CHAPTER 5
"Pare kumusta anung balita kay De Luna?" agarang tanung ni Cyrus kay Terrence. Sinadya niya ito sa Camp Villaflores para makibalita sa kaibigan nila.
"Ligtas na daw ang asawa ni Iyakin este si MJ. Pero ang sabi niya hindi muna niya ilalabas ito hanggat hindi nagigising." kuwento naman ni Terrence.
"Ha? ?? You mean pare under comatose siya eh mas lalong kailangang maibalik ito para maagapan. Kung hindi ako nagkakamali buntis ito baka maapektuhan ang nasa sinapupunan ng pinsan ko?" worried na ani Cyrus.
"Siya na lang kausapin natin sa personal pare alam mo na minsan mahirap mag usap usap lalo na kung bukas ang extension ng mga taenga nila." tugon ni Terrence dahil namataan niya ang anino ng tao.
Dahil sa sinabi ng kaibigan ay agad binunot ni Cyrus ang kanyang baril at dahan dahang lumapit sa tabi ng pintuan at sinenyasan ang kaibigan na ipagpatuloy ang pagsasalita.
"Kumusta ang panliligaw mo sa singer ninyo tol?" out of the blue ay tanung ni(Terrence) kay Cyrus na siyang nagpalaki sa mata ng huli at muntik nang humagalpak ng tawa ang una dahil sa reaksiyun ng kaibigan.
"Magtutuos tayu Harden!" Cyrus mouthed.
"Hihintayin ko ang panahong iyan Aguillar at pag kasal na kayu tandaan mo sagot ko ang ticket ninyo back and forth to Barcelona." gatong pa nito at muling isenenyas na biglaing buksan ang pintuan.
Presto!
"Are you spying on us Acosta!!!?" galit na tanung ni Cyrus nang mapagsinu ang nasa labas ng pinto.
"Ang lakas naman ng apog mo para sabihing nag-iispiya ako sa inyo napadaan lang ako noh!" tanggi nito.
"Are you sure of that Acosta?" mabigat pa kaysa mundong tanung ni Terrence na nakalapit na sa kanila.
"Yes of course I am! " mayabang nitong sagot.
Out of the blue ay hinila ito ni Terrence papasok sa opisina niya at ipinakita ang kuha ng CCTV.
Kitang-kita dito kung saan sadyang sinundan ni Acosta ang binatang si Cyrus patungo sa opisina ni Terrence. Kuha din kung paanu nito idinikit sa dingding ang sarili para makinig sa pinag uusapan ng nasa loob.
Pinagpawisan naman ito kahit nakawell air conditioned ang buong opisina. At kitang kita nang magkaibigan kung paanu ito napalunok.
"Ngayun sabihin mo na hindi ka spiya at magkikita tayu ngayun sa korte." mariing aniya ni Cyrus.
"Dahan-dahan ka sa pananalita mo puwedi kitang idemanda ng libel dahil diyan." matapang nitong sagot.
"Tsk! Tsk! Tsk! Ang yabang mo Acosta lumayas ka sa harapan namin ikaw na nga ang sinungaling at ISKALAWAG ikaw pa ang mayabang. Huwag ko lang malaman na ahas ka at may connection sa mga tinutugis natin dahil ako mismo ang magdedemanda laban sa iyo! " aniya ni Terrence dito at halos sipain ang una palabas sa kanyang opisina.
"Ouuuccchh! Bakit ka nambabatok Aguillar." reklamo ni Terrence habang hawak ang batok dahil walang babalang binatukan siya ng kaibigan matapos mapaalis ang hinayupak na mayabang.
"Tado ikaw nga itong jismoso eh anung nakain mo at biglang si Weng ang nabanggit mo? Isa pa may CCTV ka pala dito sa loob eh pinagod mo ako sa pakikipag usap sa sinungaling na iyun." simangot na sagot ni Cyrus.
"Eh nag-eenjoy ka eh....oooooppssss bawal mambatok ulit. Ayaw mo noon naexercise ang bibig mo pare." tatawa-tawang aniya ni Terrence dito.
"Ogag! " nakatawa na ring sagot ni Cyrus at bahagya itong sinapak.
Ilang sandali pa ang lumipas , matapos silang mag usap tungkol sa kaibigan nila ay umuwi na rin si Cyrus sa kanyang boarding.
Paratong Sta Catalina
"Aling Belen puwedi po bang makiusap?" tanung ni Rey sa kapit bahay nila.
"Anu iyun anak sabihin mo na." sagot naman ng butihing matanda.
Kaedad niya ang anak ng mga ito na si Faith Ann pero hindi pinalad na nagtagal sa mundong ibabaw. Tandang-tanda pa niya noong nalagutan ito hininga nagkataon na umuwi siya noon kayat nasaksihan niya nang malagutan ito ng hininga. Sa sikap ng mag asawang Belen at Narding ay nakapagtapos ito nang may mataas na karangalan sa UNIVERSITY OF NORTHERN PHILIPPINES. Mabait na dalaga ang kababata niya pero sabi nga nilang hindi natin hawak ang buhay natin. Isa lamang itong hiram, hiram sa Poong Maykapal na siyang lumikha sa atin. Kasabay nang pagbalita na isa si Faith Ann sa top five sa mga board passers o LET para sa mga guro ay saka naman nila na may sakit itong leukemia. Kayat ang dalagang nangarap na makapagturo at makatulong sa mga kapwa niya ay unti unti nang nilalamon ng kanyang sakit hanggang sa namaalam ito at naunang nagsauli ng hiram niyang buhay.
"Anak? Nakatulala ka na diyan anung pag-uusapan natin?" tinig ni Aling Belen na pumukaw sa pagbabalik tanaw ni Rey sa kanyang kababata.
"Nana kayu sana ni tata ang kakausapin ko kung nandiyan siya." sagot ng binata.
"Pasok ka Rey nasa loob ang tata Narding mo nanonood ng balita----
"Belen halika dali! Ang mahabaging langit. Anu na ba ang nangyayari sa mundong ito." putol na agaw ni mang Narding sa sinasabi ng asawa.
***"Excuse me po, anu po ba nangyari? " tanung ni DJ sa police. At ang micropono ay nakaturo na dito.
"Ayun sa mga residenti may biglang bumulusok pero hindi daw nila akalaing sasabog ito." sagot nito.
"Sir may tao po ba sa loob ng helicopter bago sumabog?" si Dennise.
"Ayun sa mga tauhan ko at mga tas laboratory ay isang bangkay lamang ang nakuha nila galing dito." police.
"Isa pang tanung sir sa iyung palagay nakalabas kaya ang mag asawang sakay ng helicoprer.?" muli ay tanung ng dalaga.
"Ayun sa aming pag-iimbistiga ay oo dahil isang bangkay lamang ang natagpuan at wala ang survivors kit sa panghimpapawid na sasakyan. At kani-kanina lang ay tumawag ang isang tauhan ko na may dinalang lalaki sa St James Hospital. Pero hindi pa daw nila ito nakausap dahil nasa emsrgency pa daw ito at kasalukuyang ginagamot. At tungkol sa asawa ng hinihinalang si Mr Mckevin ay huwag po kayung mag alala dahil gagawin po namin ang lahat para malutas ito." sagot ng police.
"Maraming salamat po." tugon ni Dennise dito.
Muli niyang hinarap ang camera men nila saka muling nagsalita.
"Atin pong narinig mga kaibigan ang aking panayam sa isang police dito. Sa ngayun po ay nasa pagamutan pa ang lalaking hinihinalang si officer Mckevin. Pero ikinalulungkot po natin na walang balita tungkol sa asawa ng opisyal pero nangako naman po ang kapulisan na gagawin nila ang lahat para sa ikalulutas nito.
Ito po si Joyce Harden nag uulat, magandang hapon kapamilya." ***
Hindi na nagulat si Rey sa balitang naipalabas sa television dahil siya lang naman ang hero ng nawawalang asawa ng NBI officer na si Marc Joseph. Masaya na rin siya dahil natagpuan at nasa maayos na itong kalagayan.
"Sayang Dennise nasa alanganing sitwasyun pa rin tayu. Sana magkaroon ako ng oras at panahun na ipaalam sa iyu ang nararamdaman ko." aniya sa kanyang isipan.
"Ay maupo ka anak, nandiyan ka pala." yaya ni mang Narding sa binata.
"Salamat ho tata, gusto ko sana kayung makausap ni nana kaya ako pumarito." sagot niya dito.
"Anu iyun anak , anung pag uusapan natin." tanung ng matanda.
"Una sa lahat po gusto ko pong humingi ng pasensiya, dahil hihingin ko po ang tulong ninyo. Pangalawa sana po pahintulutan niyo akong ipagamit sa kaibigan ko ang pangalan ng kababata ko. At pangatlo po alam ko po ang kapapanood niyo lamang na balita dahil ang taong hinahanap na asawa ng opisyal ay siya ang taong ihahabilin at ipapakiusap ko sa inyo kung papayag kayo." saad ni Rey.
"Ha? Anung ibig mong sabihin anak? At bakit kailangang ipagamit pa ang pangalan ni Faith Ann?" tanung ni Aling Belen.
"Ako po ang kasama ng mag-asawa bago sumabog ang helicopter at nasa bahay ang misis ni sir Mckevin. Kaya ko po kayu gustong makausap dahil gusto ko pong hingin ang tulong ninyo. Nasa panganib po ang kanilang buhay. Hindi ko na sana kayo aabalahin pero buntis po kasi siya at under comatose po. May trabaho po ako sa Baguio alam n'yo po iyan kaya po ako hindi magtagal dito sa atin. Gusto ko pong itago muna siya dito at kayo po ang alam kung makatulong sa akin dito kasama ang nanay ko. Ipahintulot n'yo po sanang ipagamit natin sa kanya ang pangalan ng kababata ko para sa kaligtasan niya at ang bata sa kanyang sinapupunan. Huwag po kayong mag-alala sasahuran ko po kayo sa pag-aalaga sa kanya. Isa lamang po ang ipinapakiusap ko sa inyo nana, tata alagaan n'yo po siya ng mabuti at pagdating ng kabuwanan niya kayo na din po ang mag-aalaga sa magiging anak niya." paliwanag ni Rey sa mag asawa.
Ang kaninang tutok na tutok sa panonood ay napaupo ng tuwid at humarap sa binatang opisyal.
"Kilala na kita mula pagkabata anak at kung ako ang tatanungin mo karangalan ko ang tumulong sa kapwa ko lalo na at ikabubuti ito ng lahat. Walang problema sa amin ng nana Belen mo anak." aniya ni mang Narding.
"Tama ang tata mo anak walang problema sa amin, handa kaming tulungan ka. Huwag kang mag alala tutulungan ka namin na walang hinihinging kapalit." segunda naman ni Aling Belen.
He almost cried infront of the old but he holds it.
"Maraming salamat po sa inyo nana, tata alam n'yo naman pong hindi rin kakayanin ni mama ang mag isa sa kanya alam niyo naman pong lagi siyang nasa community services ng simbahan. Ililipat ko po siya dito pati gamit niya mamaya bago ako luluwas patungong Baguio. Nakabili na rin po ako ng iiwan kong cellphone at ilang goods para anytime ay matawagan n'yo ako. At heto po ang pera magagamit niyo po sa pang araw-araw ninyo." aniya ng binata at iniabot ang isang brandnew phone at cash sa mag asawa.
"Huwag na po kayung tumutol nana , tata , kunting halaga lamang po iyan kumpara sa bagay na ipapaabala ko sa inyo. Sige po uwi na po muna ako at kausapin si mama at maihanda namin ang mga gamit niya. Maraming salamat po talaga sa inyo." sensirong sabi ni Rey sa mag asawa.
"Walang anuman anak. Tao lamang tayo na nangangailangan ng tulong nang ating kapwa. Pagpalain ka sana ng Amang lumikha dahil may ginintuan kang puso." sagot ng mag asawa.
"Kayo din po nana, tata ." sagot nito at tuluyan nang umuwi sa kanilang bahay kung saan naroroon ang ampon niya.
Kinagabihan inilipat niya nga si Allien Grace Cameron Mckevin sa tahanan ng mga Villafuerte pero hindi na sa katauhang Allien Grace Cameron Mckevin kundi Faith Ann Villafuerte.
Sa pagdaan ng mga araw mas naging maingat si Dennise dahil hawak niya ang blue book at ang baril na napulot niya sa lugar kung saan nangyari ang krimen.
Isang gabi napagdesisyunan niyang kausapin ang kanyang mga magulang tungkol dito.
Pero bago siya pumunta at kumatok sa kuwarto ng mga magulang ay tumunog ang telephone sa kanyang kuwarto. Kayat nilapitan niya ang side table niya at inabot ito.
"Hello good evening , who's on the line please?" sagot niya dito.
"Anu ba iyan tatawag-tawag hindi naman sumasagot. Distorbo! " bulong ni Dennise at akmang lalabas na pero muling tumunog ang telepono.
"Buwissssiiiiitttt! !! KUNG WALA KANG MAGAWA SA BUHAY MO HUWAG AKO ANG PAGTRIPAN MO! !!"gigil niyang sabi sabay bagsak sa telepono pero muli itong tumunog.
Doon siya napaisip na may kinalaman kaya ang hawak niyang mga ehidensiya sa patuloy na pagtunog ng telepono.
"Dios ko anu po ang aking gagawin? Huwag niyo pong hayaang mapahamak ako para maibigay ko ito sa taong nararapat para mabigyang hustisiya ang taong iyun. Hayaan niyo po akong tulungan siya Ama." piping dasal ni Dennise.
Matapos makapanalangin ay biglang humaplos sa kanya ang malamig na hangin. Hangin na hindi niya alam kung saan galing pagkat nakasara naman ang mga bintana ng kuwarto niya.