CHAPTER 1

1397 Words
Johhny's POV Nandito kami ngayon sa sakayan, enrollment day ngayon, at nilalagay ko na ang loob ko na pang putot na kami sa pila at talo na kami sa pustahan.. "Wengya, kung kelan naman kailangan ang taenang mga jeep yan saka naman wala!" halatang asar na si Young. Anong pustahan ang tinutukoy namin? Simple lang, kapag naunahan namin si captain at ang iba pa sa school, mag eenroll lang naman sila ng topless.. Nahati kami sa apat na grupo, ang unang grupo ay sina Montereal, Turner, Miller at Howard.. Ang pangalawa naman ay sina Gray, Fisher, Freeman at Burns, ang pangatlo ay kami nina Young, Dela Cruz at Gibson at ang pang apat ay si captain.. Kasama sa pustahan ang di pag gamit ng sariling sasakyan, kaya eto kami ngayon, nag hihintay ng jeep.. "Pag tayo talaga natalo, isasako ko si Spencer.." tiningnan ko ng masama si Dela Cruz.. At di ko napigilan ang di mapamura ng maglabas nga ng sako ang gago.. "Taena ka, san mo nakuha yan?" tanong ko, minsan talaga kung ano ano na lang ang dala ng taong yan. "Wag mo ng itanong hayop ka, pag talaga tayo natalo, di lang kita isasako ibibitin pa kita sa puno.."- Dela Cruz.. "Sige lang, tapos iduyan mo ako ha.." pang aasar ko pa.. Di nagtagal may dumating ng jeep, kanya kanya kami ng sakay kaya lang sa kamalas malasan puno na, kaya ang nangyari nakakandong ako kay Gibson ganun din si Young kay Dela Cruz.. Lahat ng pasahero samin nakatingin.. Wala ng rekla-reklamo taena ayoko ngang mag enroll ng topless.. "Umayos ka ng kandong Spencer!" bulong ni Gibson.. Si Young na ang nagbayad.. "Manong, bayad po, apat po, dalawang estudyante at dalawang senior" sabi ni Young.. Naghagikhikan naman ang mga pasahero.. Kahit kailan talaga.. Kelan pa naging senior ang dalawa samin? -__- "Ang bigat ng itlog mo Young.." natawa na naman ang mga pasahero dahil ang lakas ng pagkakasabi ni Dela Cruz.. "Ulol, itlog ko lang ba ang nakakandong sayo ha?"-Young.. Di na nahiya ang mga gago.. Wengya parang di maganda ang nararamdaman ng tiyan ko.. Nauutot ako.. Poooooot!! "Tungunu mo Spencer, dito ka pa nagkalat.."-Gibson.. "Langhapin mo na lang tol, wala na tayong magagawa lumabas na eh.." sagot ko.. Di naman magkanda mayaw ang mga pasahero sa pagtawa.. Masaya sila? Di nagtagal, narating namin ang Montereal University.. Mabilis kaming bumaba ng jeep.. Di uso ang lakad ngayon, kailangan takbo.. Nasan na kaya ang iba?? Agad kaming tumuloy sa registrar.. Wengya, pagkarating na pagkarating namin, mga nakakalokong ngisi ng ibang jaguars ang bumungad samin.. "Pano ba yan? Alam nyo na ang gagawin.." pang aasar ni Burns.. "Wengya, Gibson, Young hawakan nyo si Spencer isako na yan taena.." nagtawanan ang jaguars, at lahat ng atensyon ng mga estudyanteng nakapila ay nasa amin.. "Ang gwapo nilaaaa!" "Sila yung varsity ng Montereal Academy di ba?" "Oo, at balita ko, maglalaro din sila para sa University na to.." "KyaaaaahhH! Mukhang sisipagin ako pumasok araw araw.." "Kung alam ko lang, dito na sana tayo natulog.." sabi ni Young at hinubad na ang damit nya.. "WaaaaaaaahhhhH! hihimatayin akoo!!" Nag umipsa ng magkagulo ang mga babae, halos lahat samin na nakatingin, kahit mga lalaki.. "h***d na Spencer, ngayon ka pa nahiya?" tiningnan ko ng masama si Freeman.. Hinubad ko ang damit ko. "Kyaaaaaahhh! Heaven ang school na to! Ang daming gwapoooo!" sigaw nung isang babae.. "Yan ang tunay na jaguars, katawan pa lang, pang saranggola na.." narinig kong sabi ni Howard.. "Gago! ihampas ko kaya sa ulo mo itong abs ko.." sagot ni Dela Cruz. "Fall inline jaguars.." napalingon kaming lahat sa nagsalita. Walang iba kundi ang team captain namin at nagsisilbing leader ng tropa. Sya ang bumuo ng samahan na meron kami ngayon.. Kumilos na kami para pumunta na sa pila. Lahat ng mata ng mga estudyante samin pa rin nakatingin. Nagkibit balikat na lang kami. "Masanay na kayo jaguars, apat na taon nyong dadalhin ang pagiging sikat sa school na ito, simula sa araw na to.." sabi ni Montereal.. "Lakas makaagaw ng atensyon!" narinig naming sabi ng isang lalaki. At dahil, di naman kami mahilig sa away, di namin pinansin yun. May mamaya pa naman di ba? Hayaan nyo munang ipakilala ko sa inyo ang JAGUARS. Sino ba kami at anong samahan ang meron kami..? Umpisahan natin kay captain.. Siya si Shieldler John Wright, tahimik na tao at wagas magmura. Di alam ang salitang joke, lagi kong nalilimutan ang bagay na yun kaya naman nabibiktima ako ng hundred push ups.. =__= Tulad ng sabi ko kanina, sya ang bumuo sa samahan namin, at higit sa lahat ibang klase ang pagpapahalaga nya sa grupo, di man nya pinapakita ramdam naman namin yun.. Kaya saludo kami sa kanya. Next is Xevier Montereal, anak ng may ari ng University na ito. Best buddy ni captain, kung itatanong nyo kung bakit pa kami nagpapakahirap pumila dito kung may kaibigan naman pala kaming anak ng may ari ng school, well that's because di kami katulad ng iba, we're unique on our own way, we don't use power and connections. Gusto pa din namin maranasan ang mga nararanasan ng isang tunay na estudyante. Sunod ay si Jason Dela Cruz, ang baliw at nag iisang concern citizen ng barkada. In other words tsismoso. Kaya kung may mga gusto kayong malaman na sekreto namin, sa kanya nyo na lang itanong.. Next, Tristan Turner ang bully, pero kapag nagsama sama na kaming lahat sa kalokohan, kawawa ang mapapagtripan. In short, nasa dugo na namin ang ibully ang isat isa.. Next is Kevin Young, tahimik pero nasa loob ang ingay. What do I mean? Tahimik yan kapag may ibang tao, lalo na kapag nasa klase, sya pa nga ang tagasaway sa maingay eh, kaya binansagan namin syang Librarian, pero wag ka, pag kami kami na lang ang magkakasama, taena daig pa ang pusang di matae sa sobrang ingay.. Lakas pa mang asar ng g*go. Sunod ay si, Jonathan Miller, ang taong nangunguna pagdating sa inuman, nasa wine industry ang daddy nya at namana nya yung galing ng daddy nya sa pagtikim ng ibat ibang uri ng wine.. Sya ang salarin kung bakit natuto kaming uminum sa murang edad wengya.. bakit? dahil yun sa kakatikim ng wine, at dahil wala naman kaming alam sa wine, nalalasing na kami ay di pa din namin alam kung anong klaseng wine ba yung iniinum namin.. =__= Next is Elvin Howard, ang taong, mataas tumalon, malakas lumamon.. At sinasabing may mga bagay daw syang di maalala pagkatapos ng graduation namin nung high school, mataas ang IQ ng taong yan, at sa sobrang taas di namin maabot -__- favorite pet nya ang ipis *evil smile* Sunod ay si Elmar Gray, ang next guy with captain pagdating sa pagiging tahimik.. di masyadong nagsasalita, di naman yan ganyan nung high school pero nung umalis ni si Hart naging tahimik na sya.. May mga oras na magaling din yan mang asar.. Next is Alfred Gibson, ang taong malakas na mang trip, malakas pa magmura -__- pero maasahan sa larangan ng sapakan, masipag maglinis yan kaya tinawag naming basurero.. Next, Rosmar Freeman, ang taong gwapong gwapo sa sarili pati hangin nahiya na umihip dahil sa mga sinasabi nya.. Sya ang taong bilanggo dahil sa kanyang apelyido.. Sunod ay si Anthony Fisher, siya yung taong hindi takot sa isda pero di marunong lumangoy -__- At ang huli, ang taong sunog dahil sa kanyang nagliliyab na apelyido, Joel Burns.. ang lalaking malandi, pero may isang babae syang ayaw landiin, walang iba kundi ang kapatid ni Howard na si Izrah.. At ako? Ako si Johnny Spencer, ang lalaking habulin ng mga babae, di ko alam kung bakit nila ako hinahabol, pero sabi ng jaguars para daw akong magnet at ang mga babae ang bakal.. *wink* "Ang daming daldal ni Spencer nakakarindi" nilingon ko si Burns.. "Gago, pinapakilala ko lang kayo!" "Kilala na kami ng mga yan *turo sa readers*" -Burns "Ayaw mo yun, review.." Bigla ko na naman naramdaman ang tawag ng kalikasan, napahawak ako sa tiyan ko.. "Hoy! Spencer, taena ka, ilabas mo na yan, mamaya dito ka pa magkalat.."- Freeman.. At dahil malakas ang tawag ng kalikasan napagpasyahan kong umalis muna sa pila at tumakbo papunta sa banyo.. "ASSIGNMENTS, REVIEWERS, and PROJECT maker ba ang hanap nyo ngayong darating na pasukan? Ako ang tutulong sa inyo!" narinig ko pang sigaw ng isang babae, di na ako lumingon dahil talagang lalabas na..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD