Chii kaya agad niyang itinago ang kanyang laptop. Ilang segundo nga lang ay bumukas ang pinto at dumiretso ito kay Althed. “I need more clarifications.” Umupo ito sa couch just few meters away from Althed’s working table. Napatingin ito sa kanya. Tumango lang siya bilang respect. He just nodded and smiled bago ito muling nagseryoso nang bumaling ito kay Alted. The next thing happened, Ainah heard a sort of business arguments between the two. “Why did you terminate the contract of Quizon Farm?” tanong ni Jasper. “It’s time,” tipid na tugon ni Althed. “But it’s early termination. May dalawang taon pa sila dapat. Quizon Farm has been our dealer ever since the SCK Supermarket was born,” tugon nito. “I don’t know why you are doing this. Ni hindi ka komunsulta muna sa amin ni Daddy.” “The company is no longer capable of providing what SCK needs. We constantly receive reports from purchasing department about the quality of the goods that Quizon Farm delivered. They can’t provide what we need both in terms of quality and quantity. We need to let go those incapable suppliers.” “Let go? Hindi mo man lang nai-consider ang halos sampung taong business deal natin sa mga Quizon? Kailangang bang i-terminate mo na agad? Fine, if you want new suppliers, but can’t they stay until the contract ended? We don’t have to terminate their contract this early.” “My decision is final, Jasper,” giit ni Althed. “This will cause a lot of problem,” hirit nito. “I don’t see any problem,” kampanteng tugon ni Althed. “Look, I know what I’m doing and let me reiterate, my decision is final. If you are thinking about the business relationship that we have with the Quizons, it will never change. I got it all covered.” Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Irvo. Lumingon muna ito kay Ainah. “Hello, Miss Pretty Rai!” “Good afternoon, sir,” tugon niya. Agad itong lumapit kina Althed at Jasper at sumali na sa usapan ng dalawa. “Ikinuwento na ito sa akin ni Althed at sa tingin ko, Jasper, wala naman tayong magiging problema sa papalit na supplier. And I also agree. Quizon can no longer give what we need. Time to let go,” pagsuporta ni Irvo sa sinabi ni Althed. Lihim na napapailing si Ainah. Althed was good in argument. And by looking at them now, it seemed that Jasper got no choice but to accept defeat, lalo na ngayong dumipensa na rin si Irvo. “Fine. But what will replace Quizon Farm?” tanong ni Jasper. “You have to make sure that they are way better than Quizon.” Tumayo si Althed at nagpunta sa kalapit na mini-bar counter sa loob ng office nito. Nagsalin ito ng whiskey sa tatlong shot glass. “The company is way better for sure. SCK doesn’t deserve any less. It’s Arella Meat Market Corporation,” tugon nito sabay abot ng mga baso kina Jasper at Irvo. “No way! You got to be kidding me. Ang tagal kong niligawan ang AMMC noon pero parati silang tumatanggi,” hirit ni Jasper nang tanggapin nito ang baso. “It means, mas magaling manligaw si Althed kaysa sa ’yo, bro,” biro ni Irvo. “Sana applicable din sa babae.” Tumawa si Jasper. “Oo nga. Kung anong iginaling sa negosyo, siyang ikinapalya sa babae.” “Negosyo ang pinag-uusapan natin. Bakit napunta sa babae?” reklamo ni Althed. “You know what? Ituloy na lang natin ito somewhere. I know a place. Drinks on me tonight,” anyaya ni Irvo. “I have a lot more things to do—” “Ang KJ mo, Althed. Have some fun for a while. I won’t take a no,” sabi ni Irvo. Bumaling ito kay Ainah. “Miss Pretty Rai, clear his morning schedule tomorrow. Lalasingin lang namin ito tonight.” Umakto siyang may tiningnan sa office computer niya. “His morning schedule is already clear, actually, sir.” “That’s great!” Inubos ni Jasper ang laman ng baso nito at saka tumayo at nagpaalam na. In few minutes more, naiwan na muli sila ni Althed. Bumalik na rin si Ainah sa pag-aaral ng mga data mula sa Code Black nang masamyo niya ang familiar woody masculine scent. Nag-angat siya ng tingin. In a snap, Althed was in front of her. “Senang Hati Music Lounge, 9 p.m. ang lakad namin,” pagkuwa’y sambit nito. “Noted. I’ll send Code Black agents in the area. I’ll be there too.” “Hindi ka puwedeng sumama sa akin. Para akong may yaya.” Nginisian niya ito. “Don’t worry. Hindi ako sasama sa ’yo. Basta kung ano man ang gawin ko mamayang gabi, play deadma. Okay, sir?” “Whatever. Huwag mo lang akong bibigyan ng kahihiyan.” Tinalikuran na siya ito at nagbalik ito sa mesa nito. Kinagabihan, nagpaalam siya kay Manang Lisa na uuwi kuno muna siya sa pamilya niya dahil Biyernes naman. Sa bahay nina Cedrick siya tumuloy para maghanda. Nauna na sa Senang Hati ang ilang Code Black agents na naka-civilian. Nagsuot siya ng sexy na damit: white halter bralette paired with blue skinny ripped jeans. Papatungan niya iyon ng red wine-color blazer. Mukha siyang mayamaming gumigimik sa high-end bar. She did her makeup and hair. Sa ganitong mga pagkakataon, nailalabas niya ang kagustuhan niyang magmaganda. Nang matapos mag-ayos ay isinuot niya ang kanyang high-heeled stiletto para lalong ma-emphasize ang kanyang long sexy legs kapag maglalakad siya. To end her beauty session, nagpaligo siya ng favorite sensual lavender perfume niya. “Bilisan mo, Ainah. Under mission tayo. Hindi tayo hahanap ng lalaking papatol sa ’yo,” buska ni Cedrick nang katukin nito ang pinto ng kuwarto nito. “Ready na ako. Ito naman, aligaga lagi!” hirit niya. Huling sulyap sa salamin at napangiti siya. Lumabas na siya ng room ni Cedrick. Nasa sala na ito kasama ang nanay nito. He was wearing a white shirt covered by a navy-blue blazer coat paired with faded blue jeans and brown topsider shoes. “Ang guwapo, ah,” tudyo niya. “Under mission tayo. Hindi tayo mangchi-chicks do’n.” Tumawa lang ito. “Ando’n siya,” tukoy nito sa babaeng nililigawan raw nito. Wala pa siyang idea kung sino itong sinuwerteng babaeng nagustuhan ng kaibigan niya dahil hindi pa nito ipinapakita ang picture ng babae sa kanya. “Kaya naman pala. Ipakilala mo ako, ah.” Humalik siya sa pisngi ng nanay nito. “’Nay, alis na po kami.” Cedrick did the same. “Huwag na po ninyo kaming hintayin, ’Nay. Sige po.” “Mag-iingat kayo, mga anak.” Napangiti siya sa sinabi ng nanay ni Ced. Itinuring na kasi niyang tunay na nanay ito. “Ang sarap ng may nanay,” hirit niya habang nasa biyahe sila ni Cedrick. “Pasensiya na, Ainah, kung hindi talaga kita type at hindi mo magiging nanay ang nanay ko for real. It’s not you, it’s me—” Dinagukan niya ito na ikinatawa lang nito. “Sira-ulo ka talaga.” He parked the car and they went inside the bar. Sumalubong sa kanila ang medyo upbeat song ng banda na on stage. She saw her former high school mate, Ayen Mirasol Cerio na kumakanta sa stage. Isa na itong celebrity singer ngayon bilang si Aycee. Isa ito sa mga kaibigan nina Ian at Althed. Naghiwalay sila ni Cedrick. Pinagbigyan na niya itong makita ang nililigawan nito. Agad niyang namataan ang magpipinsan sa isa sa VIP lounges sa upper deck ng bar. Time for the show. She sexily went upstairs. Doon siya umakyat sa pinakamalapit na hagdan sa puwesto nina Althed para sigurado siyang mapapansin siya ng mga ito. And she was right. “Miss Rai, it is a surprise to see you here,” pagbati ni Irvo. Umarte siyang nagulat kunwari. “Sir, andito pala kayo.” “Hindi ka ba inimbitahan ni Althed? I thought he did,” sabad ni Jasper. “Hindi ako nagdadala ng yaya na papanoorin akong malasing,” buska ni Althed. Tinapunan siya nito ng masamang tingin mula ulo hanggang paa. Kakaiba talaga ang lalaking ito. Kung anong ikinangiti sa kanya ng dalawang pinsan nito na obvious ay nagandahan sa awra niya that night, itong si Althed, parang nakakita ng evil witch. “Ah, no. Hindi ko po alam na dito kayo pupunta. I’m just here to unwind since Friday naman at wala po akong work tomorrow,” sambit niya. “Are you with someone?” tanong ni Jasper sabay inom ng alak sa hawak nitong shot glass. He was looking at her as if she was as hot as fire. “I’m alone, sir,” medyo sexy niyang tugon. Okay lang kung maalin sa dalawa ang maakit niya ngayon gabi. Kailangan niyang mapalapit sa mga pinsan ni Althed. “You better join us. Delikado para sa nag-iisang babae ang lugar na ito.” Nagulat si Ainah nang si Althed ang nagsabi noon. Natigilan din sina Jasper at Irvo as if it was the first time they heard Althed being concern to someone. “Maganda pala ang alak sa ’yo, bro. Bumabait ka,” hirit ni Irvo. Umakbay ito sa kanya. “But I agree. Join us. Drinks on me.” Bingo! “Okay lang ba talaga?” tanong niya uli. Everyone just nodded. Sa mga sumunod na sandali, she found herself surrounded with these guys. Well, sina Jasper at Irvo lang naman ang kumukulit sa kanya dahil ang amo niyang tuod ay nakaupo lang sa isang sulok at umiinom ng alak habang tinitingnan siya nang masama. Gano’n ata ang way nitong mag-appreciate ng beauty kaya walang nai-in love dito. Sinakyan niya ang trip ng dalawa nitong pinsan. Shot kung shot, sayaw kung sayaw. She made sure that her dances would turn them on. Hindi maiiwasang nahahawakan siya ng dalawa pero winalang-bahala niya. Nilalasing lang niya talaga ang dalawa. Dinadaya lang niya kasi ang tagay para sa kanya. And throughout that moment, nanonood lang si Althed sa isang sulok. “You are so good in dancing, Miss Pretty Rai,” Irvo whispered to her ears. She just faked a giggle. Kunwari ay gusto niya ang panlalandi nito. Pero ang totoo, gusto na niya itong bigwasan. Kanina pa itong touchy. “You, too, are damn sexy, sir.” Umarte siyang nagpapaypay para simpleng lumayo sa isang ito. Bahagya siyang bumaling kay Jasper. Mukha kasing mas matino ito kaysa kay Irvo na nanantsing. “Oh, my god! I feel so hot,” she uttered sexily. “I hope you don’t mind, sir, I will take off my blazer. Ang init kasi.” Sadyang dinahan-dahan niyang hubarin ang blazer niya revealing her shoulders at ang kanyang sumisilip na cleavage. Brallette lang ang suot niya and nothing else. Sigurado siyang kuhang-kuha na niya ang magpinsan. Pare-pareho lang kayong mga lalaki. Magandang katawan lang ng mga babae ang kahinaan ninyo. Napatikhim ang dalawa at nagkanya-kanya ng lagok ng alak. Hanggang sa biglang umalis si Irvo na magsi-CR lang daw. Althed was busy with his phone and Jasper was eating and drinking at panaka-nakang sumusulyap sa kanya with malice. Kinuha niya ang cell phone niya at nagpadala ng instruction kay Cedrick na sundan si Irvo. Sinadya niyang sulyap-sulyapan din si Jasper habang kunwari ay nagba-browse siya ng something sa cell phone niya. Nagulat siya nang may matanggap siyang e-mail notification sa isang website with a host name, E-mail thy future kung saan puwede kang magpadala ng future e-mail sa sarili mo or sa ibang tao. Nauso iyon noong kabataan pa niya. Parang binuhusan siya ng tubig na may ice cubes nang buksan ang notification. Ang e-mail na isinulat at ipinadala niya kay Althed noong araw na na-reject siya nito—way back their high school days—ay successfully sent na raw. Napatingin siya rito. To her mere surprise, nakatingin din pala ito sa kanya. Masama pa rin ang tingin nito sa kanya, to be precise. Napasalin siya ng vodka at napa-straight shot sabay iwas ng tingin. Susko! Na-receive niya ba? Buhay pa ba ang luma niyang e-mail? Ano nga bang pinaglalagay ko sa e-mail na iyon? Napapikit siya para pigilang sabunutan ang sarili. “Okay ka pa, Rai?” malambing na tanong ni Jasper. Nagmulat siya ng mata at umayos ng upo. “O-Oo, sir.” “Nag-message si Irvo. Hindi na raw siya makababalik. May nakita siguro sa may banyo ang loko,” sabi nito. “That’s very Irvo.” Althed just smirked. “Let’s call it a night.” Binalingan siya ni Jasper. “Ako na ang maghahatid sa ’yo,” pag-volunteer nito. “Naku, sir. Okay na ako. Kaya ko namang umuwi,” tugon niya. “I insist.” He moved closer to her and whispered, “Let’s go somewhere before I drive you home.” She smiled seductively. “I’m okay with it, sir.” Nauna nang umalis si Althed at habang papalabas sa bar, pinipilit ni Ainah alalahanin kung ano iyong mga pinagsasabi niya sa e-mail na iyon. And she remembered that she confessed her undying love to Althed, despite the fact that he dumped her. Letseng luka-lukang younger self!

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD