Chapter 8

2757 Words
INIHILAMOS ni Ainah ang mga kamay sa mukha habang iniisa-isa ang background check report ng mga kasambahay ni Althed. Code Black sent the data to her secured e-mail just few minutes ago. Napapailing na lang siya. Malinis ang record nina Sabel, Rosie, at Tina. Walang criminal record, walang kaso ng reklamo against them. Lumalabas din sa background check na legit silang mga kasambahay mula sa legit na employment agency. Ngunit hindi satisfied si Ainah. Malakas ang kutob niya na nasa pamamahay na iyon lang ang nagplanta ng mga audio surveillance device na nakita niya nang nagdaang gabi. Nasa kamay na niya ngayon ang mas malalim na imbestigasyon. Sinipat niya ang wall clock. Alas-singko pa lamang ng umaga. Halos wala siyang naging tulog. Dalawang oras lang ata ang itinulog niya. Aminado siyang minamadali niya ang imbestigasyon hindi dahil ayaw na niyang mag-stay sa bahay na iyon kung ’di habang lumilipas ang araw ay mas lumalaki ang chance na maunahan sila ng mga taong gustong burahin si Althed at ang pamilya nito sa mundo. Heto nga at may pumasok na namang death threat message sa cell phone ni Althed. Alam niya dahil naka-wire sa kanya ang cell phone nitong pinagpapadalhan ng death threats ng kung sino mang nasa likod ng kasong ito. Batid ni Ainah na hindi basta-basta ang kalaban nila. Malinis ang trabaho, walang bakas ng kahit anong lead. Even the background check reports of the entire Kaviero and Chii clans came out clean. Sa mga empleyado naman ng Kaviero Group, may tatlong pangalan silang iimbestigahan at tinatrabaho na niya ang mga ito. Inayos na muna niya ang kanyang mga gamit at sinigurong walang makikita ang kahit na sinong papasok doon bago siya naligo. Araw ng Sabado. Wala siyang office work bilang pretend EA ni Althed pero tuloy ang trabaho niya bilang imbestigador. Tuturuan niya ngayong bumaril sina Althed, Ian, at ang ama nitong si Doc Geo bilang bahagi ng self-defense program ng Code Black para sa mga ito. Nagsuot lamang siya ng casual blouse at pants, still trying to look like an executive assistant. Sa firing range na lang siya magpapalit ng damit. Lumabas na siya ng silid. Sinadya niyang sa may laundry area dumaan papasok ng bahay upang maobserbahan si Rosie, ang labandera. Saktong ang cell phone nito ay nakapatong sa isang mesa sa ’di kalayuan. Pasimple siyang tumingin sa paligid at kinuha ang cell phone nito. At mabilis na isinilid sa kanyang bag. “Uy, Rai. Bakit dito ka sa labahan dumaan?” sambit ni Rosie nang mapansin siya nito. “Mali pala iyong way na pinuntahan ko. Ang laki kasi ng mansyon. Hindi pa ako sanay at mahina ako sa direksyon,” sambit niya. “Ah, gano’n ba? Okay lang iyan. Kapag nagtagal ka na rito, masasanay ka rin. Ako rin ganyan noong nagsimula ako rito,” nakangiting kuwento ni Rosie habang nagsasalang ng mga blanket sa washing machine. “Ilang years ka na ba rito?” usisa kuno niya just to sustain the conversation. Kailangan niyang mapalapit sa mga kasambahay upang mas madali niyang maimbestigahan ang mga ito. “Three years pa lang. Iyong totoo, unang employer ko si Sir Althed sa agency. Ang suwerte ’di ba? Unang amo, sasaksakan ng guwapo.” Ngumiti lang si Ainah sa sinabi nito. Saksakan din ng pagkademonyo. “Oo nga naman. Pasok na ako sa kusina, ah.” “Sige, sige.” Rosie moved a bit to give a way for her to pass through. Pagpasok niya sa kusina ay naroon si Tina na abala sa pagluluto. Gulat na lumingon ito sa kanya. “S-Sa likod ka pa dumaan?” tanong nito. “Ah, oo. Maling hallway pala ang pinasukan ko. Dapat pala, pakanan. Ang hina ko kasi sa direksyon,” sabi niya, telling the same alibi upang kung sakaling magkuwentuhan ang mga kasambahay, consistent ang statement niya. “Ah, gano’n ba?” Ibinalik nito ang atensyon sa niluluto nito. “CR lang ako, ah.” Tumango lang ito. Agad siyang pumasok sa banyo sa kusina at inilabas ang cell phone ni Rosie. May inilagay siyang strip na may microchip sa body ng cell phone nito. Sa sobrang nipid ng strip, hindi iyon mapapansin agad. Ainah navigated her cell phone, to be able to hack what was inside Rosie’s phone. Kailangan din niya magawa iyon sa cell phones ng ibang kasambahay. Paglabas niya ng banyo, ando’n na rin sa kusina si Sabel. Kasalukuyan nitong kausap si Cedrick na driver ang undercover identity. Daniel ang pangalan nito bilang driver. “Ah, kaninong cell phone ito?” tanong niya. She raised the phone to show it to them. “Nakita ko sa banyo.” “Ay! Sa akin iyan!” sagot ni Rosie pagpasok nito sa kusina. “Akala ko, naipatong ko na sa mesa iyan. Naiwan ko pala sa banyo.” Iniabot niya rito ang cell phone nito. “Salamat.” Ngumiti lang siya. Saglit silang nagkatinginan ni Ced at agad ring nag-iwas ng tingin. Walang ideya ang mga tao rito na magkakilala sila. “Pogi, gusto mo ba ng kape?” tanong ni Tina kay Cedrick. “Yes, please, ganda,” nang-aakit na tugon nito. Cedrick was really charming and he was using his assets to charm these people. Few minutes more, Tina served his coffee. “Salamat, ganda!” Napangisi naman si Tina sa pambobola ni Cedrick. “Ano pa ang gusto mo, pogi? May niluto akong hotdog at itlog.” Inihain na ni Tina ang agahan nila. Madalas na nauuna silang mag-agahan kaysa sa kanilang amo na malamang ay sleeping naked pa rin sa mga oras na ito. An image of Althed precious abs polluted her head. Akala mo naman, ang ganda ng katawan niya. Well, Maganda nga. “Ang sarap mong magluto, ganda,” hirit ni Cedrick sabay kagat sa hotdog. “Masarap ba ang hotdog mo?” malisyosang tanong Tina. Cedrick offered what he was eating. “Gusto mong tikman . . . ang hotdog ko?” Nagkatinginan kami nina Rosie at Sabel. Pinigilan ko ang mapatawa. Aaasarin ko na lang si Cedrick mamaya. “Ang harot mo, pogi! Baka naman may girlfriend ka na o kaya asawa,” tanong ni Tina. Umupo ito sa tabi ni Cedrick at nakisalo na sa agahan. “Wala. Ikaw ba?” balik-tanong kay Tina. “Wala rin,” tugon ni Tina. Mukhang dalang-dala na ito sa flirting ni Cedrick. “Date tayo sa off natin. Papasabay ako ng off sa ’yo,” hirit ni Cedrick. Tila kiti-kiting kinilig si Tina at natawa naman kaming dakilang audience. “Binobola mo lang ako, eh. Ako talaga ang niyayaya mong mag-date sa amin? Mas maganda kaya si Rai. Baka naman siya ang gusto mong i-date.” “Pinagod na ako ni Rai kagabi,” malisyosong hirit ni Cedrick. Napasinghap ang lahat at pinandilatan naman niya ito. “Ang ibig kong sabihin, pinagod niya ako kagabi sa kahahanap ng daga sa silid ni Boss. Ayoko sa babaeng pinapagod ako.” “’Di rin kita type, Daniel. Huwag kang mag-aalala,” hirit niya na ikinatawa ng lahat. “Aba’y nahuli n’yo ba ang daga?” agad na usisa ni Manang Lisa nang pumasok ito sa kusina. Agad nilang binati ito ng, “Good morning po, manang.” “Opo, nahuli naman po namin,” tugon ni Cedrick. Napailing si Manang. “Sabel, siguraduhin mong palaging malinis ang buong mansyon para hindi na iyon maulit. Ang taas na rin kasi ng damo sa kabilang bakod kaya gano’n. Malamang na doon galing.” Everyone nodded. Natigilan lang silang lahat nang pumasok sa kusina si Althed, topless at only boxers on. His god-like assets were waving. Hindi man lang ito nahiya sa mga kasambahay at tila okay lang dito na ibandera sa tao ang ipinagmamalaki nitong well-formed six-pack abs. Kumuha ito ng isang tasang kape. Good morning, abs ng demonyo! Napaiwas siya ng tingin at humigop din ng kape. Tila uminit ang paligid. Napainit ata ang kapeng tinimpla ko. Lahat ay binati rin ito. Althed just nodded and landed his eyes at her. It was a handsome stare that reminded her why she once fell in love with him despite his rough attitude. Ainah tried to ignore him. Isusubo na lang sana niya ang sinangag na may fried egg nang tawagin siya nito. “Rai, to my room now!” He walked out the kitchen magnificently after saying that. “Ang hunky talaga ni Boss!” hirit ni Sabel. “Oo nga,” sabay pang hirit nina Tina at Rosie. “Shh! Kayo talaga! Marinig kayo ng alagang kong iyan, matatapos ang kontrata ninyo rito nang mas maaga,” sermon ni Manang Lisa. Hindi na naisubo ni Ainah ang pagkain. Agad siyang tumayo at sumunod kay Althed sa kuwarto nito. Bago siya makapasok sa silid ay naabutan pa niya ang isang Code Black staff na parang may sinisilip sa silid. Bumati lang ito sa kanya. “Good morning, ma’am.” She nodded. “Are you checking on something?” pang-uusisa niya. Michael nodded. “Just checking po kung okay ang paligid. Sige po.” Bagong Code Black agent lang ito at ito ang unang deployment nito. Kararating lang nito nang nakaraang araw. Ipinagwalang-bahala niya ang pagsilip-silip nito. He continued checking corners while he was walking away. Inisip ni Ainah na ginagawa lang nito ang trabaho na maging familiar sa lugar. Kumatok na siya at agad pinapasok ni Althed. He was still barely naked when he picked his phone at the bedside table. “Someone sent these photos to my business e-mail.” Ipinakita nito sa kanya ang sinasabi nitong photos. “May threat message ang e-mail, asking me to drop my position as President of Kaviero Group or else, lahat ng tao sa pictures ay isa-isang mawawala.” Tumambad sa kanya ang mga stolen photo ni Althed kasama ang mga kaibigan nito sa business world at ibang photos ay kasama nito ang mga childhood friends. Ang ibang mga stolen picture ay larawan ng magulang nito sa loob ng bahay niya. Ang iba ay stolen pictures ni Althed sa loob ng bahay. It was obvious that someone was following his moves and whereabouts. Someone was also following his parents. Kumpirmadong nasa bahay lang nito ang kung sino mang inutusan ng main culprit na sumubaybay sila. Sino? Kailangang matukoy ko siya agad bago pa niya kami maunahan. “I thought, Code Black is securing our environment.” he said. “Yes, we do.” Isang theory ang bumubuo sa isip niya. “Unless someone in this household is a traitor—” Naputol ang sasabihin niya nang maka-receive siya ng tawag mula sa Code Black. “Florendo, ngayon ang dating ng bagong agent diyan. Maya-maya lang ay andiyan na iyon.” “Mamaya?” Then sino itong naunang agent na dumating? “Okay.” She immediately dropped the call and called Cedrick. “Hulihin mo si Michael. Dalhin ninyo sa Ground 1.” “Kahuhuli ko lang sa kanya. This person isn’t from Code Black. I’ll see you there. Magpapadala ako ng tauhan na babantay kay Boss.” Mukhang natunugan na rin ni Cedrick. “Copy.” She ended the call. “What’s going on?” “May nakalusot na spy agent. Don’t worry at hawak na namin siya, hoping we can get something from him. I’ll feed the updates later. For now, mag-prepare ka na para sa training mo—” Bigla silang nakarinig ng explosion mula sa labas. She immediately covered Althed and brought him at the edge of the room. Bulletproof ang bintana sa part na iyon. Sumilip siya at nakitang nagliliyab ang kotseng nakaparada sa bakanteng lote sa tapat ng mansyon. Unfortunately, kotse ng Code Black iyon. Kinabahan siya. She turned on her communicator. “Mapagmahal?! Cedrick!” Lalo siyang kinabahan nang wala siyang marinig na response mula rito. Maaaring lulan ng kotse ang kaibigan niya. “Cedrick!” “I’m okay, Florendo.” Nakahinga siya nang maluwag. “10–13. May bomba pala sa katawan itong fraud agent na ito. I’m still securing information from the headquarters.” “10–4,” tugon niya, informing him that she received the information. Isang palaisipan sa kanya kung paano ito nakalusot sa Code Black. His records and recommendation letters are authentic from the Code Black. “Secure the handsome tiger’s den and the lion’s den,” tukoy niya sa bahay ni Ian Sol at ng mga magulang nito na nasa parehong village din. “Copy.” She sighed. “The lead we have is gone. He just exploded.” “What?!” kunot-noong tanong nito. “Narinig mo namang may sumabog, ’di ba? Now, magdamit ka at bumaba tayo roon.” Pumunta ito sa walk-in closet at kumuha ng T-shirt. “I can’t take this hassle for so long. Can’t you work faster? Mamaya kami na matotosta at hindi na properties namin o properties ng ahensiya.” Pinigilan niyang mapikon sa sinabi nito. It was like, she was not doing her job. “I’m doing my job, okay? Kung nagmamadali ka, mas nagmamadali kami.” Bumaba sila at naabutan ang mga kasambahay na nakikiusyoso sa may gate. May ibang agent ng Code Black at police na naroon para mag-imbestiga since hindi sila puwedeng gumalaw ni Cedrick being under a mission. Naglalagablab pa rin ang apoy sa nasusunog na sasakyan. Ilang minuto lang ay dumating na ang bombero at naapula ang apoy. Good thing, medyo malayo sa mga bahay ang sasakyan kaya walang nadamay na properties. “Nasaan na ba si Daniel? Sinuyo ko lang magtapon ng basura, hindi na bumalik,” usisa ni Manang Lisa. “Baka ando’n at nakikiusyoso pa,” sabi ni Rosie. Nagkatinginan sila ni Althed. “Everyone, get inside the house and let’s continue the day as planned,” anunsyo ni Althed. Bumaling siya sa akin. “Go there and secure, police report.” She nodded. “Okay, sir.” “At kapag nakita mo si Daniel, bumalik na kamo siya rito at may lakad pa tayo.” “Copy, boss.” Nagsipulasan na ang mga kasambahay. Pumasok na rin ng bahay sina Althed at Manang Lisa. Agad namang lumabas ng bahay si Ainah at nagtungo sa van ng Code Black na naka-park sa kabila pang kanto. Naroon nga si Ced nang buksan niya ang pinto at iba pang Code Black agents. “Ano’ng balita?” tanong niya. “Confirmed na hindi siya ang Michael Castro na ipinadala ng ahensiya. Iyong documents niya, validated na galing sa agency. Sa agency pa lang, naganap na ang falsification. Ang tanong ngayon, nasaan ang tunay na Michael Castro? Hindi na ito ma-trace. Ang tracker na meron ito ay ando’n sa fraud,” litanya ni Cedrick. “Paano ito nakalagpas sa Code Black?” nagtatakang tanong niya. “Iniimbestigahan pa.” Bumukas muli ang pinto ng van at bumungad sa kanila si PGEN. Eldwick Almendral. Agad silang sumaludo. “Natagpuan ang katawan ng tunay na Michael Castro sa isang creek, three kilometers away from here. I received the report an hour ago.” Binalingan siya nito. “Florendo, mukhang alam na ng kalaban na may Code Black agents na pumoprotekta sa mga Kaviero. Kailangan nating ma-solve ito agad. Una-unahan na lang.” She felt the pressure on her. Isang maling desisyon o pagkukulang, malalagay sa panganib ang pamilya nina Althed. Hindi niya iyon hahayaang mangyari. “Sir! Yes, sir!” “Bumalik na kayo ni Cedrick sa trabaho ninyo. Focus on your case, and we will feed reports as urgent as possible.” Bumaba na sila ng van at naglakad pabalik ng mansion ng mga Kaviero. Nakapagpalit na rin ng malinis na uniporme si Cedrick upang hindi na ito mausisa ng mga kasambahay. “Ced, buti hindi ka natosta,” all of a sudden ay nasambit niya. He was like a brother to her and she couldn’t imagine a life without him. “Mami-miss mo ba ang kaguwapuhan ko, kung natuluyan ako kanina?” mayabang na tudyo nito. “Oo naman. Ikaw lang ang pamilya ko. Hindi man biologically, ikaw lang ang meron ako, eh. Ayokong isipin na mawawala ka.” She suddenly became emotional. Parang bumalik sa puso niya ang sakit nang mamatay ang kanyang mga magulang sa isang vehicular accident. “Ito naman, nagdadrama.” Inakbayan siya ni Cedrick. “Pa-kiss nga, pirated kong kapatid,” biro pa nito sabay nguso at akmang hahalik sa kanyang pisngi. “It’s a no! Kadiri ’to!” Tinawanan lang nito ang hirit niya. Agad siyang lumayo at bumitiw sa pagkakaakbay nito dahil baka makita sila ng mga kasambahay ng mga Kaviero.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD