Irah Marie’s POV “No Kuya, don’t tickle me.” Napalingon ako sa pinanggalingan ng tumatawang bata at nakita ko si Jestoni na may kalarong bata dito sa tapat ng mansyon ni Rome. Papasok sana ako sa loob ng mansyon para mag-agahan. Kanina pa naman ako nagising at nanatili lang sa kwarto ko dahil hindi mabuti ang pakiramdam ko. Bukod sa tinatamad akong kumilos ay nagsusuka pa ako kahit wala naman lumalabas sa bibig ko. Kaya eto, alas nuwebe na nang umaga at ngayon ko pa lang naisipan na lumabas sa kwarto at kumain. Kagabi rin ay halos ilang subo lang ang kinain ko. Hindi ko din kasi maintindihan ang sarili ko. Parang may iba akong gustong kainin, pero hindi ko naman alam kung ano. Ang mga kasama ko sa maid’s quarter ay maaga naman na nagsipuntahan sa mansyon para magtrabaho. Nakilala ko